
Hindi lang para sa malalaking institusyon o mga eksperto sa pananalapi ang pag-trade ng mga commodity. Para ito sa sinumang gustong mag-diversify ng trading strategy. Metal man, enerhiya, o produktong agrikultural, nag-aalok ang mga commodity ng natatanging benepisyo na makatutulong magbalanse ng panganib at magbukas ng mga bagong oportunidad.
Alamin natin kung bakit karapat-dapat silang magkaroon ng puwesto sa inyong portfolio.
Paano makatutulong ang mga commodity sa inyong trading strategy
Natural na hedge para sa inyong portfolio
May pagtaas at pagbaba ang mga stock, pero ang mga commodity? Sarili nilang ritmo ang sinusunod nila. Dahil hindi sila laging sumusunod sa parehong trend ng mga stock o currency, makatutulong ang mga commodity na pagaanin ang epekto sa inyong portfolio kapag bumagsak ang ibang merkado. Halimbawa, kapag bumulusok ang presyo ng mga stock, kadalasang mas sumisikat ang mga mahalagang metal tulad ng ginto. Iyan ang balanse ng portfolio sa aktuwal na aksyon!
Pinakamatinding kalaban ng implasyon
Napapansin ba ninyong hindi na kasinghaba ng dati ang inaabot ng inyong pera? Gawa iyan ng implasyon. Dahil tumataas ang halaga ng mga hilaw na materyales tulad ng langis at metal kapag tumaas ang demand, makatutulong ang mga commodity na labanan ang epekto ng implasyon. Isipin ito: kapag tumaas ang presyo ng pang-araw-araw na bilihin, tumataas din ang gastos sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga produktong iyon, na maaaring lumikha ng mga bagong pagkakataon sa trading.
Defensive na asset sa panahon ng volatility ng merkado
May mga asset na nababawasan ang halaga sa paglipas ng panahon, pero ang mga commodity tulad ng ginto at pilak? Matibay ang kanilang staying power. Kilala ang mga mahalagang metal bilang “safe haven” dahil madalas nilang napapanatili ang kanilang halaga kahit dumaranas ng matinding hamon ang ekonomiya. Kaya kapag naging pabagu-bago ang mga merkado sa pananalapi, maraming trader ang lumilipat sa ginto bilang matatag na imbakan ng halaga—parang financial security blanket ito.
Ugnayan ng mga commodity at currency
Hindi lang ginugulo ng mga commodity ang merkado. Naiimpluwensyahan din nila ang mga currency. Narito ang tatlong currency pair na malapit na nakaugnay sa presyo ng mga commodity:
USD/CAD (US Dollar/Canadian Dollar)
Ang Canada ay isa sa pinakamalalaking exporter ng langis sa mundo, kaya madalas na kasabay ng presyo ng langis ang galaw ng currency nito. Kapag tumaas ang presyo ng langis, kadalasang lumalakas ang Canadian dollar (CAD) laban sa US dollar (USD).
Trading tip: Bantayan ang mga trend sa presyo ng langis. Kung biglang tumaas ang presyo ng langis pero hindi pa gumagalaw ang CAD, maaaring naghahanda na itong tumaas.
AUD/USD (Australian Dollar/US Dollar)
Nag-e-export ang Australia ng napakaraming ginto, kaya malapit na nakaugnay sa presyo ng ginto ang currency nito. Bukod pa rito, dahil ang China ay isa sa pinakamalalaking trading partner ng Australia, maaari ring makaapekto sa Australian dollar (AUD) ang demand ng China para sa mga hilaw na materyales.
Trading tip: Subaybayan ang presyo ng ginto at ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng China. Kung tumaas ang demand ng China para sa mga resource, maaaring sumunod ang AUD.
NZD/USD (New Zealand Dollar/US Dollar)
Ang New Zealand ay isa sa mga nangungunang exporter ng mga produktong gatas, at madalas magbago ang currency nito batay sa presyo ng gatas, karne, at lana. Dahil ang Australia ay isa sa pinakamalalaki nitong trade partner, malakas din ang ugnayan ng New Zealand dollar (NZD) sa Australian dollar.
Trading tip: Ihambing ang mga trend ng AUD/USD at NZD/USD pair. Kung biglang gumalaw ang isa, maaaring sumunod ang isa pa.
Quiz
Aling commodity ang may pinakamalaking epekto sa AUD?


