
Noong pandemya ng COVID-19, nagbago ang paraan ng mga retail trader sa pag-trade ng mga stock. Maraming trader ang nagsimulang gayahin ang mga galaw ng iba, isang pag-uugaling kilala bilang herd mentality. Dito maaaring magkaroon ng papel ang copy trading.
Paano gumagana ang copy trading?
Pinapahintulutan ng copy trading ang mga trader, baguhan man o may karanasan na sa trading, na gayahin ang mga trade ng matagumpay na trader. Simple lang ang ideya: kapag kumita sila, maaari rin kayong kumita. Ngunit, tulad ng lahat ng trading strategy, may sariling mga bentahe at disbentahe ang copy trading.
Mga bentahe at disbentahe ng copy trading
Para mas madaling maunawaan, narito ang mabilis na paghahambing:
| Mga Bentahe | Mga Disbentahe |
|---|---|
| Pagkakataong Matuto - Maaaring manood at matuto ang mga baguhan mula sa mga batikang trader. | Panganib ng Pagkalugi - Kung magkamali ng galaw ang trader na kinokopya ninyo, maaari kayong malugi. |
| Diversification ng Portfolio - Ang pagkopya sa maraming trader ay namamahagi ng panganib sa iba't ibang asset at estratehiya. | Pagdepende sa Iba - Ang pag-asa sa iba ay maaaring magpabagal sa pagpapaunlad ng sarili ninyong kasanayan sa trading. |
| Kaginhawahan - Awtomatikong isinasagawa ang mga trade, kaya nakatitipid kayo ng oras. | Mga Volume Fee - Naniningil ang ilang strategy provider ng performance fee at management fee, na maaaring makaapekto sa kabuuan ninyong kita. |
| Potensyal na Passive Income - Kumikita ng komisyon ang mga strategy provider kapag may kumokopya sa kanila. | Volatility ng Merkado - Ang mga di-inaasahang galaw ng merkado ay maaaring makaapekto kahit sa pinakamahuhusay na trader. |
Mga dapat isaalang-alang bago mag-copy trading: mga estratehiya sa risk management
Kung nag-iisip kayong mag-copy trading, mahalagang isaalang-alang ang inyong risk tolerance, mga layunin sa trading, at kaalaman sa trading. Narito kung paano magsimula nang responsable:
- Magsaliksik tungkol sa mga trader bago sila kopyahin. Tingnan ang kanilang nakaraang performance, istilo ng risk management, at mga estratehiya sa trading.
- Magsimula sa maliit. Huwag ilagay ang lahat. Magsanay sa demo account upang magkaroon ng kumpiyansa bago mag-trade nang live.
- Mag-diversify. Makatutulong ang pagkopya sa maraming trader na mapanatili ang balanse ng mga panganib at posibleng kita.
- Manatiling may alam tungkol sa mga trend sa merkado upang makagawa ng mas mahusay na pangmatagalang desisyon.
Gusto ba ninyong subukan ang copy trading nang walang panganib? Magbukas ng Deriv Trader demo account at magsanay gamit ang $10,000 na virtual funds!
Quiz
Alin sa mga sumusunod ang HINDI benepisyo ng copy trading?


