Sino kami
Ang Deriv ay isa sa pinakamalaking online broker sa mundo. Nag-aalok kami ng mga CFD at iba pang derivative sa forex, mga stock & index, cryptocurrency, commodity, at Derived Indices, para sa milyon-milyong rehistradong user sa buong mundo.
Aming mga values
Integridad
Pinaglilingkuran namin ang aming mga customer nang may katarungan at transparency. Inaayos namin ang lahat ng kontrata ayon sa tamang proseso at nakikipag-usap kami nang tapat at malinaw.

Focus sa customer
Inuuna namin ang customer at nagsusumikap na gumawa ng mga produktong naghahatid ng pinakamahusay na karanasan ng customer.
Kahusayan
Pinahahalagahan namin ang mga kasamahang may kakayahang gumamit ng mahusay na pagpapasya at may galing na matuto at umunlad.

Teamwork
Pinahahalagahan namin ang mga team player na malayang nakikipagtulungan sa iba't ibang departamento nang may kababaang-loob at ambisyon.
Aming mga sertipikasyon
Ipinagmamalaki naming makilala bilang Great Place to Work™ at magtaglay ng Platinum certification sa Investors in People, na sumasalamin sa aming pangako sa kultura sa trabaho at pag-unlad ng mga empleyado.


Aming mga prinsipyo
Maging maaasahan
Inaayos namin nang patas ang lahat ng kontrata, agad na pinoproseso ang lahat ng deposit at withdrawal, at nagbibigay ng maaasahang suporta at de-kalidad na karanasan sa trading sa lahat ng aming mga customer.
Maging patas
Pinapantay-pantay namin ang pagtrato sa lahat ng customer, hinahawakan ang mga reklamo nang may integridad, at nag-aalok ng competitive na presyo na walang nakatagong gastos at walang artipisyal na hadlang sa mga withdrawal ng customer.
Maging transparent
Nagsasalita kami nang malinaw upang maiwasan ang kalabuan, ibinubunyag ang mga tuntunin ng lahat ng kontrata, at malinaw kami tungkol sa mga panganib sa trading at kung paano kami kumikita.
Maging responsable
Hindi kami gumagamit ng hard-selling, hindi nagbibigay ng payo sa pananalapi o trading, at hindi gumagawa ng mga pangakong garantisadong kita. Hindi namin hinihikayat ang mga vulnerable na tao na mag-trade at nagpapatupad kami ng mga kontrol upang maiwasan ang anumang ilegal na gawain.








