Magsimulang mag-trade gamit ang Deriv MT5: Tool Box Bahagi 2
Maligayang pagbabalik sa aming kurso tungkol sa Deriv MT5! Sa araling ito, ipagpapatuloy natin ang pagtuklas sa toolbox sa pamamagitan ng pagtalakay sa iba pang tab at sa mga tungkulin ng mga ito na mahalaga sa pamamahala, pagsubaybay, at pagsusuri ng inyong mga aktibidad sa trading. Sa pag-unawa sa mga feature na ito, makakagawa kayo ng mga desisyon sa trading na batay sa sapat na kaalaman.
Exposure Tab
Ang Exposure Tab ay nagbibigay ng buod ng status ng asset para sa lahat ng inyong bukas na posisyon at mga estratehiya sa trading. Kabilang sa mga pangunahing detalye ang:
- Assets: Ipinapakita ang pangalan ng currency o trading instrument.
- Volume: Nagpapahiwatig ng kabuuang volume ng inyong mga posisyon sa units, kasama ang epekto ng leverage.
- Rate: Sumasalamin sa exchange rate ng trading instrument batay sa deposit currency ng inyong account.
- USD: Ipinapakita ang halagang nagastos sa deposit currency ng inyong account, hindi kasama ang leverage.
- Graph: Nagbibigay ng biswal na representasyon ng inyong mga posisyon sa deposit currency, kung saan ang mga long na posisyon ay may asul na bar at ang mga short na posisyon ay may pulang bar.
History Tab
Susunod ang History Tab, na nagtatala ng inyong mga aktibidad sa trading. Nirerekord ng tab na ito ang lahat ng saradong posisyon, kanseladong order, at anumang deposit o withdrawal. Maaari ninyong i-customize ang display sa pamamagitan ng pagpili ng partikular na panahon o paglalapat ng iba't ibang filter para makakuha ng detalyadong pangkalahatang-ideya ng inyong kasaysayan sa trading.
Bukod dito, maaari kayong mag-download ng statement ng inyong account at i-save ito bilang HTML o XML file para sa offline na pagsusuri. Nakakatulong ang feature na ito para masubaybayan ninyo ang inyong performance at masuri ang inyong mga estratehiya sa trading sa paglipas ng panahon.
News Tab
Ang News Tab ay nagbibigay ng mahahalagang balitang pinansyal at update sa merkado mula sa iba't ibang pinagkukunan. Mahalagang manatiling may alam tungkol sa mga kaganapan sa merkado at pag-unlad ng ekonomiya dahil malaki ang maaaring maging epekto ng mga ito sa inyong mga estratehiya at desisyon sa trading.
Mailbox Tab
Sa Mailbox Tab, makikita ninyo ang mahahalagang mensahe at abiso mula sa team ng Deriv, kabilang ang mga anunsyo at update na may kaugnayan sa inyong trading account. Kapag regular ninyong tinitingnan ang inyong mailbox, makasisiguro kayong alam ninyo ang anumang pagbabagong maaaring makaapekto sa inyong karanasan sa trading.
Calendar Tab
Nagtatampok ang Calendar Tab ng komprehensibong economic calendar na nagpapakita ng mga paparating na kaganapan at paglalabas ng data. Kasama sa bawat kaganapan ang impormasyon tulad ng petsa, oras, bansa, at inaasahang epekto nito sa merkado, kaya napakahalagang tool nito sa pagsasagawa ng fundamental analysis at paghahanda sa mga galaw ng merkado.
Alerts Tab
Pinapayagan kayo ng Alerts Tab na magtakda ng mga notification para sa partikular na kondisyon ng trade o kaganapan sa merkado. Makakagawa kayo ng alert sa pamamagitan ng pag-right-click sa Alerts tab at pagpili sa “Create.” Nakakatulong ang feature na ito para manatili kayong updated sa mahahalagang antas ng presyo o pagbabago sa merkado nang hindi na kailangang patuloy na bantayan ang platform.
Kapag gumagawa ng alert, tinutukoy ninyo ang mga kondisyon kung kailan ito mag-trigger, tulad ng bid o ask price o trading volume. Bukod dito, mapipili ninyo kung paano ninyo gustong matanggap ang mga alert, sa pamamagitan man ng sound notification, email, o mobile alert.
Halimbawa: Kung binabantayan ninyo ang isang partikular na currency pair at gusto ninyong maabisuhan kapag umabot ang presyo sa isang tiyak na antas, maaari kayong magtakda ng alert para hindi kayo makaligtaan ng mahalagang pagkakataon sa trading.
Konklusyon
Sa araling ito, tinalakay natin ang iba't ibang tab sa loob ng Deriv MT5 toolbox, kabilang ang Exposure, History, News, Mailbox, Calendar, at Alerts tab. Mahalagang maunawaan ang mga feature na ito para epektibong mapamahalaan at masubaybayan ang inyong mga aktibidad sa trading.
Sa kaalamang ito, handang-handa na kayong gamitin ang Deriv MT5 platform nang may kumpiyansa. Sa susunod na aralin, gagabayan namin kayo sa mga praktikal na hakbang sa pag-place ng trade sa Deriv MT5, para makasigurong handa kayong isagawa ang inyong mga estratehiya. Happy trading!
Quiz
Anong impormasyon ang binubuod ng Exposure Tab?
Ano ang layunin ng History tab sa Deriv MT5?
Paano kayo makakapag-set up ng mga alerto sa Deriv MT5?


