Dtrader trading platform
Sa araling ito, tatalakayin natin kung paano mag-execute ng mga trade nang epektibo gamit ang Deriv Trader platform. Kapag naunawaan ninyo kung paano mag-navigate sa platform na ito, magagamit ninyo nang husto ang mga trading tool at resource na nasa inyong kamay.
Panimula sa Deriv Trader
Ang Deriv Trader ay partikular na idinisenyo upang mapadali ang trading sa iba't ibang proprietary product ng Deriv. Angkop ito sa mga trader sa lahat ng antas ng karanasan: may user-friendly na interface para sa mga baguhan at mga advanced na tool para sa mga bihasang trader.
Mga Pangunahing Feature ng Deriv Trader
- Napapasadyang Trading Environment: Iangkop ang platform ayon sa inyong mga kagustuhan sa trading, kaya isa itong lubos na flexible na tool para isagawa ang inyong mga estratehiya.
- Mga Advanced na Charting Tool: Gamitin ang iba't ibang timeframe ng chart, mula tick-by-tick hanggang daily candlestick, upang makita nang malinaw ang galaw ng presyo. Mayroon ding kumpletong hanay ng mga indicator at drawing tool ang platform na nagbibigay-daan sa mahahalagang insight at personal na annotation.
- Malawak na Pagpipiliang Asset: Nagbibigay ang Deriv Trader ng access sa mahigit 50 asset, kabilang ang forex, mga stock index, at mga commodity sa regular na oras ng merkado. Bukod pa rito, maaaring i-trade nang 24 oras araw-araw ang mga cryptocurrency at mga synthetic index ng Deriv.
- Mga Uri at Tagal ng Trade: Sinusuportahan ng platform ang iba't ibang uri ng trade na angkop sa iba't ibang risk appetite at istilo ng trading. Maaari kayong pumili ng napapasadyang tagal ng trade, mula 1 segundo hanggang 365 araw, kaya posible ang parehong panandalian at pangmatagalang estratehiya sa trading.
Pagsisimula sa Deriv Trader
Para magsimulang gamitin ang Deriv Trader:
- Mag-log in sa Deriv Trader Hub: Pagkatapos mag-log in, piliin ang “Deriv Trader” para ma-access ang platform.
- Magbukas ng Chart: Para magbukas ng chart ng partikular na asset, i-click ang asset na nais ninyong i-trade mula sa Market Watch window.
- Magdagdag ng mga Indicator: Isama ang mga technical indicator sa pamamagitan ng pag-click sa icon na “Add Indicator” sa toolbar. Pumili mula sa iba't ibang indicator na makakatulong sa inyong technical analysis.
Pamamahala sa Inyong mga Trade
Malinaw na ipinapakita ng Deriv Trader ang posibleng payout bago mag-execute ng mga trade, kaya natutulungan kayong masuri nang epektibo ang inyong panganib:
- Halaga ng Trade at Payout: Maaari ninyong piliin ang posibleng kita o lugi sa trading bilang Halaga ng trade, kung saan nagtatakda kayo ng partikular na halaga para sa trade, o bilang Payout, kung saan tinutukoy ninyo ang posibleng kita at ang platform ang magpapakita ng kinakailangang halaga ng trade.
- Mga Feature sa Risk Management: Para sa mga uri ng trading gaya ng Multipliers, nagbibigay ang Deriv Trader ng mga karagdagang tool tulad ng mga opsyong “Take Profit” at “Stop Loss” upang makatulong sa mahusay na pamamahala ng mga trade.
Pag-navigate sa Platform
Madali lang ang pag-navigate sa Deriv Trader platform. Nagbibigay ang top menu bar ng madaling access sa mahahalagang seksyon:
- Mga Report: Ipinapakita ang inyong mga bukas na posisyon, profit table, at mga account statement.
- Cashier: Nagpapadali ng mga deposit, withdrawal, at paglilipat ng pondo.
- Mga Setting ng Account: Pamahalaan ang inyong profile, password, at katayuan ng seguridad.
- Impormasyon ng Account: Ipinapakita ang lahat ng inyong real at demo account kasama ang kani-kanilang balanse.
Sa footer menu, makikita ninyo ang pangkalahatang impormasyon at mga setting, tulad ng:
- Petsa at GMT: Subaybayan ang oras ng merkado.
- Live Chat: Agarang suporta sa customer.
- Help Centre: I-access ang mga madalas itanong at mga tip para sa responsableng trading.
Konklusyon
Bilang konklusyon, nag-aalok ang Deriv Trader platform ng makapangyarihan at napapasadyang mga feature sa trading na iniangkop para matugunan ang inyong partikular na pangangailangan sa trading. Kapag natutuhan ninyong gamitin nang mahusay ang platform na ito, handa na kayong mag-execute ng mga trade nang may kumpiyansa at epektibo.
Inirerekomenda naming magsimula sa isang libreng demo account upang magsanay at pahusayin ang inyong mga estratehiya sa trading gamit ang mga tool na available sa Deriv Trader. Sa susunod nating aralin, tatalakayin natin ang mga chart template at profile para lalo pang ma-optimize ang inyong trading workspace. Salamat sa pagsama sa araling ito, at maligayang pag-trade!
Quiz
Ano ang pangunahing tungkulin ng Deriv Trader platform?
Anong pangunahing feature ang iniaalok ng Deriv Trader para i-customise ang inyong trading environment?
Paano nakatutulong ang Deriv Trader sa pamamahala ng panganib?


