
Malawakang ginagamit ang mga Fibonacci retracement sa pagtukoy ng posibleng turning point ng merkado sa technical analysis. Nakatutulong ang mga ito sa pagtukoy ng mahahalagang support at resistance zone gamit ang mga simple at kilalang mathematical ratio. Narito kung paano gumagana ang mga ito. Hindi kailangan ng advanced na math.
Ano ba ang mga Fibonacci number?
Ang mga Fibonacci number ay isang mathematical sequence kung saan ang bawat numero ay kabuuan ng dalawang naunang numero. Halimbawa: 0, 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21… at iba pa.
Makikita ang pattern na ito sa iba't ibang bahagi ng kalikasan: mula sa mga spiral ng kabibe hanggang sa pagkakaayos ng mga buto ng sunflower. Lumilitaw rin ang mga proporsyong ito sa galaw ng presyo sa merkado — kahanga-hangang katumpakan sa aksyon.
Paano gumagana ang mga Fibonacci retracement level
Bumubuo ang Fibonacci retracement tool ng mga pahalang na level sa mahahalagang porsyento batay sa galaw ng presyo, na tumutulong mahulaan ang mga support o resistance zone. Ang mahahalagang level na ito ay:
- 0% (simula ng trend)
- 23.6%
- 38.2%
- 50% (hindi opisyal na Fibonacci number, pero paborito ito ng mga trader)
- 61.8% (ang golden ratio, o tinatawag ding magic number)
- 78.6%
- 100% (katapusan ng trend)
Narito kung paano ilalapat ang mga ito sa praktika. Maghanap ng malaking galaw ng presyo (pataas o pababa), at makatutulong ang mga retracement level na hulaan kung saan maaaring huminto sandali o mag-reverse ang presyo.

Pagtukoy sa mga Fibonacci level sa aktwal na galaw ng presyo
Ipagpalagay nating tumaas nang biglaan ang presyo ng isang asset mula $100 hanggang $200. Kung mag-retrace ito, ibig sabihin ay bumalik pababa, maaari ninyong asahan ang support sa paligid ng mahahalagang Fibonacci level. Halimbawa, ang 50% retracement ay nangangahulugang maaaring bumaba ang presyo sa $150 bago muling tumaas.
Magkakaiba ang kahulugan ng bawat level:
- 23.6% - 38.2%: Maliliit na retracement, madalas sa malalakas na trend.
- 50% - 61.8%: Mahahalagang zone kung saan madalas huminto o mag-reverse ang presyo.
- 78.6% - 100%: Mas malalalim na pullback na may posibleng reversal zone.

Paano gamitin ang mga Fibonacci retracement sa trading
Direkta ninyong magagamit ang mga Fibonacci tool sa Deriv MT5 sa ilalim ng Insert

Mga paraan ng paggamit ng mga Fibonacci retracement level:
- Kasama ang support/resistance: Kung tumutugma ang isang Fibonacci level sa mga nakaraang high/low, mas nagiging mahalaga ang zone na iyon.
- Kasama ang moving average: Ang retracement papunta sa isang moving average (tulad ng 50-day MA) ay maaaring magkumpirma ng reversal.
- Kasama ang mga candlestick pattern: May bullish engulfing candle malapit sa 61.8% level? Malakas na signal iyon.
- Sa iba't ibang timeframe: Mag-zoom out upang makita ang mga pangunahing level na maaaring binabantayan ng mas malalaking trader.
- Kasama ang RSI o Stochastics: Oversold sa isang mahalagang Fibonacci level? Posibleng buy signal iyon.
Quiz
Tumaas ang presyo ng isang stock mula $50 hanggang $100. Nasaan ang 50% retracement level?


