Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Paano natutukoy ang presyo ng mga stock? Ipinaliwanag ang 10 pangunahing salik

5
min na pagbabasa
Zigzag na arrow na nakaturo pataas, may mga arrow na pataas at pababa sa tabi nito, na sumisimbolo sa mga salik na nakaaapekto sa presyo ng mga stock.

Hindi basta-basta o random ang paggalaw ng presyo ng mga stock. Sumusunod ito sa mga pattern, trend, at reaksyon sa mga puwersa ng merkado. Kung naitanong na ninyo kung bakit tumataas nang husto ang ilang stock habang bumabagsak ang iba, nauuwi ito sa mga pangunahing salik na nakaaapekto sa supply at demand. Alamin natin kung ano talaga ang nagpapagalaw sa presyo ng mga stock at index.


Ang mga batayan: Supply, demand, at presyo ng mga stock

Sa pinakapundasyon, simpleng ekwasyon ang paggalaw ng presyo ng stock: mas maraming buyer kaysa seller? Tumataas ang presyo. Mas maraming seller kaysa buyer? Bumababa ang presyo. Pero ano ang nakaaapekto kung gusto ng mga tao na bumili o magbenta? Dito pumapasok ang 10 pangunahing salik na ito.


10 salik na nakaaapekto sa presyo ng mga stock


1. Mga economic indicator mga economic indicator

Kumusta ang takbo ng ekonomiya? Ang mga bagay tulad ng paglago ng GDP, unemployment rate, at inflation ay nakaaapekto sa kumpiyansa ng mga trader. Malakas ang ekonomiya? Gumaganda ang pakiramdam ng mga trader, at tumataas ang presyo ng mga stock. Mabagal ang ekonomiya? Kinakabahan ang mga trader, at bumababa ang presyo ng mga stock.


2. Mga interest rate

Itinatakda ng mga central bank, gaya ng Bank of England o Federal Reserve, ang mga interest rate, at malaki ang epekto nito sa mga stock. Mas mura ang paghiram kapag mababa ang rate, na nagpapalakas sa paglago ng negosyo at sa presyo ng mga stock. Mataas ang rate? Nagiging mahal ang paghiram, at maaaring bumagsak ang presyo ng mga stock.


3. Kita at performance ng kumpanya

Napakahalaga ng kalagayang pinansyal ng isang kumpanya. Malakas ang earnings report? Umaakyat ang presyo ng stock. Nakadidismaya ang kita? Asahan ang pagbaba. Tinitingnan din ng mga trader ang paglago ng revenue, antas ng utang, at mga projection sa hinaharap upang sukatin ang lakas ng isang kumpanya.


4. Sentimyento ng merkado sentimyento ng merkado

Hindi laging lohikal ang mga merkado. May papel din ang damdamin. Positibong balita? Nae-excite ang mga trader, at tumataas ang mga presyo. Masamang balita? Pumapasok ang takot, at maaaring bumaba ang mga presyo. Naiimpluwensyahan ang sentimyento ng merkado ng lahat, mula sa mga headline hanggang sa usapan sa social media.


5. Mga pampulitika at geopolitical na pangyayari

Mga halalan, digmaan, patakaran sa kalakalan. Lahat ng ito ay maaaring yumanig sa presyo ng mga stock. Mabuti sa mga merkado ang katatagan sa pulitika, habang ang kawalang-katiyakan ay maaaring humantong sa malalaking pagbabago sa presyo.


6. Performance ng sektor

Minsan, sabay-sabay na gumagalaw ang buong industriya. Kung umuusbong ang mga tech stock dahil sa mga bagong inobasyon, madalas na sumasabay sa pag-angat ang mga indibidwal na kumpanya sa sektor na iyon. Kabaligtaran naman ang nangyayari kapag nahihirapan ang isang industriya.


7. Mga pagbabago sa teknolohiya at inobasyon

Maaaring baguhin ng mga bagong teknolohiya ang mga industriya. Isipin kung paano binago ng mga electric vehicle ang industriya ng automotive o kung paano ginulo ng streaming ang tradisyonal na media. Maaaring lumikha ang inobasyon ng mga panalo at talo sa stock market.


8. Liquidity ng merkado

Gaano kadaling bilhin o ibenta ang isang stock? Kapag mataas ang liquidity, maayos ang paggalaw ng mga presyo. Kapag mababa ang liquidity, maaaring bigla at hindi mahulaan ang pagtalon ng mga presyo.


9. Mga foreign exchange rate

Para sa mga kumpanyang nag-ooperate sa buong mundo, maaaring makaapekto sa kanilang kita ang pabagu-bagong halaga ng mga currency. Ang malakas na lokal na currency ay maaaring magpamahal sa mga export at makasama sa kita, habang ang mahinang currency ay maaaring magpalakas sa mga benta sa ibang bansa.


10. Mga pagbabago sa regulasyon

Gumagawa ang mga pamahalaan ng mga patakarang nakaaapekto sa mga negosyo. Maaaring magpataas ng gastos ng mga kumpanya ang mas maraming regulasyon, habang maaaring lumikha ng mga bagong oportunidad ang deregulasyon. Mahigpit na binabantayan ng mga trader ang mga pagbabago sa patakaran na maaaring makaapekto sa kanilang mga hawak.

May dahilan ang paggalaw ng presyo ng mga stock, at makatutulong ang pag-unawa sa 10 salik na ito upang makagawa kayo ng mas matalinong desisyon sa trading. Handa na ba kayong subukan ang inyong kaalaman? 

Tuklasin ang mga nangungunang stock at index sa Deriv ngayon. Magsanay muna gamit ang libreng demo account bago mag-trade nang live.

Quiz

Ano ang nangyayari kapag itinaas ng Federal Reserve ang mga interest rate?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp