
Ang risk management ang sikreto sa pangmatagalang tagumpay sa trading risk management. Kung wala ito, kahit ang pinakamahuhusay na estratehiya ay maaaring pumalpak. Dito pumapasok ang Average True Range (ATR) indicator mga technical indicator. Isa itong maaasahang panukat ng volatility ng merkado na tutulong sa inyong harapin nang may kumpiyansa ang paggalaw ng presyo.
Ano ang Average True Range (ATR)?
Ituring ang ATR bilang detector ng galaw ng merkado. Nilikha ito ni J. Welles Wilder Jr., at hindi hinuhulaan ng indicator na ito ang direksyon ng presyo. Sinusukat lamang nito kung gaano kalaki ang galaw ng isang asset, maging ito man ay mga stock, currency, mga commodity, o mga derived index. Mas malaki ang galaw? Mas mataas ang ATR. Kalmado ang merkado? Mas mababa ang ATR. Simple lang, 'di ba? Umaangkop ito sa iba't ibang kondisyon ng merkado, kaya mahusay itong tool para sa risk management.
Bakit gusto ng mga trader ang ATR
Ginagamit ng mga trader ang ATR higit sa lahat dahil sa dalawang pangunahing dahilan:
- Position sizing: Tinutulungan kayo ng ATR na isaayos ang laki ng inyong trade batay sa tindi ng galaw ng merkado. Mas mataas ang volatility? Paliitin ang laki ng inyong posisyon sa mga merkadong pabago-bago. Sa mas kalmadong kondisyon, maaari ninyong isaalang-alang na bahagyang palakihin ito.
- Matalinong Stop Loss at Take Profit level: Tinutulungan kayo ng ATR na maiwasang ma-stop out nang masyadong maaga sa pamamagitan ng pagtatakda ng makatotohanang target na presyo na tugma sa pagbabago-bago ng merkado.
Paano gamitin ang ATR sa mga trading platform ng Deriv
Magandang balita! Hindi na ninyo kailangang magkalkula. Awtomatikong kinakalkula ng mga CFD platform ng Deriv ang ATR para sa inyo. Idagdag ito sa inyong chart upang masimulan itong gamitin sa inyong risk strategy.
Kung gusto ninyong malaman ang matematika sa likod nito, makukuha ang ATR sa pagkuha ng pinakamalaking halaga sa pagitan ng:
- Ang kasalukuyang high na binawasan ng kasalukuyang low
- Ang absolute value ng kasalukuyang high na binawasan ng nakaraang close
- Ang absolute value ng kasalukuyang low na binawasan ng nakaraang close
Pagkatapos, kinukuha ang average nito sa loob ng itinakdang panahon (karaniwan ay 14 na araw). Mas maayos ang linya kapag mas mahaba ang panahon, ngunit mas mabagal itong tumugon sa biglaang pagbabago.

Paggamit ng ATR para sa risk management
Pagtatakda ng Stop Loss at Take Profit na parang propesyonal
Tinutulungan kayo ng ATR na magtakda ng mas matalinong Stop Loss at Take Profit level. Kung ang ATR para sa Volatility 25 Index ay $8.5 at ang inyong entry ay nasa $100:
- Maaari ninyong itakda ang inyong Stop Loss sa 2 beses ng ATR ($83)
- At ang inyong Take Profit sa 3 beses ng ATR ($125.50)
Kapag mataas ang volatility, mas maluwag ang espasyo para sa inyong trade kung mas malayo ang pagkakalagay ng mga stop at target.
Madaling pagtatakda ng position size
Mahusay din ang ATR sa pagpapasya kung gaano kalaki ang dapat ninyong trade. Karaniwang tuntunin? Isapanganib lamang ang 1 ATR unit sa bawat trade. Kaya kung $8.5 ang ATR, maximum na $8.5 lang ang isasapanganib ninyo sa trade na iyon. Pinapanatili nitong kontrolado ang inyong panganib habang naaayon sa natural na galaw ng merkado.
Ilang bagay na dapat tandaan
Kapaki-pakinabang ang ATR, ngunit tulad ng anumang indicator, may mga limitasyon ito. Narito ang dahilan:
- Isa itong lagging indicator: Tinitingnan ng ATR ang mga nakaraang galaw ng presyo, kaya hindi nito mahuhulaan ang hinaharap; tutulong lamang itong makapaghanda kayo para rito.
- Pinakamainam itong gamitin kasama ng iba pang tool: Walang iisang indicator na kayang gawin ang lahat. Pagsamahin ang ATR at ang technical at fundamental analysis para sa mas matatalinong desisyon sa trading.
Para sa risk management, parang maaasahang katuwang ang ATR. Hindi nito mahuhulaan ang hinaharap, ngunit magbibigay ito ng malinaw na babala tungkol sa kondisyon ng merkado. Bago ito gamitin sa mga live trade, magsanay muna sa paggamit ng ATR sa isang Deriv demo account upang makita kung paano nito sinusuportahan ang inyong mga desisyon sa trading.
Handa na bang mag-trade nang mas may kumpiyansa?
Quiz
Kung biglang tumaas ang halaga ng ATR, ano ang ibig sabihin nito?


