Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Ano ang illiquidity, at kaya ba nitong makapagpabuti o makapagpasama sa inyong mga trade?

5
min na pagbabasa
Mga pula at asul na likidong umaagos sa pagitan ng dalawang glass tube, na sumasagisag sa palitan, balanse, o paglilipat sa madilim na background.
“Maaaring manatiling hindi makatwiran ang merkado nang mas matagal kaysa sa kakayahan ninyong manatiling solvent.” – John Maynard Keynes

‍

A cracked surface representing a lack of moisture, serving as a metaphor for illiquidity in trading

Nasubukan na ba ninyong magbenta ng bagay na walang gustong bumili? Maaaring isang bihirang collectible o lumang gadget? Iyan ang illiquidity sa aktuwal na sitwasyon. Sa trading, ang liquidity ay tungkol sa kung gaano kabilis at kadali ninyong mabibili o maibebenta ang isang asset nang hindi naaapektuhan ang presyo nito. Ang ilang asset ay mabilis na nabebenta na parang mainit na pandesal, habang ang iba naman ay maghihintay at aasa na lang kayo na may bibili.

Maaari bang masira ng illiquidity ang inyong mga trade? Tiyak na oo. Alamin natin kung paano ninyo ito matutukoy at maiiwasan ang mga patibong nito.
‍

Ano ang mga illiquid na asset? Kilalanin ang mga ito bago mag-trade

Hindi pare-pareho ang lahat ng asset. Narito kung paano matutukoy ang posibleng liquidity trap bago kayo mag-trade:
‍

Salik ng Liquidity Mga liquid na asset (madaling bilhin/ibenta) Mga illiquid na asset (mahirap bilhin/ibenta)
Trading volume Mataas - madalas na tine-trade Mababa - kaunti lang ang trade na nagaganap araw-araw
Bid-ask spread Makitid - maliit ang pagkakaiba ng presyo ng pagbili at pagbebenta Malawak - mas malaki ang agwat ng presyo, kaya mas magastos ang mga trade
Oras ng Pagbebenta Mabilis - agad na nagaganap ang mga transaksyon Mabagal - maaaring matagalan bago makahanap ng buyer

‍

Halimbawa: Napaka-liquid ng mga stock ng Apple. Maaari ninyo itong bilhin o ibenta anumang oras. Ngunit kapag sinubukan ninyong magbenta ng bihirang antique o ng stock ng isang maliit na kumpanya, maaaring mahirapan kayong humanap ng buyer sa presyong gusto ninyo.
‍

 Infographic showing examples of liquid and illiquid assets.‍

Ang gastos ng illiquidity: Ano ang kapalit?

Hindi lang basta abala ang illiquidity; maaari rin nitong seryosong maapektuhan ang resulta ng inyong trading:

  • Mas malaking pagkalugi sa pagbebenta. Kung nagmamadali kayong magbenta, maaaring kailanganin ninyong magbenta sa mas mababang presyo para lang makalabas sa trade.
    ‍
  • Mga napalampas na pagkakataon. Naiipit ang inyong kapital sa mga asset na hindi ninyo agad maibebenta, kaya posibleng mapalampas ninyo ang mas magagandang pagkakataon sa trading.
    ‍
  • Pabago-bagong presyo. Maaaring magkaroon ng malalaking paggalaw sa presyo ang mga illiquid na asset dahil kahit maliliit na trade ay maaaring makagalaw nang malaki sa merkado.


Mga tip sa pamamahala ng liquidity risk: Mga estratehiya para sa matatalinong trader mga estratehiya sa risk management

Gusto bang maiwasan ang mga isyu sa illiquidity? Narito ang ilang pro tip para tuloy-tuloy ang daloy ng inyong mga trade:

Estratehiya Paano Ito Nakakatulong
Mag-diversify Ikalat ang inyong pera sa mga liquid at illiquid na asset para sa mas malaking flexibility.
Planuhin ang Inyong Exit Kung kailangan ninyo ng mabilis na access sa cash, iwasan ang mga asset na matagal bago maibenta.
Gumamit ng Limit Order Itakda ang eksaktong presyong gusto ninyong pagbilhan o pagbentahan upang maiwasan ang masasamang deal na dulot ng illiquidity.

Liquidity trading sa Deriv

Bahagi ng trading ang illiquidity, pero hindi ito kailangang magpabagal sa inyo. Gamit ang tamang mga estratehiya, kaya ninyong pamahalaan ang mga liquidity risk at manatiling may kontrol sa inyong mga trade.

Sa Deriv, maaari kayong mag-explore ng halo ng mga liquid at illiquid na asset, mula sa forex at mga pangunahing stock index hanggang sa mas niche na mga opsyon.

Simulan na ngayon ang matalinong trading. Magbukas ng libreng Deriv demo account at subukan ang inyong mga estratehiya nang walang panganib!

Quiz

Ano ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang mga illiquidity trap?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp