Simulan ang trading sa Deriv MT5: Mga uri ng order, bahagi 2
Maligayang pagbabalik sa aming kurso tungkol sa Deriv MT5! Sa araling ito, ipagpapatuloy natin ang pag-aaral sa mga uri ng order, na nakatuon sa mga opsyon sa pag-expire ng order at sa mga tool sa pamamahala ng panganib, kabilang ang mga Take-Profit at Stop-Loss order. Mapapahusay ng pag-unawa sa mga konseptong ito ang inyong estratehiya sa trading at magbibigay ito ng mas malawak na kontrol sa inyong trading activity.
Mga Uri ng Pag-expire ng Order
Maaaring magkaroon ng uri ng pag-expire ang bawat order na inyong ilalagay Mga uri ng order, bahagi 1, na tumutukoy kung gaano katagal itong mananatiling aktibo sa merkado. Narito ang mga opsyong available sa Deriv MT5 Deriv MT5 trading platform:
- Good Till Canceled (GTC): Ito ang default na setting para sa karamihan ng mga order. Ibig sabihin, mananatiling aktibo ang inyong order hanggang sa ito ay mapunan o manu-manong makansela. Bagay ito sa mga trader na nais manatiling aktibo ang kanilang mga order sa mahabang panahon.
- Today: Nililimitahan ng opsyong ito ang bisa ng inyong order sa kasalukuyang araw ng trading. Awtomatikong makakansela ang anumang hindi napunang order kapag nagsara ang merkado, kaya angkop ito sa mga trade na inaasahan ninyong mangyayari sa loob ng araw.
- Specified: Sa opsyong ito, maaari kayong magtakda ng partikular na oras at petsa ng pag-expire para sa inyong order. Lalo itong kapaki-pakinabang para iayon ang inyong mga order sa inaasahang galaw ng merkado o mga pang-ekonomiyang pangyayari.
- Specified Day: Pinapayagan kayo ng feature na ito na pumili ng partikular na araw kung kailan mananatiling aktibo ang inyong order. Awtomatikong makakansela ang order sa pagsasara ng merkado sa araw na iyon.
Pamamahala ng Panganib gamit ang mga Take-Profit at Stop-Loss Order mga estratehiya sa pamamahala ng panganib
Mahalaga ang epektibong pamamahala ng panganib sa trading, at dito may malaking papel ang mga Take-Profit at Stop-Loss order.
Take-Profit Order
Ang Take-Profit order ay idinisenyo upang awtomatikong isara ang inyong posisyon kapag narating ng merkado ang itinakdang antas ng kita. Para sa mga long position, na-trigger ang order kapag ang bid price ay nasa o higit sa antas na inyong itinakda.
Halimbawa: Kung inaasahan ninyong lalakas ang Euro laban sa US Dollar at naglagay kayo ng buy order sa $1.1250, maaari kayong magtakda ng Take-Profit order sa $1.1300. Kapag narating ng EUR/USD ang presyong ito, awtomatikong magsasara ang inyong posisyon at masisiguro ang inyong kita.
Stop-Loss Order
Ang Stop-Loss order ay nagsisilbing panangga upang mabawasan ang pagkalugi. Kapag narating ng presyo ng instrumento ang itinakdang antas, awtomatikong ibebenta ng Stop-Loss order ang inyong posisyon. Tulad ng mga Take-Profit order, maaaring simulan ang Stop-Loss sa pamamagitan ng market order o pending order.
Halimbawa: Sa pagpapatuloy ng senaryo ng EUR/USD, kung nagtakda kayo ng Stop-Loss order sa $1.1200, mati-trigger ang order na ito kapag bumaba ang presyo sa antas na iyon, at isasara nito ang inyong posisyon upang limitahan ang inyong pagkalugi.
Trailing Stop-Loss
Bukod sa karaniwang Stop-Loss order, maaari rin kayong gumamit ng Trailing Stop-Loss. Sumusunod ang order na ito sa galaw ng presyo sa merkado upang mapanatili ang kita habang nililimitahan ang pagkalugi. Itinatakda ang stop-loss price sa tiyak na bilang ng point mula sa kasalukuyang presyo, at umaakyat ito (o bumababa) kapag pabor sa inyo ang galaw ng merkado.
Halimbawa: Kung mayroon kayong buy position sa EUR/USD sa $1.1250 na may trailing stop na 10 point, ang inyong paunang stop-loss ay nasa $1.1240. Kung tumaas ang presyo sa $1.1270, mag-aadjust ang inyong stop-loss sa $1.1260, na makakatulong protektahan ang inyong kita.
Konklusyon
Sa pag-unawa sa mga market order, pending order, iba't ibang uri ng pag-expire, at mga tool tulad ng Take-Profit at Stop-Loss order, mapapahusay ninyo ang inyong estratehiya sa trading at mas maiaayon ito sa inyong risk tolerance at kondisyon ng merkado. Sa tulong ng mga tool na ito, mas epektibo ninyong mapamamahalaan ang inyong trading activity.
Sa susunod na aralin, gagabayan namin kayo sa mga praktikal na hakbang sa paglalagay ng trade sa Deriv MT5, upang makapag-execute kayo ng mga trade nang may kumpiyansa. Happy trading!
Quiz
Ano ang layunin ng Take Profit order?
Ano ang layunin ng isang Stop Loss order?


