
Maaaring nakakakaba ang pakinggan ng forex, pero mas madali itong maabot kaysa sa inaakala ninyo. Isipin ninyong nasa isang masiglang pandaigdigang pamilihan kayo, hindi para sa mga pampalasa at souvenir, kundi para sa mga currency mula sa iba't ibang panig ng mundo!
Ano ang forex?
Ang forex, maikling anyo ng “foreign exchange,” ay simpleng proseso ng pagbili at pagbebenta ng iba't ibang currency. Ito ang pinakamalaki at pinakaaktibong merkado sa pananalapi sa mundo, kung saan trilyon-trilyong dolyar ang nagpapalitan araw-araw.
Bakit may merkado ng forex?
Isipin na isa kayong kumpanyang Amerikano na gustong bumili ng mga produkto mula sa isang manufacturer sa China. Kailangan ninyo silang bayaran sa Chinese Yuan, pero US Dollar lang ang hawak ninyo. Dito pumapasok ang merkado ng forex. Isa itong pandaigdigang network ng mga bangko, broker, at institusyon na tumutulong mag-convert ng isang currency sa iba pa.
Patuloy na nangyayari ang palitang ito sa buong mundo, kaya tuloy-tuloy ang takbo ng pandaigdigang trade at pamumuhunan.
Paano gumagana ang forex trading?
Dahil sa makabagong teknolohiya, magagawa na ng sinuman ang forex trading sa pamamagitan ng mga online platform tulad ng Deriv. Narito ang pangunahing ideya:
- Magkapares ang mga currency: Palagi kayong nagte-trade ng isang currency laban sa isa pa, tulad ng Euro kontra US Dollar (EUR/USD) o British Pound kontra Japanese Yen (GBP/JPY).
- Gumagawa kayo ng hula: Lalakas o hihina ba ang isang currency laban sa isa pa?
- Bumibili o nagbebenta kayo: Kung sa palagay ninyo ay tataas ang Euro laban sa Dollar, “bibili” kayo ng EUR/USD pair. Kung tumaas nga ito, magbebenta kayo sa mas mataas na presyo at kikita. Kung bumaba naman, maaari kayong malugi. Maaari rin ninyong gawin ang kabaligtaran: magbenta muna, saka bumili muli sa mas mababang presyo.
Bakit mag-trade ng forex?
Ano ang nagpapasikat sa forex trading? Narito ang ilang dahilan:
- 24/5 na aksyon: Bukas ang forex 24 oras kada araw, limang araw kada linggo. Maaari kayong mag-trade anumang oras na bagay sa inyong iskedyul.
- Madaling pumasok, madaling lumabas: Napaka-liquid ng merkado, ibig sabihin ay laging may mga buyer at seller. Dahil dito, mas madaling pumasok at lumabas sa mga trade.
- Diversification: Maaaring umakma ang forex sa inyong trading portfolio kasama ng mga stock o iba pang asset class.
Quiz
Ano ang pangunahing katangian ng forex trading?


