
Ang copy trading sa Deriv Nakala mga batayan ng copy trading ay nag-aalok ng flexible na paraan upang makilahok sa mga financial market sa pamamagitan ng pagkopya sa mga estratehiya ng mga bihasang trader—na tinatawag na mga strategy provider. Gayunpaman, tulad ng anumang uri ng trading, nakasalalay ang tagumpay sa matatalinong desisyon at epektibong pamamahala ng panganib pamamahala ng panganib. Malaki ang magagawa ng pagpili ng tamang strategy provider, pagsusuri sa performance nito, at paggamit ng mga built-in na feature ng Deriv sa pamamahala ng panganib. Gagabayan kayo ng gabay na ito sa lahat ng dapat ninyong malaman upang maghanda para sa mas ligtas at mas matagumpay na karanasan sa copy trading.
Pag-unawa sa mga metric ng strategy provider
Bago kopyahin ang mga trade, mahalagang suriin ang track record at paraan ng pag-trade ng bawat provider. Sa Deriv Nakala, makikita ninyo ang kumpletong mga metric na idinisenyo para tulungan ang mga user na gumawa ng matalinong desisyon:
- Kasaysayan ng return: Tingnan kung paano nagbago ang mga return ng provider sa paglipas ng panahon. Madalas na positibong indikasyon ang pare-pareho at tuloy-tuloy na mga return.
- Realised return: Ipinapakita ang porsiyento ng kita o pagkalugi mula sa mga trade na naisara na. Sumasalamin ito sa aktuwal at naitalang performance, hindi sa mga bukas na posisyon.
- Live return: Ang kasalukuyang antas ng return, kasama ang mga bukas at saradong trade—kapaki-pakinabang para sa real-time na pagtatasa.
- Unrealised P/L: Nagsasaad ng kita o pagkalugi mula sa mga trade na bukas pa at hindi pa naisasara. Nagdaragdag ng panganib ang mataas na unrealised P/L kung pabago-bago ang mga posisyon.
- Realised P/L: Ang kabuuang kita o pagkalugi na naitala na ng provider mula sa mga saradong trade. Mahalagang sukatan ito ng tunay na tagumpay.
- Equity: Ang real-time na halaga ng account ng provider, na isinasaalang-alang ang balanse at floating P/L. Maaaring senyales ng mas mataas na panganib ang pagbaba ng equity.
- Balanse: Ang natitirang halaga sa account ng provider mula sa mga saradong trade lamang. Nakakatulong ang paghahambing ng balanse at equity upang makita ang panganib ng mga bukas na posisyon.
- Leverage max drawdown: Ipinapakita ang pinakamalaking pagbaba ng equity ng account sa kasaysayan bilang porsiyento, na sumasalamin sa panganib at sa paggamit ng leverage.
- Mga trade: Ang kabuuang bilang ng mga trade na ginawa, na nagbibigay ng ideya sa dalas at istilo ng pag-trade ng provider.


Sa pag-unawa at paghahambing ng mga metric na ito, mas makakapili kayo ng provider na tugma sa nais ninyong antas ng panganib at mga layunin sa trading.
Pagsusuri sa istilo ng trading ng isang strategy provider
May sariling paraan ng pag-trade ang bawat strategy provider. Narito ang mga pangunahing dapat isaalang-alang:
- Pangmatagalan vs. panandalian: Nakatuon ang ilang provider sa maraming trade kada araw (scalping o day trading), habang mas gusto naman ng iba na hawakan ang mga trade nang ilang linggo o buwan.
- Risk-seeking vs. konserbatibo: Maaaring maghangad ng mas mataas na return ang mga agresibong provider, ngunit karaniwang may mas malaking panganib, habang binibigyang-diin naman ng mga konserbatibong provider ang pagpepreserba ng kapital.
- Tugma sa inyong mga layunin: Tugma ba ang estratehiya ng provider sa inyong risk appetite, laki ng trade, at mga layuning pinansyal? Tandaan, ang epektibo sa isang user ay maaaring hindi bagay sa iba.
Pagtatasa ng panganib at diversification sa copy trading
Pundasyon ng epektibong copy trading ang pamamahala ng panganib. Kahit hindi kayo mismo ang manu-manong naglalagay ng mga trade, may mga hakbang kayong magagawa upang pamahalaan ang mga panganib na kaugnay ng trading. Ilan sa mga pinakamahusay na gawi ay ang mga sumusunod:
- Ipamahagi ang pondo sa maraming provider: Binabawasan ng diversification ang posibleng epekto ng mahinang performance ng iisang provider.
- Magtakda ng copy limit at Stop Loss: Maaari ninyong tukuyin sa Deriv Nakala kung magkano ang handa ninyong i-trade sa bawat provider. Maaari kayong pumili ng fixed na laki ng trade, sundin ang laki ng master, o ipaayon ang inyong mga trade sa proporsiyon ng inyong equity. Maaari rin kayong magtakda ng soft at hard drawdown limit upang pigilan ang inyong account sa pagkopya ng mga bagong trade (soft drawdown limit) o isara ang lahat ng posisyon (hard drawdown limit) para mabawasan ang panganib.
- Bantayan ang kilos ng provider: Maaaring senyales ng tumataas na panganib ang biglaang pagbabago—gaya ng malalaking drawdown o mga trade na mataas ang leverage.
- Regular na pagsusuri ng performance: Maglaan ng oras upang suriin ang inyong mga resulta at ayusin ang inyong exposure kung kinakailangan.
Pinakamahusay na gawi para sa mga bagong copy trader
- Magsimula sa maliit, magpalaki nang unti-unti: Magsimula sa katamtamang halaga at dagdagan lamang ang exposure kapag kumportable na kayo sa performance ng provider.
- Patuloy na pag-aaral: Nagbabago ang mga merkado—manatiling updated at regular na pagbutihin ang inyong approach.
- Manatiling aktibo: Kahit may mga tool sa pamamahala ng panganib, walang estratehiyang puwedeng iwanan na lang; nananatiling mahalaga ang aktibong pagbabantay.
Mahahalagang hakbang tungo sa matagumpay na copy trading journey ang pagpili ng tamang strategy provider at epektibong pamamahala ng inyong mga panganib sa Deriv Nakala. Sa paglalaan ng oras upang suriin ang mga metric ng provider, tasahin ang mga istilo ng trading, at gamitin ang mga feature ng platform sa pamamahala ng panganib, makapaghahanda kayo para sa mas ligtas at mas kapaki-pakinabang na karanasan. Tandaan, nakakamit ang tuloy-tuloy na tagumpay sa copy trading sa pamamagitan ng pagiging maalam, matalinong diversification, at regular na pagrepaso sa inyong mga estratehiya. Sa maingat na pagpaplano at patuloy na pagbabantay, magagamit ninyo nang husto ang mga oportunidad na iniaalok ng Deriv Nakala.
Quiz
Ano ang isang mahalagang hakbang sa pagpili ng strategy provider sa Deriv Nakala?


