DBot trading platform
Sa huling aralin ng kursong ito, tatalakayin natin ang Deriv Bot, isang makapangyarihang no-code solution na nagbibigay-daan sa inyong gumawa ng mga automated trading strategy nang madali at samantalahin ang mga pagkakataon sa trading 24/7. Gamit ang simpleng drag-and-drop na feature na “blocks,” makakabuo ang mga trader sa anumang antas ng karanasan ng mga custom na strategy na akma sa kanilang pangangailangan sa trading.
Panimula sa Deriv Bot
Ang Deriv Bot ay idinisenyo para madaling gamitin, na may intuitive na interface para ma-automate ng mga trader ang kanilang mga trading strategy nang hindi kailangan ng kasanayan sa programming.
Pag-access sa Deriv Bot
Para makapagsimula sa Deriv Bot:
- Mag-log in sa inyong account sa Trader's Hub ng Deriv.
- Piliin ang “Deriv Bot” mula sa mga available na opsyon para ma-access ang Bot Dashboard.
Pagpasok ninyo, makikita ninyo ang ilang opsyon para simulan ang inyong trading journey.
Mga Feature ng Deriv Bot Dashboard
Sa pagpasok sa Deriv Bot Dashboard, makikita ninyo ang apat na pangunahing opsyon:
- Load Existing Strategies: Mag-import ng mga strategy mula sa “My Computer” o “Google Drive.”
- Quick Strategy: Ito ang pinakamabilis na paraan para mapatakbo ang isang trading bot gamit ang mga paunang natukoy na template ng strategy.
- Bot Builder: Para sa mga advanced na user, nagbibigay-daan ito na gumawa ng mga custom na strategy mula sa simula.
Quick Strategy
Hinahati ng feature na Quick Strategy ang bawat trading bot sa dalawang pangunahing bahagi:
- Strategy Template: Dito natutukoy kung paano isasaayos ng inyong bot ang halaga ng trade pagkatapos ng bawat trade batay sa kita.
- Kabilang sa mga halimbawa ng Strategy Template ang:
- Martingale: Dinodoble ang halaga ng trade pagkatapos ng pagkalugi upang mabawi ang nawala.
- D'Alembert: Inaayos ang halaga ng trade ayon sa itinakdang unit; dinaragdagan ito pagkatapos ng pagkalugi at binabawasan pagkatapos ng kumikitang trade.
- Oscar's Grind: Nakatuon sa pagkamit ng maliliit at tuloy-tuloy na kita.
- Reverse Martingale: Dinaragdagan ang halaga ng trade pagkatapos ng kumikitang trade at binabawasan pagkatapos ng pagkalugi upang masulit ang magkakasunod na kumikitang trade.
- 1-3-2-6: Sumusunod sa nakatakdang pattern ng halaga ng trade pagkatapos ng magkakasunod na kumikitang trade.
- Martingale: Dinodoble ang halaga ng trade pagkatapos ng pagkalugi upang mabawi ang nawala.
- Kabilang sa mga halimbawa ng Strategy Template ang:
- Trade Parameters: Tinutukoy ng mga parameter na ito ang asset na ita-trade, uri ng trade, mga kondisyon sa pagbili, panimulang halaga ng trade, tagal, profit threshold, at loss threshold.
Pagse-set Up ng Inyong Strategy
Pagkatapos piliin ang inyong strategy template at punan ang mga kinakailangang trade parameter, i-click lang ang “Run” para i-launch ang inyong bot. Siguraduhing mag-practice muna ng anumang strategy sa demo account para mapahusay ang inyong diskarte at mapalakas ang inyong kumpiyansa.
Paggamit ng Bot Builder
Para sa mga gustong i-customize pa nang mas malalim ang kanilang mga strategy, nag-aalok ang Bot Builder ng mga advanced na feature:
- Workspace (Canvas): Dito ninyo ida-drag at ido-drop ang mga block para gumawa ng mga partikular na function para sa inyong bot.
- Blocks Menu: Nakapangkat ito sa mga trade parameter, kondisyon sa pagbili, kondisyon sa pagbebenta, at kondisyon sa muling pagsisimula ng trading. May mga partikular na tagubilin ang bawat block na gumagabay sa pagpapatakbo ng bot.
Mga Halimbawa ng Function ng Block
- Trade Parameters: Tinutukoy kung anong merkado ang ita-trade, mga uri ng contract, at mga halaga ng trade.
- Purchase Conditions: Itinatakda kung kailan dapat pumasok ang bot sa mga trade batay sa inyong pamantayan.
- Sell Conditions: Nagtatakda kung paano dapat kumilos ang bot habang aktibo ang trade.
- Restart Trading Conditions: Itinatakda kung ano ang mangyayari pagkatapos matapos ang isang contract bago magsimula ng panibago.
Konklusyon
Sa Deriv Bot, may makapangyarihan kayong tool na madaling magamit para gumawa ng mga automated trading strategy na akma sa inyong istilo at kagustuhan sa trading. Sa paggamit ng Quick Strategy at Bot Builder, makakabuo kayo ng sistematikong paraan ng pag-trade sa platform ng Deriv.
Tandaang mag-practice nang mabuti sa demo account para maunawaan ninyo ang mga detalye ng mga strategy na inyong napili bago lumipat sa live trading. Sa susunod na aralin, tatalakayin natin ang pagsasagawa ng mga trading strategy sa mga synthetic na alok ng Deriv gamit ang mga option. Salamat sa pagsama sa araling ito, at happy trading!
Quiz
Ano ang pangunahing bentahe ng paggamit ng Deriv Bot?
Ano ang kasama sa Martingale strategy?
Aling feature ang nagbibigay-daan sa advanced na pag-customize ng mga trading strategy sa Deriv Bot?


