Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Gabay sa mga bayad sa cTrader copy trading

4
min na pagbabasa
Digital na panel na nagpapakita ng mga bayad at stats ng cTrader copy trading, na kumakatawan sa breakdown ng mga gastos para sa mga trader na gumagamit ng platform.

Mahalagang maunawaan ang mga bayad upang masulit ang copy trading feature ng cTrader. Strategy provider man kayo o copy trader na nagko-copy ng mga strategy, makakatulong ang pag-alam kung paano gumagana ang mga bayad para makapagplano kayo nang mas maayos at maiwasan ang mga hindi inaasahang singil. Alamin natin ang iba't ibang uri ng bayad at kung paano ang mga ito ipinapataw.


Mga uri ng bayad sa cTrader

Libre ang pag-copy sa ilang strategy, habang may singil naman ang iba batay sa performance, management, at volume ng trade. Ganito gumagana ang bawat bayad:

  • Performance fee (hanggang 30%): Isang porsyento ng net profit na kinakalkula gamit ang High-Water Mark (HWM) model. Babayaran lamang ninyo ang bayaring ito kapag umabot ang inyong account sa bagong pinakamataas na kita. Halimbawa: kung lumago ang inyong account mula EUR 10,000 tungong EUR 12,000, ipapataw ang bayad sa kitang EUR 2,000. Kung bumaba ang account pagkatapos nito, wala nang karagdagang bayad hanggang lumampas ito sa EUR 12,000.
    ‍
  • Management fee (hanggang 10%): Isang pang-araw-araw na porsyento ng equity ng inyong account. Naiipon ito araw-araw at makikita sa inyong transaction log.
    ‍
  • Volume fee (hanggang $10 kada milyon): Bayad kada milyon ng na-copy na volume, na ipinapataw sa pagbubukas at pagsasara ng trade. Masusubaybayan ninyo ito sa transaction history.


Halimbawa: Paano ipinapataw ang mga bayad

Ipagpalagay nating naglaan kayo ng $1,000 para i-copy ang isang strategy na may sumusunod na mga singil:

Uri ng bayad Bayad ng strategy Halimbawang kalkulasyon
Performance 10% Kung kumita kayo ng $700, ang bayad ay $70
Management 5% kada taon $50 kada taon o $0.14 kada araw
Volume $5 kada milyon Para sa 1 lot ng EUR/USD, nakabatay ang bayad sa volume ng trade

‍

Saan makikita ang mga detalye ng bayad

  • Bago mag-copy ng strategy, makikita ninyo ang lahat ng bayad sa pag-click sa Start Copying.
    ‍
  • Pagkatapos mag-copy, tingnan ang tab na “Transactions” para sa mga performance at management fee.
    ‍
  • Itinatala ng tab na “History” ang mga volume fee, at ipinapakita naman ng tab na “Positions” ang anumang unrealized na volume fee.
    ‍
Copy trading dashboard showing a 146.75% performance gain with no open positions and a “Start Copying” option in green.
Tabs showing “Positions,” “History,” and “Transactions,” with “Positions” marked zero and “Transactions” currently selected.


Para sa mga strategy provider

Bilang strategy provider, kayo ang may kontrol sa inyong fee structure sa loob ng pinapayagang limitasyon. Maaari lamang gumawa ng pagbabago kapag walang trader na aktibong nagko-copy ng inyong strategy. Idinedeposito sa inyong account ang mga bayad na nakolekta mula sa mga copy trader at kino-convert ang mga ito sa currency ng inyong account.


Mga payout ng bayad:

  • Buwanang bayad. Sinisingil ang mga trader tuwing ika-1 ng buwan, at agad na natatanggap ng mga provider ang kanilang payout.
    ‍‍
  • Mga trigger ng bayad. Maaaring ibawas ang mga bayad kapag itinigil ang isang strategy, tumigil ang trader sa pagko-copy, o nag-withdraw ng pondo ang trader.

‍

Magsimula ngayon

Nakakatulong ang pag-unawa sa fee structure ng cTrader Copy para makagawa ng mas matalinong desisyon sa trading. Kung nagko-copy kayo ng mga strategy o nagbibigay ng mga ito, nakakatulong ang transparency sa mga bayad para mapalaki ang kita. Gusto bang magsanay nang walang panganib? 

Magbukas ng libreng demo account ngayon at tuklasin ang cTrader Copy!

‍

Quiz

Ano ang pinakamataas na performance fee na maaaring singilin ng isang strategy provider?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp