Pag-unawa sa mga derivative
Maligayang pagdating sa aming kursong pangsimula tungkol sa mga derivative! Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pangunahing konsepto ng mga derivative upang maunawaan ninyo ang kahalagahan ng mga ito sa makabagong financial market at kung paano sila maaaring maging makapangyarihang kasangkapan para sa mga trader.
Ano ang mga derivative?
Ang mga derivative ay mga financial contract na ang halaga ay direktang nagmumula sa performance ng isang underlying asset, isang grupo ng mga asset, o isang benchmark. Maaaring magkakaiba nang malaki ang mga underlying asset, at kabilang dito ang:
- Mga forex pair: Mga currency pair na tine-trade sa forex market.
- Mga stock: Mga share ng mga kumpanyang pampublikong ino-trade.
- Mga bond: Mga debt security na inilalabas ng mga pamahalaan o korporasyon.
- Mga commodity: Mga pisikal na produkto tulad ng langis, ginto, o mga produktong pang-agrikultura.
- Mga interest rate: Mga benchmark na nakaaapekto sa halaga ng pangungutang.
- Mga market index: Mga indicator na sumasalamin sa performance ng isang grupo ng mga asset, tulad ng S&P 500.
- Mga cryptocurrency: Mga digital asset na nakabatay sa teknolohiyang blockchain.
Nagbabago ang halaga ng isang derivative batay sa pagbabago ng halaga ng underlying asset nito sa loob ng tinukoy na takdang panahon.
Bakit mag-trade ng mga derivative?
Maaaring itanong ninyo kung bakit pinipili ng mga trader ang mga derivative sa halip na direktang i-trade ang mga underlying asset. Maraming pangunahing salik ang nag-aambag sa dating ng mga derivative:
- Standardisasyon:
- Madalas na ibinebenta ang mga derivative sa mga standardisadong kontrata na may malinaw na termino at kondisyon. Binabawasan ng standardisasyong ito ang kawalang-katiyakan at nagbibigay-daan ito sa mga trader na maunawaan ang kanilang mga posisyon bago mag-commit, na nagpapahusay sa liquidity at nagpapadali sa trading.
- Flexibility:
- Nag-aalok ang mga derivative ng mga opsyon sa pag-customize na tumutugma sa mga layunin, tolerance sa panganib, at nais na takdang panahon ng isang trader. Dahil sa flexibility na ito, nagagamit ang mga ito sa iba't ibang estratehiya sa trading.
- Hedging:
- Isa sa mga pangunahing gamit ng mga derivative ang pag-hedge ng mga kasalukuyang posisyon. Ang hedging ay isang estratehiya sa pamamahala ng panganib na idinisenyo upang mabawi ang posibleng pagkalugi sa isang posisyon sa pamamagitan ng pagkuha ng kabaligtarang posisyon sa kaugnay na asset. Halimbawa, maaaring gumamit ang isang magsasaka ng futures contract upang maitakda ang presyo ng pagbebenta ng kanyang ani bago ang anihan, bilang proteksyon laban sa posibleng pagbaba ng presyo sa merkado.
- Speculation:
- Ginagamit din ng mga trader ang mga derivative upang mag-speculate sa magiging galaw ng presyo ng mga underlying asset nang hindi pagmamay-ari ang mga asset na iyon. Kaakit-akit ang paraang ito dahil karaniwang mas maliit na kapital ang kailangan kaysa sa direktang pagbili ng underlying asset, habang nag-aalok pa rin ng malaking potensyal na kita kung tumpak ang mga hula.
- Leverage:
- Pinapayagan ng mga derivative ang pag-trade nang may leverage, kaya makokontrol ng mga trader ang malalaking posisyon gamit ang medyo maliit na kapital. Bagama't maaari nitong palakihin ang posibleng kita, pinalalaki rin nito ang panganib ng malaking pagkalugi. Pinapadali ng leverage ang diversification, na nagbibigay ng exposure sa mas malawak na hanay ng mga asset—tulad ng mga stock, index, commodity, at currency—na kadalasang mas mababa ang gastos kaysa sa direktang pagbili.
Konklusyon
Sa kabuuan, ang mga derivative ay mga sopistikadong financial instrument na may mahalagang papel sa makabagong merkado. Nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon para sa hedging, speculation, at mas mahusay na paggamit ng kapital, kaya naaakit nila ang iba't ibang uri ng kalahok sa merkado. Gayunpaman, dahil sa pagiging masalimuot ng mga ito at sa posibilidad ng malalaking panganib, mahalaga ang maingat na pamamaraan at masusing edukasyon sa pag-trade ng mga derivative.
Mahalagang pundasyon ng inyong edukasyon sa trading ang pag-unawa kung paano gumagana ang mga derivative. Habang sumusulong kayo sa kursong ito, mahahasa ninyo ang kaalaman at kasanayang kailangan upang epektibong makapag-navigate sa mundo ng mga derivative.
Quiz
Ano ang pangunahing kahulugan ng derivative?
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang gamit ng mga derivative?
Anong bentahe ang naibibigay ng leverage kapag nagte-trade ng mga derivative?


