Pangkalahatang-ideya ng mga underlying sa Deriv
Sa konteksto ng trading ng mga derivative, mahalaga ang pag-unawa sa mga underlying asset sa trading ng mga derivative para sa epektibong mga estratehiya sa trading. Dadagdagan ng araling ito ang mga konseptong ipinakilala sa video sa pamamagitan ng malalimang pagtalakay sa iba't ibang underlying asset na maaaring i-trade bilang mga derivative sa Deriv trading platform, kabilang ang mga financial asset at natatanging Derived Indices. Makatutulong ang pag-unawa sa mga asset na ito upang makagawa kayo ng matalinong desisyon sa trading na naaayon sa inyong mga kagustuhan at risk tolerance.
Mga Financial Asset na Available para sa Trading ng mga Derivative
Nag-aalok ang Deriv ng malawak na hanay ng mga financial asset para sa trading ng mga derivative. Dahil sa iba't ibang opsyon, may flexibility ang mga trader na samantalahin ang mga oportunidad sa merkado sa iba't ibang asset class:
- Mga Major Forex Pair: Kabilang dito ang mga sikat na currency pair tulad ng EUR/USD, GBP/USD, at USD/JPY. Karaniwang mataas ang liquidity at mababa ang mga spread sa pag-trade ng mga derivative sa major forex pair, kaya kaakit-akit itong pagpipilian para sa maraming trader.
- Mga Stock Index: Dahil sa mga index derivative, maaaring mag-speculate ang mga trader sa performance ng isang grupo ng mga stock. Makapagbibigay ang pag-trade ng mga stock index ng pananaw sa mas malawak na trend ng merkado at mababawasan nito ang panganib na kaugnay ng mga indibidwal na stock.
- Mga Cryptocurrency: Kasabay ng paglago ng mga digital currency, nag-aalok ang Deriv ng mga oportunidad na mag-trade ng mga derivative sa mga sikat na cryptocurrency tulad ng Bitcoin at Ethereum. Dahil sa mga derivative na ito, makakasali ang mga trader sa lubhang pabagu-bagong merkadong ito nang hindi kailangang direktang magmay-ari ng asset.
- Mga Commodity: Ang mga commodity tulad ng ginto, langis, at mga produktong pang-agrikultura ay nagbibigay sa mga trader ng karagdagang paraan para mag-speculate at mag-hedge laban sa mga pagbabago sa ekonomiya. Lalong magiging epektibo ang mga derivative na nakabatay sa mga commodity sa iba't ibang kondisyon ng merkado.
Pag-unawa sa Derived Indices
Nag-aalok din ang Deriv ng natatanging Derived Indices na ginagaya ang partikular na pag-uugali ng merkado at nagbibigay ng kakaibang oportunidad sa trading:
- Synthetic Indices: Sinisimulate ng mga index na ito ang mga kondisyon ng merkado sa totoong mundo gamit ang secure na random number generator. Nagbibigay ang mga ito sa mga trader ng tuloy-tuloy na paggalaw ng presyo, kaya kapaki-pakinabang ang mga ito sa iba't ibang estratehiya sa trading nang walang hindi mahulaang galaw na nakikita sa mga tradisyonal na merkado.
- Basket Indices: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng isang koleksyon ng mga asset, kaya nagbibigay ang mga ito ng exposure sa pangkalahatang performance ng grupo sa halip na umasa sa iisang asset. Halimbawa, sinusukat ng Gold Basket ang halaga ng ginto laban sa set ng limang pandaigdigang currency. Nakatutulong ang diversification na ito para ipamahagi ang panganib at mapahusay ang katatagan sa trading.
- Volatility Indices: Sinasalamin ng mga index na ito ang pagbabago-bago ng presyo sa mga paunang itinakdang antas ng volatility at nagbibigay sa mga trader ng pagkakataong samantalahin ang pare-parehong galaw. Maaaring maging kaakit-akit ang mga option sa mga index na ito dahil sa kanilang nakabalangkas na risk profile at tinukoy na saklaw ng volatility.
- Jump Indices: Isang variation ng Volatility Indices, ang Jump Indices ay may pana-panahong pagtalon ng presyo na mas malaki kaysa karaniwan, na nangyayari nang average na isang beses kada 20 minuto. Nagbibigay ang katangiang ito sa mga trader ng natatanging pagkakataong kumita mula sa biglaang galaw ng merkado.
- Crash at Boom Indices: Mainam ang mga ito para sa mga trader na nais samantalahin ang biglaang pagbabago ng presyo: patuloy na tumataas ang Crash Indices bago biglang bumagsak, habang patuloy namang bumababa ang Boom Indices hanggang sa biglang tumaas nang matindi. Nagbibigay ang mga index na ito ng mga oportunidad sa trading batay sa inaasahang pattern ng galaw ng merkado.
- Step Indices: Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, gumagalaw ang Step Indices sa tinukoy na increment o hakbang, na lumilikha ng mas predictable na kapaligiran sa trading. Nakapirmi ang bawat hakbang, kaya kaakit-akit ito sa parehong panandalian at pangmatagalang estratehiya.
- Daily Reset Indices: Kabilang sa kategoryang ito ang mga index na ginagaya ang tumataas o bumababang merkado sa loob ng 24 na oras (hal., Bull Market Index at Bear Market Index). Nagre-reset ang mga index na ito sa base value sa simula ng bawat araw ng trading, kaya mas mahuhulaan ang mga pang-araw-araw na trend.
Kahalagahan ng Pag-unawa sa mga Underlying Asset
Mahalaga ang matibay na pag-unawa sa mga underlying asset para sa sinumang trader na nais magtagumpay sa trading ng mga derivative sa Deriv. Ang pag-unawa sa iba't ibang financial asset at natatanging Derived Indices ay nagbibigay sa inyo ng kaalamang kailangan upang makagawa ng matalinong desisyon at maiangkop nang epektibo ang inyong mga estratehiya sa trading. Habang patuloy kayong natututo tungkol sa mga derivative at sa iba't ibang gamit nito, manatili kayong nakatuon sa paghasa ng inyong mga kasanayan para sa matagumpay na trading journey.
Quiz
Bakit kapaki-pakinabang ang Basket Indices sa pamamahala ng panganib?
Anong uri ng derivative ang nagbibigay-daan sa mga trader na mag-speculate sa pangkalahatang direksyon ng isang grupo ng mga forex pair o commodity?
Paano naiiba ang Jump Indices sa karaniwang Volatility indices?


