Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Nangungunang 4 na trading style

5
min na pagbabasa
Isang compass na napapalibutan ng mga trading style—Scalping, Day Trading, Swing Trading, Position Trading—na sumisimbolo sa pagpili.

Hindi pare-pareho ang angkop na paraan ng trading para sa lahat. May mga trader na mas gusto ang mabilis na aksyon, habang may iba namang mas gusto ang mabagal ngunit tuloy-tuloy na approach. Mahalagang mahanap ang tamang trading style para masulit ninyo ang inyong trading journey.

Sa gabay na ito, tatalakayin namin ang apat na pangunahing trading style para matulungan kayong malaman kung alin ang akma sa inyong personalidad, oras na maaaring ilaan, at antas ng pagtanggap sa panganib.

Ano ang trading style?

Ang trading style ay ang personal ninyong approach sa merkado—makikita rito kung gaano kayo kadalas mag-trade, gaano katagal ninyong hawak ang mga posisyon, at gaano karaming panganib ang komportable kayong tanggapin. Iba ito sa trading strategy (na mas nakatuon sa mga partikular na teknik at setup). Dapat tumugma ang inyong trading style sa inyong pamumuhay, pag-iisip, at mga layuning pinansyal.

Ang pinakamaganda? Walang mahigpit na patakaran! Maaari kayong sumubok ng iba't ibang style at i-adjust ang mga ito ayon sa inyong pangangailangan. Tuklasin natin ang apat na pinakakaraniwang trading style.

1. Day trading: Mabilis at nakaka-excite

Large 3D number "24" in front of red and white bar charts, representing the fast-paced nature of 24-hour day trading activity.

Kung mahilig kayo sa mabilis na pagdedesisyon at sa pagtatapos ng araw nang walang nakabinbing posisyon, para sa inyo ito.

Paano ito gumagana Pinakaangkop para sa Mga hamon
Magbukas at magsara ng mga trade sa loob ng iisang araw—walang posisyong mananatili magdamag. Mga mahilig sa adrenaline at mabilis na aksyon Nangangailangan ng patuloy na pagbabantay sa merkado
Samantalahin ang mga panandaliang paggalaw ng presyo. Mga full-time na trader Maaaring nakakapagod sa isip
Nangangailangan ng technical analysis at mabilis na pagdedesisyon. Mga taong mahusay sa ilalim ng pressure Nangangailangan ng mahusay na kasanayan sa risk management

‍

2. Scalping: Napakabilis na pagpasok at paglabas!

Illustration representing day scalping as a trading style.

Mahilig ba kayo sa excitement ng mabilisang kita? Maaaring scalping ang bagay sa inyo.

Paano ito gumagana Pinakaangkop para sa Mga hamon
Gumawa ng dose-dosenang o daan-daang trade sa loob ng isang araw. Mga trader na mahilig sa mabilis na pagdedesisyon Kapaligirang puno ng pressure
Kumita mula sa maliliit na pagbabago sa presyo. Mga taong kayang mag-focus nang matindi sa maiikling panahon Nangangailangan ng napakabilis na reflex
Nangangailangan ng katumpakan, bilis, at disiplina. Mga taong mahilig sa high-frequency trading Mabilis na maiipon ang mga gastos sa transaksyon

‍

3. Position trading: Pangarap ng matiyagang trader

Illustration representing position trading as a trading style.

Kung mas gusto ninyo ang pangmatagalang plano at pagtingin sa kabuuang larawan, maaaring bagay sa inyo ang position trading.

Paano ito gumagana Pinakaangkop para sa Mga hamon
Hawakan ang mga trade nang ilang linggo, buwan, o kahit taon. Mga trader na mas gusto ang pangmatagalang trend Nangangailangan ng malaking pasensya
Nakatuon sa mga pangunahing trend ng merkado sa halip na sa pang-araw-araw na pagbabago ng presyo. Mga ayaw mag-trade araw-araw Nakatali ang kapital sa mas mahabang panahon
Gumagamit ng fundamental analysis sa pagdedesisyon. Mga trader na mas gusto ang mga estratehiyang “buy and hold” Matagal bago maganap ang mga pagbabago sa merkado

‍

4. Swing trading: Pinakamainam sa dalawang mundo

 Illustration representing swing trading as a trading style.

Gusto ba ninyo ng balanse sa pagitan ng bilis at estratehiya? Maaaring ang swing trading ang swak sa inyo.

Paano ito gumagana Pinakaangkop para sa Mga hamon
Hawakan ang mga trade nang ilang araw hanggang ilang linggo. Mga trader na gusto ng flexibility Nangangailangan ng pasensya sa paghihintay ng mga setup
Sinasamantala ang mga paggalaw ng presyo sa maikli hanggang katamtamang panahon. Mga mahilig sa technical analysis Maaaring hindi mahulaan ang mga merkado
Kasama rito ang pagbili kapag mababa ang presyo at pagbebenta kapag mataas. Mga taong mahilig tumukoy ng mga trend Ang paghawak ng posisyon magdamag ay naglalantad sa inyo sa mga hindi inaasahang pangyayari

‍

Aling trading style ang pinakaangkop sa inyo?

Kung hindi pa rin kayo sigurado, narito ang mabilis na paraan para malaman ito:

  • Mahilig ba kayo sa mabilis na aksyon? → Subukan ang scalping o day trading
  • Mas gusto ba ninyo ang mas relaxed na approach? → Para sa inyo ang position trading
  • Gusto ba ninyo ng nasa pagitan? → Maaaring ang swing trading ang pinakamainam na pagpipilian

Magandang balita: sa Deriv, maaari ninyong subukan ang lahat ng apat na style gamit ang libreng demo account. Subukan ang mga ito, hanapin ang style na bagay sa inyo, at mag-trade nang may kumpiyansa.

 I-set up ngayon ang inyong libreng Deriv demo account at magpraktis gamit ang 10,000 USD na virtual na pera—walang panganib!

Quiz

Anong istilo ng trading ang gumagawa ng maraming trade sa buong araw upang kumita mula sa napakaliit na pagbabago sa presyo, kung saan karaniwang binubuksan ang mga posisyon sa loob ng ilang segundo o minuto?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp