
Naranasan na ba ninyong parang nagsasalita ang merkado sa mga bugtong? Magandang balita: ganoon nga, at ang mga bugtong na iyon ay mga chart pattern gaya ng mga candlestick pattern!
Ang pinakamaganda? Hindi ninyo kailangang maging magaling sa math o maging trading guru para makita ang mga ito. Likas na sanay ang inyong mga mata sa paghahanap ng mga pattern, kaya gamitin natin ang kakayahang iyon! Pero bago tayo sumisid sa mga pattern, pag-usapan muna natin ang mga pundasyon ng mga ito: ang mga support at resistance trend line.
Mga trend line: Ang gulugod ng mga chart pattern
Ang trend line ay isang linyang nagdurugtong sa mahahalagang price point sa chart, gaya ng mga opening price sa loob ng isang linggo o buwan. Ituring itong gabay na tumutulong sa mga trader na makita ang posibleng paggalaw ng presyo. Tuwing tumatawid ang presyo sa linyang ito, tinatawag itong breakout, na senyales na maaaring may bagong trend na nabubuo.

Ang support at resistance ang pinakapopular na mga trend line na ginagamit ng mga trader.
Support at resistance: Ang mga di-nakikitang harang ng merkado
Ang mga antas ng support at resistance ay parang mga di-nakikitang bakod na hirap lampasan ng presyo.

- Support: Ang antas ng presyo kung saan huminto o muling tumataas ang presyo mula sa downtrend. Isipin ang mga trader na nagmamadaling bumili ng asset kapag mura ito, kaya napipigilan ang karagdagang pagbaba ng presyo.
- Resistance: Ang antas ng presyo kung saan bumabagal o bumabaliktad ang uptrend. Dito nagsisimulang magbenta ang mga trader, kaya napipigilan ang karagdagang pag-akyat ng presyo.
Bigyang-buhay natin ito sa pamamagitan ng isang halimbawa:
Isipin na ilang araw nang bumababa ang presyo ng ginto. Sa $50 kada gramo, dumagsa ang mga buyer at itinulak pataas ang presyo. Ang antas na $50 ay nagiging support level.
Ngayon, sabihin nating umakyat ang ginto sa $100 kada gramo. Nagpasya ang ilang trader na hindi nakabili noong pagbaba na oras na para magbenta. Mas marami ang supply kaysa sa demand, kaya natigil ang pag-akyat ng presyo. Ang antas na $100 ay resistance level na ngayon.
Madalas na pabalik-balik ang presyo sa pagitan ng mga antas na ito, na bumubuo ng mga trend. Pero kapag nalampasan nito ang support o resistance, maaaring paparating na ang isang malakas na bagong trend—dito nabubuksan ang mga oportunidad para sa mga trader!
Mga drawing tool: Ang inyong digital na sketchpad para sa trading
Para makita ang mga trend, kailangan ninyong gumuhit ng mga support at resistance line sa inyong mga price chart. Dito magagamit ang mga drawing tool! Karamihan sa mga trading platform, kabilang ang Deriv Trader, ay may iba't ibang tool na tutulong sa inyong i-map ang mga trend line.

Pro tip: Kung nagsisimula pa lang kayo, ang tool na Line ang pinakamabuti ninyong kakampi. Ito ang pinakasimpleng paraan para gumuhit ng mga trend line at magsimulang kumilala ng mga pattern.
Narito ang isang halimbawa ng mga support at resistance trend line na ginawa gamit ang Line tool sa ETH/USD candlestick chart sa Deriv Trader:

Gawing mga trading strategy ang mga trend line
Malaking tulong na ang pag-alam sa mga antas ng support at resistance, pero mas magiging tumpak ang inyong mga prediksyon kapag isinabay ang mga ito sa mga chart pattern! Ang maagang pagkilala sa isang pattern ay makatutulong sa inyong asahan ang posibleng paggalaw ng presyo at kumilos nang naaayon.
Bakit hindi subukan ang inyong mga kakayahan? Magbukas ng Deriv demo account at magsanay sa pagguhit ng mga trend line at pagkilala ng mga pattern nang real time, nang hindi inilalagay sa panganib ang totoong pera.
Happy trading!
Quiz
Ano ang pangunahing tungkulin ng mga support at resistance level sa isang trading chart?


