Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
9
Deriv MT5 | Baguhan

Magsimulang mag-trade gamit ang Deriv MT5: Tool Box, Bahagi 1

Tagal
10
minuto

Maligayang pagbabalik sa ating kurso tungkol sa Deriv MT5! Sa araling ito, tatalakayin natin ang Deriv MT5 toolbox, isang makapangyarihang feature na idinisenyo para tulungan kayong pamahalaan, subaybayan, at suriin nang epektibo ang inyong mga aktibidad sa trading. Mapapahusay ng pag-unawa sa mga tool na magagamit ninyo ang inyong karanasan sa trading at ang inyong pagdedesisyon.


Pangkalahatang-ideya ng Toolbox

Mahalaga ang toolbox sa Deriv MT5 para sa mga trader sa Deriv MT5 platform. Nag-aalok ito ng iba't ibang tool at impormasyon na sumusuporta sa matalinong desisyon sa trading. May natatanging layunin at mga function ang bawat tab sa loob ng toolbox.
‍

Ang Trade Tab

Magsimula tayo sa Trade Tab. Ipinapakita ng mahalagang seksyong ito ang kritikal na impormasyon tungkol sa inyong mga trading position, kabilang ang mga bukas na trade, mga pending order, at mga detalye ng account, tulad ng:

  • Symbol: Nagpapakita ng trading instrument para sa inyong bukas na trade o pending order.
    ‍
  • Ticket: Natatanging identifier para sa bawat order o position.
    ‍
  • Time: Ipinapakita kung kailan binuksan ang position o inilagay ang pending order.
    ‍
  • Type: Ipinapakita kung ang order ay Buy, Sell, Buy Stop, Sell Stop, at iba pa.
    ‍
  • Volume: Tumutukoy sa laki ng inyong trade na nakasaad sa mga lot o unit.
    ‍
  • Price: Nagpapakita ng kasalukuyang presyo kung saan bukas ang inyong trade o ng target na presyo para sa mga pending order.
    ‍
  • Stop Loss (S/L): Ipinapakita ang inyong Stop Loss level kung nakatakda ito; nananatiling walang laman kung wala.
    ‍
  • Take Profit (T/P): Ipinapakita ang Take Profit level kung nakapagtakda kayo nito; kung wala, walang laman din ang field na ito.
    ‍
  • Current Price: Sumasalamin sa kasalukuyang presyo sa merkado ng inyong instrument.
    ‍
  • Value: Kumakatawan sa halaga sa merkado ng inyong position, na kinakalkula batay sa kasalukuyang presyo at laki ng kontrata.
    ‍
  • Swap: Nagpapakita ng anumang overnight financing fee na maaaring ipataw sa pagpapanatili ng position.
    ‍
  • Profit: Ipinapakita ang floating na kita o pagkalugi ng inyong bukas na position.
    ‍
  • Change: Sumasalamin sa porsyento ng pagbabago sa halaga ng asset mula nang buksan ang position.
    ‍
  • Comment: Opsyonal na tala na maaaring idagdag sa inyong order, na hanggang 31 character lamang.
    ‍

Pagbabago ng mga Position at Pag-deposit

Sa Trade Tab, maaari ninyong baguhin o isara nang direkta ang mga position o pending order sa pamamagitan ng pag-right-click sa order at pagpili ng “Modify or Delete.” Bilang alternatibo, magbubukas ang order details window para sa mga pagbabago kapag nag-double-click kayo sa isang order. Para isara ang isang position sa isang click lang, i-click ang ‘X’ button sa pinakadulong kanan ng row ng order.

Bukod dito, maaari rin kayong mag-deposit sa inyong Deriv MT5 trading account nang direkta mula sa Trade tab. I-click ang ‘+’ button sa pinakadulong kanan ng row ng impormasyon ng inyong account para buksan ang Deriv Cashier, kung saan ligtas kayong makakapag-deposit ng pondo gamit ang inyong piniling payment method.

Sa pag-customize ng impormasyong ipinapakita sa Trade Tab, mapapahusay ninyo ang inyong karanasan sa trading. Sa pag-right-click sa header ng anumang column, mabubuksan ninyo ang menu na ‘Columns’, kung saan maaari kayong magdagdag o mag-alis ng mga column batay sa impormasyong pinakaangkop sa inyong estratehiya sa trading.
‍

Konklusyon

Sa unang bahaging ito ng ating aralin tungkol sa Deriv MT5 toolbox, tinalakay natin ang Trade Tab at ang iba't ibang feature nito na tumutulong sa inyong pamahalaan ang inyong aktibidad sa trading. Mahalaga ang pag-unawa sa tool na ito para sa epektibong trading at para mapakinabangan nang husto ang inyong tagumpay sa merkado.

Abangan ang susunod na aralin, kung saan mas malalim nating tatalakayin ang iba pang function sa loob ng Deriv MT5 toolbox! Happy trading!

‍

Quiz

Anong impormasyon ang ipinapakita ng Trade Tab?

Paano ninyo mababago o maisasara ang isang bukás na posisyon sa Trade Tab?

Ano ang gamit ng button na ‘+’ sa Trade Tab?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp