Mga Object
Ngayon, tutuklasin natin ang iba't ibang object na available sa Deriv MT5 platform Deriv MT5 platform at kung paano nito lubos na mapapahusay ang inyong technical analysis at mga estratehiya sa trading technical analysis. Kapag naunawaan ninyo kung paano epektibong gamitin ang mga tool na ito, makakagawa kayo ng mas matalinong desisyon sa trading.
Panimula sa mga Chart Object
Ang mga object sa Deriv MT5 ay mga graphical tool na maaari ninyong ilagay sa inyong mga chart para markahan ang mahahalagang antas ng presyo, tukuyin ang mga trend, at lagyan ng anotasyon ang mahahalagang impormasyon. Nagbibigay-daan ang mga ito sa mga trader na biswal na bigyang-kahulugan ang datos ng merkado at mapahusay ang kanilang mga estratehiya sa trading sa pamamagitan ng pagbibigay ng konteksto sa paggalaw ng presyo.
Para ma-access ang mga object na ito, pumunta sa “Insert” sa menu at i-hover ang cursor sa “Objects.” Talakayin natin ang ilan sa mga pinakaginagamit na tool.
Mahahalagang Chart Object
- Mga Line:
- Horizontal Line: Ginagamit para markahan ang mahahalagang antas ng presyo gaya ng support at resistance. Nakatutulong ito sa pagtukoy ng posibleng reversal zone o mga punto ng price consolidation.
- Vertical Line: Kapaki-pakinabang sa pagmamarka ng partikular na agwat ng oras, at tumutulong sa inyong suriin ang paggalaw ng presyo kaugnay ng mahahalagang petsa o pangyayari.
- Trendline: Ikinokonekta nito ang mahahalagang punto ng presyo (mga high at low) para ipakita ang direksyon at lakas ng trend ng merkado, at magbigay ng pananaw kung nagpapatuloy o nagre-reverse ang isang trend.
- Horizontal Line: Ginagamit para markahan ang mahahalagang antas ng presyo gaya ng support at resistance. Nakatutulong ito sa pagtukoy ng posibleng reversal zone o mga punto ng price consolidation.
- Mga Channel:
- Equidistant Channel: Binubuo ng dalawang magkaparalelong linya na nagtatakda ng itaas at ibabang hangganan ng paggalaw ng presyo. Nakatutulong ang mga ito na maipakita ang mga trend at antas ng support o resistance, kaya mas madaling matukoy ang posibleng breakout point o reversal.
- Andrews' Pitchfork: Binubuo ng tatlong magkaparalelong linyang iginuhit mula sa isang mahalagang high o low. Ipinapakita ng gitnang linya ang pangunahing trend, habang nakatutulong naman ang mga panlabas na linya sa pagtukoy ng support at resistance.
- Equidistant Channel: Binubuo ng dalawang magkaparalelong linya na nagtatakda ng itaas at ibabang hangganan ng paggalaw ng presyo. Nakatutulong ang mga ito na maipakita ang mga trend at antas ng support o resistance, kaya mas madaling matukoy ang posibleng breakout point o reversal.
- Mga Gann Tool:
- Gann Line: Isang 45-degree na trendline na kumakatawan sa balanse ng pagbabago ng presyo at oras. Natutulungan nito ang mga trader na suriin kung bullish o bearish ang merkado batay sa posisyon ng presyo kaugnay ng Gann Line.
- Gann Fan: Gumagawa ng maraming trendline na lumalabas mula sa iisang punto sa mga partikular na anggulo, na kapaki-pakinabang sa pagsusuri ng lakas ng trend at posibleng reversal.
- Gann Line: Isang 45-degree na trendline na kumakatawan sa balanse ng pagbabago ng presyo at oras. Natutulungan nito ang mga trader na suriin kung bullish o bearish ang merkado batay sa posisyon ng presyo kaugnay ng Gann Line.
- Mga Fibonacci Tool:
- Fibonacci Retracement Tool: Gumuguhit ng mga horizontal line sa mahahalagang Fibonacci level para tukuyin ang posibleng reversal point sa merkado. Gumaganap ang mga level na ito bilang support o resistance batay sa mga nakaraang paggalaw ng presyo.
- Fibonacci Channel: Gumagamit ng mga magkaparalelong linya batay sa Fibonacci ratio para suriin ang direksyon ng trend at hulaan ang posibleng paggalaw ng merkado, at nagbibigay ng pananaw sa mga entry at exit point.
- Fibonacci Retracement Tool: Gumuguhit ng mga horizontal line sa mahahalagang Fibonacci level para tukuyin ang posibleng reversal point sa merkado. Gumaganap ang mga level na ito bilang support o resistance batay sa mga nakaraang paggalaw ng presyo.
- Mga Elliott Wave Tool:
- Ang Impulse Wave ay malalakas na paggalaw na may direksyon na binubuo ng limang wave na sumusunod sa pangunahing trend, samantalang ang Corrective Wave ay nangyayari laban sa trend at karaniwang binubuo ng tatlong wave, kaya nagagamit ang mga ito sa pagsusuri ng mga market cycle.

- Mga Hugis, Arrow, at Graphical Object:
- Gumamit ng mga simpleng hugis at arrow para mapahusay ang pagsusuri sa chart. Nakatutulong ang mga ito na i-highlight ang mga partikular na bahagi o pattern, kaya mas madaling makita ang mga trend at malalaking paggalaw ng presyo.

Pagbabago at Pag-customize ng mga Object
Kapag nailagay na ninyo ang mga object sa inyong chart, madali ninyo itong mababago:
- Para ilipat o ayusin ang isang object, i-click ito para piliin. Lalabas ang mga control point na magagamit ninyo para i-drag ito sa nais na posisyon.
- Para mag-delete ng object, mag-right-click at piliin ang “Delete” o pindutin ang Backspace key. Kung hindi sinasadyang natanggal ang isang object, maaari ninyong i-undo ang aksyong ito sa pamamagitan ng pag-right-click at pagpili sa “Undo Delete” o pagpindot sa Ctrl+Z.
Maaari rin ninyong i-customize ang hitsura ng mga object sa pamamagitan ng pag-right-click sa napiling object at pagpili sa “Properties”. Magbubukas ito ng dialog na may mga opsyon para:
- Baguhin ang kulay, kapal, at istilo ng linya sa Common Tab.
- Baguhin ang mga level, istilo, at kulay para sa mga Fibonacci at Gann tool sa Levels Tab.
- Isaayos nang masinsin ang mga setting ng posisyon at hitsura sa Parameters Tab.
- Piliin kung sa aling mga timeframe ipapakita ang inyong mga object sa Visualisation Tab.
Konklusyon
Sa paggamit ng iba't ibang object sa toolbox ng Deriv MT5, makakakuha ang mga trader ng praktikal na kalamangan sa kanilang pagsusuri sa chart. Kapag naunawaan ninyo kung paano lagyan ng anotasyon ang paggalaw ng presyo, markahan ang mga trend, at i-visualize ang mahahalagang datos, mapapahusay ninyo ang inyong mga estratehiya at performance sa trading.
Hinihikayat namin kayong magsanay gamit ang mga tool na ito sa Deriv MT5 demo account para masanay sa mga function nito. Sa susunod naming aralin, tatalakayin natin ang mga indicator sa Deriv MT5 at kung paano ito gagamitin para sa mas pininong pagsusuri ng merkado. Happy trading!
Quiz
Ano ang pangunahing gamit ng mga chart object sa Deriv MT5?
Aling tool ang makatutulong sa inyo na matukoy ang posibleng reversal point batay sa mga makasaysayang antas ng presyo?
Paano ninyo maaaring i-customize ang hitsura ng mga chart object sa Deriv MT5?