Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
7
Deriv MT5 | Baguhan

Simulan ang Trading sa Deriv MT5: Paglalagay ng Trade

Tagal
6
minuto

Maligayang pagbabalik sa aming kurso tungkol sa Deriv MT5! Sa araling ito, gagabayan namin kayo sa proseso ng paglalagay ng trade sa platform. Mahalagang maunawaan kung paano mag-execute ng mga trade para sa matagumpay na trading, at ipapakita namin ang mga hakbang na kailangan upang makapagsimula.

‍

Paghahanda sa Paglalagay ng Inyong Trade

Para makapagsimulang mag-trade sa Deriv MT5 Deriv MT5 trading platform, ang unang hakbang ay piliin ang inyong trading instrument. Madali itong gawin mula sa Market Watch window, na nagpapakita ng listahan ng lahat ng available na instrument. Kung kailangan ninyo ng paalala kung paano gamitin ang Market Watch, tingnan ang Lesson 3 Lesson 3 ng aming beginner course ng aming beginner course.
‍

Pagpili ng Inyong Order Type

Susunod, kailangan ninyong piliin ang uri ng order na babagay sa inyong trading strategy:

  • Market Order: Kung gusto ninyong mag-execute ng trade nang mabilis sa kasalukuyang presyo sa merkado, ang market order ang pinakamainam na opsyon. Inuuna ng order type na ito ang bilis ng execution.
    ‍
  • Pending Order: Kung may partikular kayong target na presyo, maaari kayong maglagay ng pending order. Sa ganitong uri, maitatakda ninyo ang inyong entry price at mae-execute lamang ito kapag naabot na ang presyong iyon.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa iba't ibang order type, balikan ang Lesson 4 ng aming beginner course.
‍

Pagtatakda ng Inyong mga Parameter sa Trade

Kapag napili na ninyo ang inyong order type, ang susunod na hakbang ay tukuyin ang volume na nais ninyong i-trade. Tumutukoy ito sa dami ng asset na binibili o ibinebenta ninyo. Pagkatapos matukoy ang volume, lubos na inirerekomendang itakda ang inyong mga level ng Take Profit at Stop Loss.

  • Take Profit: Awtomatikong isinasara ng order na ito ang inyong posisyon sa itinakdang level ng kita, kaya naseseguro ang inyong kita.
    ‍
  • Stop Loss: Isinasara ng order na ito ang inyong posisyon sa itinakdang level ng pagkalugi, na tumutulong protektahan ang inyong kapital laban sa labis na pagkalugi.

Sa paggamit ng mga risk management tool na ito, mas makokontrol ninyo ang kalalabasan ng inyong trading.
‍

Mga Paraan ng Pag-execute ng mga Trade sa Deriv MT5

Maraming paraan para mag-execute ng mga trade sa Deriv MT5 platform, na bawat isa ay idinisenyo para sa iba't ibang istilo ng trading:

  1. Market Watch:
    • I-double-click ang nais na instrument sa Market Watch window. Bubuksan nito ang “New Order” window, kung saan maitatakda ninyo ang inyong order type, volume, at direksyon, pati na ang anumang level ng Stop Loss at Take Profit.
  2. Trading Tab:
    • Para sa mas mabilis na mga trade, gamitin ang “Trading tab” sa Market Watch window. Dahil dito, makakapag-trade kayo ng anumang instrument sa isang click lang. Para sa karagdagang detalye tungkol dito, tingnan ang Lesson 3 tungkol sa Market Watch mula sa aming beginner course.
  3. Toolbar:
    • Mayroong “New Order” button sa Deriv MT5 Toolbar na laging madaling ma-access. Kapag kinlik ang button na ito, magbubukas ang “New Order” window, kung saan makakapaglagay kayo ng anumang uri ng order.
  4. Chart Trading:
    • Kung mas gusto ninyo ang visual na paraan, nagbibigay-daan ang Deriv MT5 sa one-click trading direkta mula sa chart. Para i-activate ang feature na ito, i-right-click ang chart ng instrument na nais ninyong i-trade at piliin ang “One-Click Trading,” o i-click ang pangalawang icon sa kaliwang itaas na sulok ng chart. Magpapakita ito ng maliit na trading panel sa chart na naglalaman ng kasalukuyang Bid at Ask price, kaya mabilis na makakapag-execute ng market order. Tandaan na kailangan ninyong tanggapin ang ilang tuntunin at kondisyon sa unang beses ninyong paggamit ng feature na ito.
  5. Keyboard Shortcut:
    • Maaari rin kayong mabilis na magbukas ng order sa pamamagitan ng pagpindot sa F9 sa inyong keyboard.
      ‍

Konklusyon

Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, malapit na ninyong mailagay ang inyong unang trade sa Deriv MT5. Kapag nasanay na kayo sa mga paraan at parameter ng trading, mas magiging kumpiyansa kayo sa pag-execute ng mga trade. Sa susunod na aralin, tatalakayin natin ang toolbox sa Deriv MT5 na may iba't ibang function para matulungan kayong pamahalaan, subaybayan, at suriin ang inyong mga aktibidad at performance sa trading. Happy trading!

‍

Quiz

Ano ang pangunahing layunin ng isang Market Order?

Para saan ginagamit ang Pending Order?

Paano madaling makapag-place ng trade gamit ang Trading Tab sa Market Watch?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp