
Gusto ba ninyong gawing karagdagang kita ang inyong kasanayan sa trading? Sa pagiging strategy provider sa cTrader platform, maaari ninyong ibahagi ang inyong mga strategy, kumita ng komisyon, at magkaroon ng mga tagasunod. Narito kung paano magsimula.
Ano ang strategy provider?
Ang strategy provider ay isang trader na nagpapahintulot sa iba na awtomatikong kopyahin ang kanyang mga trade copy trading strategies. Maaari ninyong itakda ang sarili ninyong mga bayarin, kabilang ang performance fee, management fee, at volume-based fee. Kikita kayo sa bawat matagumpay na trade na nakopya.
Mga kinakailangan para maging strategy provider
Maaaring maging strategy provider sa Deriv ang sinumang cTrader user na may hedging account (hindi netting account). Narito ang mga kailangan ninyo:
- Positibong balanse ng account
- Hindi bababa sa isang bukas na posisyon
- Isang trade na naisagawa sa nakalipas na 72 oras
- Lifetime ROI na higit sa 90%
Nakadepende sa inyong membership kung maaari kayong maningil ng bayarin:
- Full membership (FM): Maaaring maningil ng bayarin para sa mga strategy na kinokopya ng mga live account.
- Demo membership (DM): Mga libreng strategy lamang ang maaaring iaalok.
Tingnan ang inyong uri ng membership sa profile ng inyong account bago magsimula.
Pag-set up ng inyong profile bilang strategy provider
- Pumunta sa seksyong “Copy” at piliin ang inyong account.

- I-click ang Become a Strategy Provider.

- Punan ang mga detalye:
- Pangalan ng strategy: Natatangi, hanggang 80 character, at iwasan ang mga special character.
- Minimum na puhunan: Ang pinakamababang pondong kailangan para makopya ang inyong strategy.
- Performance fee: Porsyento ng netong kita (kinakalkula gamit ang High-Water Mark model).
- Management fee: Porsyento (hanggang 10%) ng equity ng mga investor.
- Volume fee: Sinisingil kada milyon ng nakopyang volume (hanggang $10 kada milyon).
- Mga pahintulot sa pagkopya: Payagan ang pagkopya para sa mga live account lamang o para sa parehong live at demo account.
- Mga setting ng visibility: Piliin kung sino ang makakakita at makakakopya ng inyong strategy.
- Paglalarawan: Magdagdag ng mga detalye para makaakit ng mga investor.
- Pangalan ng strategy: Natatangi, hanggang 80 character, at iwasan ang mga special character.
- I-click ang Become a Strategy Provider para i-activate ang inyong strategy.

Maaari ninyong baguhin ang karamihan sa mga setting anumang oras sa ilalim ng “Strategy Settings.” Gayunpaman, may ilang opsyon na mababago lamang kapag itinigil na ang inyong strategy.
Pamamahala at pagtigil sa inyong strategy
- Para ihinto ang pagbabahagi ng inyong strategy, i-click ang Stop Providing Strategy.
- Para magsimulang muli, piliin ang Restart Providing Strategy sa buod ng inyong strategy.
- Awtomatikong made-delete ang isang strategy kung hindi ito aktibo nang 30 araw o higit pa at walang naisagawang trade.
Magsimulang kumita bilang strategy provider
Sa pagiging strategy provider, maipapakita ninyo ang inyong kadalubhasaan at kikita kayo habang natutulungan ang iba na mag-trade nang matagumpay. Gusto munang subukan? Magbukas ng libreng demo account at maging pamilyar sa proseso bago mag-live!
Quiz
Anong uri ng cTrader account ang kinakailangan upang maging strategy provider sa Deriv?


