
Ang pag-trade nang walang plano ay parang road trip na walang GPS. Baka makarating kayo sa pupuntahan, pero hindi kayo makakaiwas sa ilang maling liko (at marahil kaunting pagkataranta). Tinutulungan kayo ng matibay na trading plan na manatili sa tamang direksyon, mag-trade nang may kumpiyansa, at iwasan ang mga pabigla-biglang desisyon na udyok ng emosyon.
Ano ang trading plan, at bakit kailangan ninyo nito?
Isipin ang trading plan bilang inyong sariling game plan para sa mga merkado. Nakasaad dito kung ano ang tina-trade ninyo, paano kayo nagte-trade, at higit sa lahat, bakit kayo nagte-trade. Baguhan man kayo sa trading o gusto pang umangat, nagiging malinaw ang lahat kapag may maayos na paraan, at natutulungan kayo nitong gumawa ng mas matatalinong desisyon.
Hakbang 1: Itakda ang inyong mga layunin (at maging tapat!)
Bago sumabak, itanong sa sarili: Ano ang gusto kong makamit? Gusto ba ninyong kumita ng tuloy-tuloy na buwanang kita, palaguin ang inyong kapital sa paglipas ng panahon, o magkaroon lang ng karanasan nang hindi masyadong isinasapanganib ang inyong pera? Kapag alam ninyo ang inyong “bakit,” nananatili kayong nakatuon at nakabubuo kayo ng planong akma sa inyong pamumuhay.
Hakbang 2: Piliin ang inyong trading style
Mahilig ba kayo sa thrill ng mabilisang mga trade, o mas gusto ninyo ang mas mabagal at mas estratehikong paraan? Mahalaga ang inyong trading style! Maaari kayong maging:
- Day trader, na nagsasagawa ng maraming trade sa loob ng isang araw.
- Swing trader, na ilang araw o linggong hawak ang mga trade.
- Position trader, na pangmatagalan ang pananaw at sinasamantala ang malalaking galaw. May kanya-kanyang panganib, oras na kailangang ilaan, at estratehiya ang bawat style, kaya piliin ang pinakaangkop sa inyo.

Hakbang 3: Planuhin ang inyong estratehiya
Ngayon, pag-usapan natin ang mga taktika. Paano ninyo pagpapasyahan kung kailan papasok at kailan lalabas sa isang trade? Narito ang ilang pangunahing dapat isaalang-alang:
- Technical analysis: Paggamit ng mga chart, indicator, at pattern para piliin ang tamang oras ng inyong mga trade.
- Fundamental analysis: Pagsubaybay sa mga balita at kaganapang pang-ekonomiya.
- Risk management: Pagtatakda ng mga antas ng Stop Loss at Take Profit para hindi manganib ang buong account ninyo sa iisang trade.

Risk management: Ang inyong safety net
Maging realistiko tayo. Hindi lang tungkol sa pagkita ng pera ang trading; tungkol din ito sa hindi pagkalugi nang malaki kapag hindi umaayon sa inyo ang mga pangyayari. Narito kung paano protektahan ang inyong kapital:
- Mga Stop Loss at Take Profit order: Magtakda ng mga exit point nang maaga para maiwasan ang mga desisyong udyok ng emosyon.
- Risk-reward ratio: Balansehin ang posibleng kita at ang katanggap-tanggap na panganib.
- Position sizing: Mag-trade nang matalino. Huwag ilaan ang labis na bahagi ng inyong kapital sa iisang trade.
- Mga volatility indicator: Nakakatulong ang mga tool tulad ng Average True Range (ATR) para maiangkop ninyo ang inyong estratehiya sa kondisyon ng merkado.
Subaybayan ang inyong mga trade na parang propesyonal
Gusto bang gumaling sa trading? Magtago ng trading journal. Itala kung ano ang tina-trade ninyo, bakit kayo pumasok, at kung paano nag-perform ang trade. Sa paglipas ng panahon, makikita ninyo ang mga pattern sa kung ano ang epektibo (at kung ano ang hindi). Mga dapat subaybayan:
- Mga presyo ng entry at exit
- Bakit ninyo ginawa ang trade
- Mga kita, pagkalugi, at mga aral na natutunan
- Kondisyon ng merkado
Patuloy na matuto at umangkop
Hindi “i-set at kalimutan na” ang inyong trading plan. Patuloy itong pinapahusay. Repasuhin ang inyong mga trade, ayusin ang inyong estratehiya, at higit sa lahat, magsanay gamit ang libreng demo account bago mag-trade nang live. Habang pinapahusay ninyo ang inyong plano, lalo kayong magiging kumpiyansa sa inyong mga trade.
Quiz
Alin sa mga ito ang HINDI mahalagang bahagi ng isang trading plan?


