Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Paano magsimulang mag-trade nang matalino: Nangungunang 3 ideya

5
min na pagbabasa
Mga piyesa ng chess na may magnifying glass sa ibabaw ng board, na sumisimbolo sa estratehikong pag-iisip at matalinong pagpapasya sa trading.

Lumago nang husto ang online trading nitong mga nakaraang taon, kaya mas madali na ngayon para sa sinuman na sumabak. Pero hindi porke madali itong ma-access ay dapat na kayong sumabak nang walang plano. May kaakibat na tunay na panganib ang trading mga estratehiya sa risk management, at laging naghahanda ang mga matatalinong trader bago kumilos.

Kaya kung nagsisimula pa lang kayo, paano ang matalinong pag-trade? Narito ang tatlong golden rule para makapagsimula kayo nang tama.

‍

1. Mag-research tungkol sa mga broker at merkado

Bago pa man kayo mag-isip na mag-trade, dalawang bagay muna ang dapat ninyong mapagpasyahan nang tama: ang pagpili ng tamang broker at ang pag-unawa sa mga merkado.
‍

Pagpili ng tamang broker pagpili ng tamang trading platform

Hindi pare-pareho ang lahat ng broker, kaya maglaan ng oras at humanap ng broker na angkop sa inyong pangangailangan. Maghanap ng:

  • Matibay na reputasyon (magbasa ng mga review mula sa mga verified na user o trading community)
    ‍
  • Mga user-friendly na platform na angkop sa mga baguhan at sa mga bihasa
    ‍
  • Iba't ibang asset na maaaring i-trade, para may mapagpipilian kayo sa pag-diversify
    ‍
  • Wastong lisensya at regulasyon upang matiyak na ligtas ang inyong pondo
    ‍

Halimbawa, natutugunan ng Deriv ang lahat ng ito. Nag-aalok ito ng madaling gamitin na trading platform, maraming pagpipiliang asset, at pinakamataas na antas ng seguridad.
‍

Pagpili ng una ninyong i-trade na asset

Kapag nakahanap na kayo ng broker, ang susunod na hakbang ay piliin kung ano ang gusto ninyong i-trade. Forex? Mga stock? Cryptocurrency? Mga commodity? May sariling panganib at pakinabang ang bawat merkado. Pinakamabuti ninyong kaibigan dito ang research. Alamin ang mga trend sa presyo, mga salik sa ekonomiya, at kung paano kumikilos ang iba't ibang asset.

Kung medyo nakakalito ang lahat ng ito, maaari kayong magsimula sa mga synthetic index sa Deriv. Ginagaya ng mga asset na ito ang galaw ng tunay na merkado, ngunit hindi sila naaapektuhan ng mga balita sa labas. Maaari silang i-trade 24/7, kahit tuwing weekend at pampublikong holiday, kaya mas flexible kayo.

‍

2. Magsanay muna gamit ang demo account

Hindi kayo magmamaneho ng kotse nang walang ilang aralin muna, hindi ba? Ganoon din sa trading.

Bago ipagsapalaran ang totoong pera, maging pamilyar sa kung paano gumagana ang trading gamit ang demo account. Karamihan sa mga broker (kabilang ang Deriv) ay nag-aalok ng mga demo account na may virtual na pondo, kaya makakasubok kayo ng mga estratehiya at matututo nang walang panganib sa pananalapi.

Nagbibigay ang demo trading account ng Deriv ng USD 10,000 na virtual na pondo, kaya maaari kayong sumubok ng iba't ibang trading strategy nang walang panganib. Ang pinakamaganda? Gumagana ito tulad ng totoong trading account, kaya kapag handa na kayong mag-trade gamit ang totoong pera, hindi na kayo magmumukhang baguhan.

‍

3. Namnamin ang proseso at maging matiyaga

Hindi sprint ang trading; marathon ito. Hindi naging mahusay ang mga pinakamahusay na trader sa isang gabi lang. Nahasa nila ang kanilang kakayahan sa paglipas ng panahon, nagkamali, natuto mula rito, at pinino ang kanilang mga estratehiya.

Narito ang ilang mahahalagang gawi ng mga matatalinong trader:

  • Pasensya. Huwag magmadali sa mga trade nang padalus-dalos. Hintayin ang matibay na setup na akma sa inyong plano.
    ‍
  • Disiplina. Sundin ang inyong trading strategy at iwasan ang mga desisyong udyok ng emosyon.
    ‍
  • Makatotohanang inaasahan. Hindi araw-araw ang malalaking kita, at bahagi ng trading ang pagkalugi.
    ‍

Gusto bang mas mabilis na umangat? Matuto mula sa mga eksperto! Basahin ang 7 Traits of Successful Financial Traders ni Vince Stanzione para makakuha ng mga insight mula sa mga bihasang trader.

‍

Quiz

Ano ang pinakamahusay na paraan para magsimulang mag-trade?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp