Simulan ang Trading gamit ang Deriv MT5: Mga uri ng order, bahagi 1
Maligayang pagbabalik sa aming kurso tungkol sa Deriv MT5! Sa araling ito, tatalakayin natin ang iba't ibang uri ng order na available sa platform, na mahalaga para sa epektibong trading. Mahalagang maunawaan kung paano gumagana ang mga order na ito, dahil dito nakasalalay kung paano kayo papasok at lalabas sa mga trade, na nakakaapekto sa kalalabasan ng inyong trading.
Mga Available na Uri ng Order
May dalawang pangunahing kategorya ng order ang Deriv MT5: ang Market Order at Pending Order, na may kanya-kanyang gamit sa trading mga advanced na uri ng order.
Mga Market Order
Nakatuon sa bilis ang market order. Kapag naglagay kayo ng market order, isinasagawa ito ng Deriv MT5 platform sa pamamagitan ng agarang pagbili o pagbenta sa pinakamahusay na presyong available sa merkado sa kasalukuyan. Nakatuon ito sa bilis ng execution, kaya maaaring hindi ninyo makontrol ang eksaktong presyo kung saan mapupunan ang inyong order.
Halimbawa: Ipagpalagay na gusto ninyong bumili ng 1 lot ng EUR/USD sa kasalukuyang presyong $1.1250. Kung isasagawa ninyo ang market order ngunit nagbago ang presyo sa $1.1252 bago ito mapunan, isasagawa ang inyong trade sa bagong presyo sa merkado. Ipinapakita nito na ginagarantiyahan ng mga market order ang execution, ngunit hindi laging ang presyo, lalo na sa mabilis gumalaw na mga merkado.
Mga Pending Order
Sa pamamagitan ng mga pending order, mas estratehiko ang pagpasok sa mga trade dahil hinihintay muna ang mga partikular na kondisyon sa merkado. Narito ang ilang uri ng pending order na available:
- Buy Limit Order: Itinatakda sa presyong mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa merkado. Isasagawa ang order na ito kapag bumaba ang merkado sa presyong ito, kaya makakabili kayo sa mas magandang rate.
- Sell Limit Order: Itinatakda sa presyong mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo sa merkado. Maa-activate ang order na ito kapag tumaas ang merkado sa presyong ito, kaya makakapagbenta kayo sa mas mataas na antas.
- Buy Stop Order: Inilalagay ang order na ito sa itaas ng kasalukuyang presyo sa merkado, at nagiging aktibo kapag lumampas ang presyo sa stop level, na nagpapahiwatig ng posibleng uptrend.
- Sell Stop Order: Itinatakda ang order na ito sa ibaba ng kasalukuyang presyo sa merkado, at nati-trigger kapag bumaba ang presyo sa isang tinukoy na antas, na nagpapahiwatig ng posibleng downtrend.
Konklusyon
Sa bahaging ito, tinalakay natin ang mga pangunahing uri ng order sa Deriv MT5, kabilang ang mga market order at pending order. Ang pag-unawa kung paano epektibong gamitin ang mga order na ito ay makapagbibigay sa inyo ng malaking kalamangan sa inyong mga aktibidad sa trading.
Quiz
Ano ang katangian ng Market Order sa forex trading?
Ano ang Buy Limit Order?


