Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Mga commodity, pinasimple: Gabay para sa mga baguhan

5
min na pagbabasa
Mga neon-style na icon ng ginto, langis, trigo, at kape na nakadisplay sa mga nakaanggulong glass panel, na kumakatawan sa iba't ibang uri ng mga commodity na tina-trade.

Ang mga commodity ay ang mga hilaw na materyales na nagpapatakbo sa mundo—mula sa kape sa inyong tasa hanggang sa ginto sa inyong alahas. Matagal na itong itina-trade sa loob ng maraming siglo, mula pa noong panahon ng Silk Road, at hanggang ngayon ay mahalagang bahagi pa rin ito ng pandaigdigang ekonomiya. Sa pinakaubod nito, nauuwi ang presyo ng mga commodity sa isang simpleng patakaran: supply at demand.

Kapag mataas ang demand at mababa ang supply, tumataas nang husto ang mga presyo. Kapag kabaligtaran ang nangyari, bumababa ang mga presyo. Ganoon lang kasimple!


Ang dalawang uri ng commodity

Mga hard commodity Mga soft commodity
Mga metal Enerhiya Agrikultura Livestock at karne
Ginto Crude oil Soybean Buhay na baka
Pilak Natural gas Kape Lean hog
Tanso Gasolina Mga butil Gatas
Platinum Bulak
* Ilan lamang sa mga halimbawa ang nasa listahan sa itaas. Sa katunayan, mas marami pang indibidwal na produkto ang bumubuo sa bawat grupo.

‍

May dalawang pangunahing uri ang mga commodity:

  • Mga hard commodity. Ito ay mga likas na yaman na minimina o kinukuha mula sa lupa, tulad ng langis, ginto, at mga metal.
    ‍
  • Mga soft commodity. Kabilang dito ang mga produktong pang-agrikultura tulad ng trigo, kape, at asukal.

Ilan sa mga pinakapopular na commodity sa mundo ng trading ang langis (lalo na ang WTI at Brent crude) at ginto, na madalas puntahan ng mga trader tuwing parang hindi matatag ang ekonomiya.

‍

Paano gumaling sa commodity trading

Gusto bang pagbutihin ang inyong kasanayan sa commodity trading? Narito ang ilang pangunahing hakbang:

  • Unawain kung ano ang nagpapagalaw sa mga presyo
    Maaaring yumanig sa mga presyo ng commodity ang mga takbo ng ekonomiya, mga pangyayaring pampulitika, at maging ang mga natural na sakuna. Halimbawa, maaaring maantala ng malakas na bagyo ang produksyon ng langis, kaya sisirit pataas ang mga presyo. Makakatulong ang pagsubaybay sa mga balita sa buong mundo para magkaroon kayo ng bentahe.
    ‍
  • Gumamit ng pagsusuri sa merkado
    Dalawang pangunahing uri ng pagsusuri ang sinasandigan ng mga trader:
    • Fundamental analysis (pagtingin sa supply, demand, at kalagayan ng ekonomiya)
    • Technical analysis (paggamit ng historical price data para makita ang mga pattern)
    Makakatulong ang paghahalo ng dalawa para makagawa kayo ng mas matatalinong trade.
    ‍
  • Sundan ang mga trend
    Gumagalaw ang mga commodity ayon sa mga trend, pataas (bullish) o pababa (bearish). Makakatulong ang maagang pagtukoy sa mga trend na ito para makagawa kayo ng mga trade sa tamang panahon.

‍

Paano mag-trade ng mga commodity sa Deriv

Hindi ninyo kailangang magmay-ari ng mga bariles ng langis o mga bareta ng ginto para mag-trade ng mga commodity. Sa halip, maaari ninyo itong i-trade gamit ang mga CFD (Contracts for Difference) o Options sa Deriv. Ganito ito:

‍

CFD trading sa Deriv

Mag-trade ng mga commodity sa mga platform tulad ng Deriv MT5, Deriv cTrader, at Deriv X gamit ang mga CFD, na nagbibigay-daan sa inyong:

  • Mag-long (bumili) kung inaasahan ninyong tataas ang mga presyo.
    ‍
  • Mag-short (magbenta) kung inaasahan ninyong bababa ang mga presyo.

Mananatiling bukas ang inyong posisyon hangga't gusto ninyo, kaya mas malaki ang kontrol ninyo sa inyong trading strategy.

‍

Options trading sa Deriv

Kung mas gusto ninyo ang may istrukturang panganib, subukan ang digital options sa mga metal gamit ang mga contract na Rise/Fall, Higher/Lower, o Touch/No Touch. Nagbibigay-daan ang mga ito para mahulaan ninyo ang galaw ng presyo sa loob ng itinakdang panahon.

  • Rise/Fall. Hulaan kung mas mataas o mas mababa ang magiging presyo kaysa noong pumasok kayo.
    ‍
  • Higher/Lower. Magtakda ng target na presyo (barrier) at hulaan kung magtatapos ang merkado sa itaas o sa ibaba nito.
    ‍
  • Touch/No Touch. Hulaan kung aabot ba ang merkado sa isang partikular na presyo.

Sa options, malalaman ninyo ang posibleng kita o pagkalugi bago kayo pumasok sa trade, kaya mas madali ang risk management.

‍

Handa na bang mag-trade ng mga commodity?

Nakakaakit ang commodity trading dahil tumutugon ang mga presyo sa mga pangyayari sa totoong mundo, kaya may mga oportunidad at may mga panganib. Ang susi sa tagumpay? Patuloy na matuto, maging madaling makibagay, at mag-trade nang matalino.

‍

Quiz

Aling commodity ang madalas tawaging “black gold”?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp