Pangkalahatang-ideya ng mga derivative
Pag-unawa sa mga derivative: Isang pangkalahatang-ideya
Sa larangan ng pananalapi at trading, at sa mga beginner course, mahalaga ang papel ng mga derivative bilang mahahalagang instrumentong pinansyal sa mga estratehiya sa trading. Ipapaliwanag ng araling ito ang kahulugan ng mga derivative at kung paano gumagana ang mga ito, at tatalakayin ang kanilang mga bentahe upang maunawaan ninyo ang masalimuot na mga kontratang ito nang hindi pumapasok sa mga partikular na uri ng trading.
Ano ang mga derivative?
Ang mga derivative ay mga leveraged na kontrata sa pananalapi na ang halaga ay nakabatay sa performance ng isang underlying asset, grupo ng mga asset, o benchmark. Maaaring kabilang sa mga underlying asset ang malawak na hanay ng mga instrumento, gaya ng mga pares ng foreign exchange, mga stock, bond, mga commodity, interest rate, mga market index, o mga cryptocurrency. Nagbabago ang halaga ng derivative bilang tugon sa pagbabago ng presyo ng underlying asset, kaya nagagamit ng mga trader ang galaw ng merkado nang hindi direktang nagmamay-ari ng mga asset.
Batay sa depinisyon, ikinakategorya ang mga derivative ayon sa ugnayan nila sa kanilang mga underlying asset. Dahil nagmumula sa mga asset na ito ang kanilang halaga, nagiging flexible na kasangkapan ang mga derivative para sa mga trader na naghahanap ng iba't ibang estratehiya sa pamamahala ng panganib o sa pag-speculate sa merkado.
Mga bentahe ng pag-trade ng mga derivative
Naaakit ang mga trader sa mga derivative dahil sa ilang makabuluhang dahilan:
- Leverage: Kadalasang nagagawa ng mga trader na humawak ng mas malalaking posisyon gamit ang mas maliit na kapital dahil sa mga derivative. Maaaring palakihin ng leverage na ito ang potensyal na kita, kaya kaakit-akit ito sa aspetong pinansyal. At bagama't sa trading ng mga CFD ay maaari ring palakihin ng leverage ang potensyal na pagkalugi, sa options trading ay mahigpit na limitado sa paunang halaga ng trade ang pagkalugi ng isang trader.
- Hedging: Gumagamit ang maraming trader ng mga derivative bilang estratehiya sa pamamahala ng panganib, na nagbibigay-daan sa kanilang pantayan ang posibleng pagkalugi sa iba pang mga asset. Halimbawa, maaaring gumamit ang trader ng derivative upang i-lock in ang mga presyo, na nagbibigay ng proteksyong pinansyal laban sa mga hindi paborableng galaw.
- Mas mababang kapital na kailangan: Karaniwang mas kaunting kapital ang kailangan sa pag-trade ng mga derivative kumpara sa direktang pagbili ng mga underlying asset, kaya mas madali para sa mga trader na i-diversify ang kanilang portfolio.
- Diversification: Nagbibigay-daan ang mga derivative sa mga trader na magkaroon ng exposure sa malawak na hanay ng mga underlying asset, gaya ng mga commodity, mga stock index, o mga foreign currency, kadalasan nang hindi nangangailangan ng malaking kapital. Makatutulong ang diversification na ito upang mabawasan ang mga panganib.
- Access sa mga pandaigdigang merkado: Nagbibigay-daan ang mga derivative sa mga trader na makilahok sa iba't ibang pandaigdigang merkado nang hindi kailangang magmay-ari ng pisikal na asset. Dahil sa accessibility na ito, mas dumarami ang oportunidad sa trading sa iba't ibang asset class.
- Mga oportunidad sa speculation: Maaaring gumamit ang mga trader ng derivative upang mag-speculate sa galaw ng presyo ng mga underlying asset. Nagbubukas ito ng posibilidad na kumita nang malaki kapag tama ang hula sa galaw ng merkado, kadalasan sa maliit na paunang kapital.
- Market Efficiency: Makatutulong ang mga derivative sa market efficiency sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity at price discovery. Naipapakita nila ang inaasahang presyo sa hinaharap batay sa kasalukuyang impormasyon, na makatutulong sa mga trader na magdesisyon nang may sapat na kaalaman.
Konklusyon: Ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga derivative
Mahalaga sa sinumang trader na nais mag-navigate nang epektibo sa mga pinansyal na merkado ang pag-unawa sa mga derivative. Kapag naunawaan ninyo ang kanilang mga pangunahing prinsipyo, mekanismo, at bentahe, makagagawa kayo ng mga desisyon sa trading nang may sapat na kaalaman at magagamit ninyo ang mga ito bilang bahagi ng inyong pangkalahatang estratehiya sa trading. Habang sumusulong kayo sa inyong edukasyon sa pananalapi, ipagpatuloy ang pag-explore kung paano gumagana ang mga derivative at kung paano ang mga ito umaangkop sa inyong mga layunin sa trading.
Quiz
Ano ang derivative?
Alin sa mga sumusunod na salik ang nakadaragdag sa dating ng pag-trade ng mga derivative?
Alin ang isa sa mga pangunahing bentahe ng pag-trade ng mga option kumpara sa direktang pagmamay-ari ng asset?


