Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Ano ang margin sa trading?

4
min na pagbabasa
Isang kumikinang na $20 icon na nakakandado sa loob ng digital padlock, sumisimbolo sa margin requirement o naka-lock na kapital sa trading.

Narinig na ba ninyo ang pariralang “trading on margin” at napaisip kung ano talaga ang ibig sabihin nito? Isipin na lang na nakokontrol ninyo ang mas malaking laki ng trade kaysa sa pinapayagan ng balanse ng inyong account. Maaaring mukha itong shortcut, pero may kaakibat itong totoong panganib. Iyan ang margin trading sa madaling salita! Pero bago sumabak, alamin muna natin ito nang paunti-unti para lubos ninyong maunawaan kung paano ito gumagana, ano ang mga panganib nito, at paano ito gagamitin nang matalino.

‍

Margin 101: Ang mga pangunahing kaalaman

Ang margin ay ang halaga ng perang kailangan ninyong i-deposit para magbukas ng leveraged na posisyon. Parang security deposit ito na nagbibigay-daan sa inyong mag-trade ng mga posisyong mas malaki kaysa sa aktuwal ninyong pondo. Ang mga broker (tulad ng Deriv) ang nagpapahiram ng dagdag na kapital, pero kayo ang responsable sa anumang kita at pagkalugi.

Sabihin nating gusto ninyong magbukas ng 1,000 USD na trade na may 1:100 na leverage. Sa halip na bayaran ang buong 1,000 USD, 10 USD (ang inyong margin) lang ang kailangan ninyo para makapasok sa trade. Kung gumalaw ang merkado pabor sa inyo, lalaki ang inyong kita. Pero kung kabaligtaran ang galaw nito, lalaki rin ang pagkalugi.
‍

Margin vs leverage: Ano ang pagkakaiba?

Margin Leverage
Ang halaga ng perang kailangan ninyo para magbukas ng leveraged na trade. Isang ratio na tumutukoy kung gaano kalaki ang buying power ninyo kumpara sa inyong margin.
Ipinapahayag bilang porsyento (hal., 1% margin requirement). Ipinapahayag bilang ratio (hal., 1:100).
Nakaaapekto kung gaano karaming kapital ang dapat ninyong ilaan sa bawat trade. Tinutukoy kung gaano kalaki ang pagpaparami sa laki ng inyong posisyon.

Isipin ang leverage bilang power boost at ang margin bilang gasolinang nagpapagana rito!
‍

Mga uri ng margin sa trading

Initial Margin Ang paunang deposit na kailangan para magbukas ng trade.
Maintenance Margin Ang minimum na balanse na kailangan para manatiling bukas ang inyong trade. Kapag bumaba sa antas na ito ang inyong pondo, maaari kayong makatanggap ng margin call.
Margin Call Paraan ito ng broker para sabihing, “Paubos na ang pondo ng inyong account! Magdagdag ng pondo, o maaaring maisara ang inyong posisyon.”

‍

Pamamahala ng panganib sa margin na parang pro mga estratehiya sa risk management

Dahil maaaring palakihin ng trading gamit ang margin ang parehong kita at pagkalugi, mahalaga ang pamamahala ng panganib. Narito kung paano:

Gumamit ng mga stop loss order. Magtakda ng awtomatikong exit point para maiwasan ang labis na pagkalugi.
Huwag i-max out ang inyong leverage. Hindi porke't available ang 1:1,000 na leverage ay dapat na ninyong gamitin ang lahat ng ito.
Bantayan ang inyong margin level. Subaybayan kung gaano pa karaming available na margin ang natitira sa inyo para maiwasan ang mga margin call.
I-diversify ang inyong mga trade. Huwag ilagay ang lahat ng inyong pondo sa iisang trade na may mataas na panganib.

‍

Saan kayo maaaring mag-trade gamit ang margin mga trading platform?

Sa Deriv, maaari kayong mag-trade gamit ang margin sa iba't ibang merkado:

Merkado Leverage
Forex Hanggang 1:1000
Mga stock at stock index Hanggang 1:100
Mga cryptocurrency Hanggang 1:100
Mga commodity Hanggang 1:500
Mga derived index Hanggang 1:6000

May iba't ibang antas ng panganib ang bawat merkado, kaya pumili nang maingat batay sa inyong karanasan sa trading.

Maaari kayong mag-trade gamit ang margin sa mga pangunahing merkado sa Deriv sa pamamagitan ng aming mga platform na Deriv MT5 at Deriv cTrader. Tingnan ang aming mga libreng kurso sa Deriv Academy para matuto pa tungkol sa leverage at pag-trade ng mga CFD, o subukan ito sa isang practice demo account.

Quiz

Kung magbubukas kayo ng trade na $5,000 na may 1:50 na leverage, magkano ang kailangan ninyong margin?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp