
Naitanong na ba ninyo kung bakit palaging nagbabago ang presyo ng inyong kape tuwing umaga? O kung bakit parang roller coaster ang presyo ng gasolina kung minsan? Maligayang pagdating sa mundo ng commodity trading, isang merkadong hinuhubog ng kombinasyon ng totoong supply at demand at kaunting ispekulasyon ng mga trader.
Himayin natin ito sa simple at kawili-wiling paraan!
Bakit nagbabago-bago ang presyo ng mga commodity?
Hindi basta-basta gumagalaw ang presyo ng mga commodity; tumutugon ang mga ito sa kombinasyon ng mga pundamental at ispekulatibong salik. Isipin ito na parang pagbe-bake: ang mga pundamental ang bumubuo ng base, at ang ispekulasyon ang nagdaragdag ng lasa.
Ang mga pundamental: Mga impluwensya sa totoong mundo
Supply at demand: Ang klasikong tuntunin sa ekonomiya. Kapag mababa ang supply at mataas ang demand, tumataas ang presyo. Halimbawa, madalas tumaas ang presyo ng ginto tuwing wedding season sa India dahil sa mataas na demand sa alahas.
Panahon at mga natural na sakuna: Malaki ang papel ng kalikasan, lalo na sa mga agricultural commodity. May tagtuyot ba sa rehiyong pinagtataniman ng kape? Asahan ang mas mataas na presyo ng inyong kape araw-araw.
Mga pangyayaring geopolitical: Maaaring yumanig sa presyo ng mga commodity ang mga political conflict. Halimbawa, ang digmaan ng Russia at Ukraine ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis at natural gas dahil sa pagkaantala ng supply.
Kalusugan ng ekonomiya: Ang umuunlad na ekonomiya ay nangangahulugan ng mas mataas na demand para sa mga industrial metal tulad ng copper. Kapag bumagal ang paglago, maaaring bumaba ang demand at pati ang presyo.
Mga exchange rate ng currency: Dahil maraming commodity ang may presyong nakabatay sa US dollar, maaari silang maging mas mahal para sa mga international na mamimili kapag lumakas ang dolyar, kaya bumababa ang demand at presyo.
Mga patakaran ng pamahalaan: Maaaring makaapekto sa produksyon at trade ng mga commodity ang mga taripa, subsidyo, at regulasyong pangkalikasan.
Pag-unlad ng teknolohiya: Maaaring magbago ang supply at presyo dahil sa inobasyon. Halimbawa ang fracking, na nagpabago sa produksyon ng langis at nagpababa sa presyo ng crude.


Mga ispekulatibong salik: Ang mapusok na bahagi ng merkado
Bukod sa mga pundamental, nagdaragdag pa ang mga trader at institusyon ng isa pang patong sa price action:
- Sentimyento ng mga trader: Kung naniniwala ang mga trader na tataas ang presyo ng langis, maaari silang magsimulang bumili, na nagtutulak pataas sa presyo, kahit bago pa magkaroon ng aktuwal na problema sa supply.
- Mga hedge fund at speculator: Maaaring itulak pataas o pababa ng malalaking manlalaro ang merkado sa pamamagitan ng malalaking trade.
- Liquidity ng merkado: Mas madaling magkaroon ng malalaking pagbabago sa presyo ang mga commodity na bihirang ma-trade (tulad ng ilang rare metal).
- Technical analysis: Tinitingnan ng mga trader ang mga chart, pattern, at historical data upang hulaan ang mga susunod na galaw ng presyo.
- Options at futures: Naiimpluwensyahan ng mga financial instrument na ito ang spot price, at dito nagmumula ang mga terminong backwardation at contango (mga terminong naglalarawan kung paano nauugnay ang mga future price sa mga spot price).
- Mga speculative bubble: Minsan, sabay-sabay na sumasabay ang lahat sa isang trend, kaya sobrang tumataas ang presyo hanggang sa pumutok ang bubble.


Tuklasin nang may kumpiyansa ang merkado ng mga commodity
Sa mas malalim na pag-unawa kung paano gumagalaw ang presyo ng mga commodity, mas malapit na kayo sa paggawa ng mas matalinong desisyon sa trading. Gusto ba ninyong subukan nang walang panganib? Magsanay gamit ang libreng demo trading account at simulan nang tuklasin ang merkado ng mga commodity ngayon!
Quiz
Alin sa mga sumusunod na fundamental factor ang direktang nakaaapekto sa presyo ng mga agricultural commodity?


