Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Bakit kailangan ninyo ng practice trading account bago magsimula sa live trading

5
min na pagbabasa
Futuristic na pulang gaming console na may mga trading chart sa screen, na pinagsasama ang datos ng financial market at joystick interface.

Ang pagsisimula sa trading nang walang pagsasanay ay parang pagmamaneho sa abalang motorway sa unang pagkakataon: mapanganib at nakakalito. Dito pumapasok ang demo trading account! Ito ang test drive ninyo sa trading, na nagbibigay-daan sa inyong tuklasin ang mga merkado, subukan ang mga trading strategy, at masanay sa mga trading tool nang hindi isinasapanganib ang kahit isang sentimo ng totoong pera.
‍

Ano ang demo trading account, at bakit ito mahalaga?

Ang demo trading account ay libre at walang panganib na paraan para matutunan kung paano gumagana ang trading. Nagbibigay ito ng access sa totoong kondisyon ng merkado, kaya maaari kayong magsanay ng iba't ibang strategy gamit ang virtual na pondo. Isipin ito bilang flight simulator para sa mga trader: nararanasan ninyo ang buong karanasan nang hindi dumaranas ng kaguluhan ng totoong panganib sa pananalapi.

‍

Saan makakapagbukas ng demo trading account?

Nag-aalok ang Deriv ng mga demo account sa lahat ng trading platform nito, na may 10,000 USD na virtual na pondo. Maaari ninyong i-top up ang inyong balanse anumang oras at tuklasin ang iba't ibang merkado, mula forex hanggang mga stock, cryptocurrency, at maging mga synthetic index.
‍

Pagsasanay sa trading nang hindi gumagamit ng totoong pera

Alt text: Traders Hub dropdown menu showing options to choose from demo and real accounts

‍

Nagsisimula agad sa totoong trading ang ilang trader nang walang karanasan, habang hinahabol ang malalaking kita. Madalas itong humahantong sa masakit na pagkalugi. Sa demo account, masusubukan ninyo ang mga strategy, mauunawaan ang mga risk management tool, at mapapalakas ang kumpiyansa nang hindi nawawalan ng totoong pondo.

Sa Deriv Trader, maaari ninyong pagsanayan ang options trading at tuklasin ang Multipliers, na may kasamang mga risk management tool tulad ng Stop Loss, Take Profit, at Deal Cancellation.
‍

Paggamit ng mga demo account sa market analysis

Gumagalaw ang mga merkado batay sa mga trend, mga pandaigdigang pangyayari, at gawi ng mga trader. Mahalagang maunawaan ang mga galaw na ito. Gamit ang demo account, maaari ninyong pag-aralan ang real-time na kondisyon ng merkado, subukan ang mga technical analysis tool, at bumuo ng mga strategy nang walang takot na mawalan ng pera.

Ang Deriv MT5 (DMT5) ay isang mahusay na platform para rito. Nag-aalok ito ng mga advanced na charting tool, indicator, at feature sa pagsusuri para makatulong sa inyong maranasan ang buong trading bago gumamit ng totoong account.
‍

Paggawa ng trading plan bago magsimula sa live trading

Hindi nagte-trade nang padalos-dalos ang isang mahusay na trader. Nakakatulong ang pagbuo ng maayos na trading plan para manatili kayong disiplinado. Gamit ang demo account, maaari ninyong:

  • Magtakda ng makatotohanang mga layunin at pumili ng trading style na akma sa inyo (scalping, swing trading).
    ‍
  • Tukuyin ang mga entry at exit strategy gamit ang mga technical indicator.
    ‍
  • Magsanay sa risk management gamit ang mga stop-loss order at position sizing.
    ‍

Kailan dapat lumipat sa totoong account?

Walang iisang sagot para sa lahat, ngunit narito ang ilang senyales na maaaring handa na kayo:

  • Matagumpay ninyong nasubukan ang isang strategy (mahigit 50% ng inyong mga trade ang kumikita).
    ‍
  • Maayos ninyong napamamahalaan ang inyong pondo at nauunawaan ninyo ang risk management.
    ‍
  • Nakakapag-trade kayo nang hindi hinahayaang emosyon ang magdikta ng inyong mga desisyon.

‍

Quiz

Ano ang pinakamalaking bentahe ng demo trading account?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp