
Pag-unawa sa mga stock indicator
Naisip na ba ninyong magkaroon ng cheat code sa trading? Maaaring ang RSI (Relative Strength Index) at mga SMA (Simple Moving Averages) na ang pinakamalapit doon! Makakatulong sa inyo ang mga sikat na indicator na ito na malaman kung kailan papasok sa isang trade gamit ang mga technical indicator at kung kailan lalabas. Himayin natin ito.
Ano ang silbi ng RSI?
Tinutulungan ng RSI na matukoy kung overbought o oversold ang isang stock, na maaaring magpahiwatig ng paparating na pagbaliktad ng presyo. Gumagana ito sa scale na 0 hanggang 100:
- Higit sa 70? Maaaring overbought ang stock at malapit nang bumaba ang presyo nito.
- Mas mababa sa 30? Maaaring undervalued ang stock at maaari itong bumawi.
- Default na setting: 14-araw na RSI, ngunit maaari ninyo itong baguhin ayon sa inyong estratehiya.
Paano naman ang mga SMA?
Pinapakinis ng mga SMA ang galaw ng presyo para makita ninyo ang mas malawak na trend. Ang dalawang pinakakaraniwang SMA ay:
- 50-araw na SMA: Indicator ng panandaliang trend
- 200-araw na SMA: Indicator ng pangmatagalang trend
Ang SMA crossover trick
Narinig na ba ninyo ang golden cross at death cross? Nangyayari ang mga ito kapag:
- Golden cross: Umakyat ang 50-araw na SMA sa itaas ng 200-araw na SMA → Bullish signal
- Death cross: Bumaba ang 50-araw na SMA sa ibaba ng 200-araw na SMA → Bearish signal
Bakit gagamitin nang magkasama ang RSI at SMA?
Magkatuwang ang RSI at SMA sa pagtukoy ng mga trend at pagbaliktad ng presyo. Kapaki-pakinabang ang bawat isa nang mag-isa, ngunit kapag pinagsama, mas malinaw ang larawang ibinibigay ng mga ito.
- Sinasabi ng RSI kung masyadong mataas ang presyo ng isang stock o mura ito.
- Ipinapakita ng mga SMA crossover kung saan patungo ang trend.
Halimbawa, kung mas mababa sa 30 ang RSI (oversold) at umakyat ang 50-araw na SMA sa itaas ng 200-araw na SMA, malakas na buy signal ito!

Kailan pinakamabisa ang mga estratehiya ng RSI at SMA
Panahon ng earnings
Ang mga earnings report ng kompanya ay maaaring magdulot ng malalaking pagbabago sa presyo. Tinutulungan ng RSI at mga SMA na salain ang ingay:
- Ipinapakita ng RSI kung overbought o oversold ang isang stock pagkatapos ng galaw dahil sa earnings.
- Kinukumpirma ng mga SMA crossover kung bahagi ng mas malaking trend ang galaw o panandaliang hype lamang.
Mga market correction
Kapag bumagsak ang merkado, maaaring ipakita ng RSI ang mga oversold na stock, habang kinukumpirma naman ng mga SMA kung oras na para bumili o kung mananatili na ang downtrend.
Pagse-set up ng inyong RSI at SMA trade
Bullish setup (pagkakataong bumili)
- Papalapit sa 30 ang RSI (oversold)
- Umaakyat ang 50-araw na SMA sa itaas ng 200-araw na SMA (golden cross)
Bearish setup (pagkakataong magbenta)
- Papalapit sa 70 ang RSI (overbought)
- Bumababa ang 50-araw na SMA sa ibaba ng 200-araw na SMA (death cross)
Halimbawa ng RSI at SMA crossover: Amazon (AMZN)
Sa stock chart ng Amazon, ipagpalagay nating:
- Umakyat ang 50-araw na SMA sa itaas ng 200-araw na SMA → Kumpirmasyon ng uptrend
- Malapit sa 30 ang RSI → Posibleng pagbaliktad mula sa mga oversold na antas
Magkasamang nagpapahiwatig ang mga signal na ito ng pagkakataong bumili.
Pamamahala ng panganib sa RSI at SMA trading
Paglalagay ng Stop Loss
- Pabago-bago ang presyo dahil sa earnings? Gumamit ng mas malawak na stop (2–3% sa ibaba ng entry).
- Normal na kondisyon? Gawing mas masikip ito (1–1.5% sa ibaba ng entry).
- Isaalang-alang ang Average True Range (ATR) ng stock para sa mas matalinong mga antas ng Stop Loss.
Mga target na tubo
- Mga panandaliang trade: Kumuha ng tubo kapag papalapit sa 70 ang RSI o humina ang SMA crossover.
- Mga pangmatagalang trade: Panatilihin ang trade hangga't nasa itaas ng 200-araw na SMA ang 50-araw na SMA, at unti-unting magbenta kapag umabot sa matitinding antas ang RSI.
Mahahalagang tip sa trading
Bago pumasok sa isang trade, isaalang-alang ang:
- Maraming timeframe (daily chart para sa mga trend, hourly para sa tumpak na entry)
- Kondisyon ng merkado (pangkalahatang direksyon ng merkado, mga trend sa sektor, balitang partikular sa stock)
- Mga petsa ng earnings (para maiwasan ang mga sorpresa)
- Liquidity ng stock (mas mataas na volume = mas maayos na mga trade)
Simulan nang subukan ang mga estratehiya ng RSI at SMA ngayon mga trading strategy
Makapangyarihan ang mga indicator na ito, ngunit pinakamabisa ang mga ito bilang bahagi ng mas malawak na estratehiya. Magsanay sa mga estratehiya ng RSI at SMA gamit ang libreng Deriv demo account. Magandang paraan ito para hasain ang inyong kakayahan bago mag-trade gamit ang totoong pera.
Quiz
Ano ang nagkukumpirma ng bullish na trend?


