Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
3
Mga Derivative | Baguhan

Mga iniaalok na trade type ng Deriv

Tagal
6
minuto


Sa araling ito, tatalakayin natin ang iba't ibang uri ng options trade para sa pag-trade ng mga derivative. Makakatulong ang pag-unawa sa natatanging katangian ng bawat isa sa mga option na ito upang mapili ninyo ang tamang mga tool para sa inyong mga trading strategy. Simulan na natin!
‍

Mga Uri ng Options Trade na Iniaalok ng Deriv

Nag-aalok ang Deriv ng iba't ibang uri ng derivative trade na karaniwang tinatawag na options, na bawat isa ay idinisenyo para sa iba't ibang paraan at kagustuhan sa trading:
‍

1. Accumulators

Ang Accumulators ay mga option na nagbibigay-daan para mag-compound ang inyong kita kapag nananatili ang underlying index sa loob ng itinakdang range. Ibig sabihin, hindi lang basta nadaragdagan ang mga tubo; nagpapatong ang mga ito sa mga naunang tubo, kaya posibleng mas malaki ang kabuuang kita. Lalo itong kapaki-pakinabang sa mga trader na umaasang tuloy-tuloy ang galaw ng merkado at nais samantalahin ang mga trend na iyon sa paglipas ng panahon.
‍

2. Vanillas

Ang Vanilla options ay mga simpleng kontrata na may dalawang uri: call option at put option. Proporsyonal ang inyong kita sa layo ng pagtaas o pagbaba ng halaga ng index mula sa inyong entry point. Klasikong pagpipilian ang mga option na ito para sa mga trader na mas gusto ang tuwirang paraan ng pag-trade, dahil nag-aalok ang mga ito ng transparency at pagiging simple sa istruktura ng payout.
‍

3. Turbos

Gumagana ang Turbos nang katulad ng vanilla options, ngunit may natatanging “knockout” feature na nagdaragdag ng pagiging komplikado sa inyong trading. Kapag umabot ang index sa itinakdang level, mag-e-expire ang kontrata, na nagdadagdag ng karagdagang antas ng panganib at kita. Dahil dito, posibleng makinabang ang mga trader sa biglaang galaw ng merkado habang napamamahalaan ang kanilang exposure sa panganib.
‍

4. Multipliers

Pinagsasama ng Multipliers ang bentahe ng leverage at limitadong panganib. Kapag pabor ang galaw ng merkado, dumarami ang inyong tubo, na lumilikha ng pagkakataon para sa malaking kita. Gayunpaman, kapag kabaligtaran ang galaw ng merkado, limitado ang inyong pagkalugi sa paunang halaga ng trade—ibig sabihin, ang halagang ibinayad lang ninyo para pumasok sa kontrata ang nasa panganib. Dahil dito, kaakit-akit na option ang Multipliers para sa mga trader na maingat sa panganib ngunit naghahangad ng mataas na potensyal na kita.
‍

5. Digital Options

Pinapayagan kayo ng Digital options na manghula ng resulta batay sa dalawang posibleng kalalabasan. Kung tama ang inyong hula, makakatanggap kayo ng fixed na payout. Kung mali, limitado ang inyong pagkalugi sa paunang halaga ng trade, kaya malinaw ang risk profile na may tiyak na hangganan at walang nakatagong sorpresa.
‍

Paghahambing ng Options sa mga CFD

Ngayon, ihambing natin ang options sa Contracts for Difference (CFDs) na available sa Deriv:

  • Leverage: Parehong may leverage ang options at mga CFD, na nagpapataas ng potensyal na kita. Gayunpaman, kailangan ng Stop Loss ang mga CFD upang limitahan ang pagkalugi, samantalang awtomatikong nililimitahan ng options ang pinakamalaki ninyong pagkalugi sa paunang halaga ng trade.
    ‍
  • Kita: Nagbibigay ang mga CFD ng linear na kita batay sa galaw ng presyo, samantalang ang options ay maaaring magbigay ng nonlinear na payout. Halimbawa, nag-aalok ang digital options ng malinaw na resulta sa simula pa lang, habang lumalabas lang ang aktuwal na resulta ng vanilla options kapag nag-expire na ang kontrata.
    ‍
  • Tagal ng Pagiging Bukas: Maaaring manatiling bukas ang mga CFD hangga't may sapat kayong margin, kaya flexible kayong makapag-adjust ng estratehiya habang may nakabukas na trade. Sa kabilang banda, ang options ay may takdang tagal na kayo mismo ang nagtakda sa simula.
    ‍
  • Margin at Gastos: Halaga ng trade lang ang kailangan sa simula ng options, at walang patuloy na margin requirement. Maaaring magkaroon ng margin at overnight financing cost ang mga CFD, na nakakaapekto sa kabuuan ninyong gastos sa trading.
    ‍

Konklusyon

Sa madaling sabi, ang pag-unawa sa iba't ibang derivative instrument at trade type na available sa Deriv ay makapagbibigay sa inyo ng malaking bentahe sa inyong mga aktibidad sa trading. Ang Accumulators, Vanillas, Turbos, Multipliers, at Digital options ay may kanya-kanyang benepisyo na maaaring umayon sa iba't ibang trading strategy.

Habang pinapahusay ninyo ang inyong paraan ng trading, mahalagang piliin ang mga trade type na akma sa inyong risk tolerance at pananaw sa merkado. Sa susunod nating aralin, tatalakayin natin ang iba't ibang underlying asset na maaaring i-trade gamit ang options ng Deriv. Salamat sa pagsama sa araling ito, at happy trading!

Quiz

Para saan idinisenyo ang Accumulators?

Ano ang pangunahing katangian ng mga Turbo option?

Paano hinahawakan ng mga Digital option ang mga pagkalugi?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp