
Madalas na nagdudulot ang trading ng matitinding emosyonal na pag-angat at pagbaba. Sa isang sandali, masaya kayo dahil sa sunod-sunod na kumikitang trade, at sa susunod ay nilalamon kayo ng takot habang bumabaliktad ang merkado laban sa inyo. Mahalaga ang pagtukoy sa magagandang trade, ngunit ang pamamahala sa inyong emosyon ang tunay na nagpapaiba sa matatagumpay na trader mula sa iba, kasama ng mga estratehiya sa risk management. Tinutulungan kayo ng emotional intelligence na epektibong pamahalaan ang takot at kasakiman.
Ano ang kahulugan ng emotional intelligence para sa mga trader batay sa mga batayan ng trading psychology?
Ang emotional intelligence ay ang kakayahan ninyong kilalanin, unawain, at pamahalaan ang mga emosyon, kapwa ang sarili ninyo at ng iba. Sa trading, nangangahulugan itong manatiling kalmado kapag naging magulo ang merkado at iwasan ang padalus-dalos na desisyon na udyok ng takot o kasakiman.
Isipin ito: Maaaring humantong ang takot sa maagang paglabas sa trade. Samantala, maaaring udyukan kayo ng kasakiman na panatilihin nang masyadong matagal ang mga trade na lugi, sa pag-asang may mahimalang pagbawi na hindi naman dumarating. Sa pagpapaunlad ng emotional intelligence, maiiwasan ninyo ang mga patibong na ito at makagagawa ng mas makatwiran at disiplinadong desisyon.
Pagbuo ng self-awareness: Kilalanin ang inyong mga emosyonal na trigger
Ang unang hakbang sa pag-master ng emotional intelligence ay ang self-awareness. Nangangahulugan ito ng masusing pagsusuri kung paano kayo tumutugon sa iba't ibang kondisyon ng merkado.
Tanungin ang inyong sarili:
- Nababalisa ba ako at masyadong mabilis na nagbebenta kapag kumikilos laban sa akin ang isang trade?
- Nagiging sobra ba ang tiwala ko sa sarili at kumukuha ng mga hindi kinakailangang panganib pagkatapos ng ilang kumikitang trade?
Mahalagang makilala ang mga pattern na ito. Kung alam ninyo ang inyong mga hilig na kilos, maaari ninyong aktibong paghusayin ang pagkontrol sa inyong emosyon.
Pagkontrol sa emosyon: Mga praktikal na estratehiya
Kapag natukoy na ninyo ang inyong mga emosyonal na trigger, ang susunod na hakbang ay alamin kung paano ang mga ito pamamahalaan. Narito ang ilang simpleng estratehiya para manatili kayong may kontrol:
- Sundin ang trading plan. Inaalis ng malinaw na plano ang paghuhula at ang pagpapasyang batay sa emosyon.
- Gamitin ang mga order na Stop Loss at Take Profit. Nakakatulong ang mga ito na maiwasan ang padalus-dalos na paglabas sa trade dahil sa emosyon.
- Magsanay ng mindfulness. Huminto sandali at huminga nang malalim para makapag-isip nang malinaw.
- Magtago ng trading journal. Makakatulong ang pagtatala ng inyong mga trade at emosyon para matukoy ang mga pattern at mapahusay ang disiplina.
Ang disiplina ang pundasyon ng pare-parehong performance sa trading
Ang disiplina ang sikretong sangkap para makagawa ng matalino at pare-parehong desisyon sa trading. Narito kung bakit ito mahalaga:
| Sitwasyon | Walang disiplina | May disiplina |
|---|---|---|
| Pagputol ng pagkalugi | Pag-alis ng Stop Loss sa pag-asang makabawi, na humahantong sa mas malaking pagkalugi | Pagtanggap sa maliliit na pagkalugi at pagpapatuloy |
| Pagkuha ng kita | Masyadong maagang pagsasara ng mga trade dahil sa takot | Pagtitiwala sa inyong estratehiya at pagpapahintulot na lumaki ang kita |
| Overtrading | Basta-basta pagpasok sa mga trade nang walang plano | Pagsunod sa mga trade na pinag-isipang mabuti |
Nagtitiwala sa kanyang plano ang isang disiplinadong trader at iniiwasan ang padalus-dalos na desisyon, kahit matindi ang emosyon.
Kasinghalaga ng kaalaman sa merkado ang emotional intelligence. Sa pagpapaunlad ng self-awareness, pagkontrol sa emosyon, at pagsasanay ng disiplina, mapapaghandaan ninyo ang pangmatagalang tagumpay sa trading.
Subukin ang inyong katatagan sa emosyon nang real time gamit ang libreng demo trading account. Alamin kung gaano ninyo kahusay hinaharap ang pabago-bagong galaw ng merkado nang walang tunay na panganib!
Quiz
Kung nahihirapan kayong magdesisyon na isara ang isang trade na lugi, anong emosyon ang malamang na nakaaapekto sa inyong desisyon?


