Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Paano hinuhubog ng mga desisyon sa interest rate ang trading

4
min na pagbabasa
3D na simbolo ng porsyento na may pataas na arrow, na kumakatawan sa epekto ng mga pagbabago sa interest rate sa mga merkado ng pananalapi.

Malaki ang papel ng interest rate sa mundo ng pananalapi, at naiimpluwensyahan nito ang lahat mula sa mga loan hanggang sa presyo ng mga stock. Pero paano nga ba ito nakaaapekto sa trading? Ipaliwanag natin ito sa simpleng paraan at alamin kung paano ninyo magagamit ang mga desisyon sa interest rate sa inyong kalamangan.


Ano ang interest rate sa trading?

Ang interest rate ay ang halaga ng paghiram ng pera o ang gantimpala sa pag-iipon at pagpapautang. Itinatakda ito ng mga central bank gaya ng Federal Reserve, at nakaaapekto ito sa lahat mula sa mga mortgage hanggang sa mga credit card. Sa trading, naiimpluwensyahan nito kung gaano karaming pera ang handang hiramin ng mga trader at kung saan nila ilalagay ang kanilang pera.


Bakit mahalaga sa mga trader ang interest rate?

Hindi lang basta numero ang interest rate; ito ang nagtutulak sa malalaking desisyong pampinansyal. Kapag mababa ang rate, mas mura ang paghiram, kaya mas maraming namumuhunan. Kapag tumaas ang rate, mas nagiging mahal ang paghiram, na kadalasang nagpapabagal sa paggastos at pamumuhunan. Mahigpit na binabantayan ng mga trader ang mga desisyon sa rate dahil madalas itong magdulot ng matitinding galaw sa merkado, sa halaga ng currency, at maging sa mga commodity gaya ng ginto at langis.


Paano nakaaapekto ang interest rate sa trading?

Salik Epekto ng Mababang Interest Rate Epekto ng Mataas na Interest Rate
Gastos sa Paghiram Mas mura ang paghiram ng mga trader, kaya dumarami ang pamumuhunan Mas nagiging mahal ang paghiram, kaya bumababa ang pagtanggap ng panganib
Merkado ng mga Stock Mas nagiging kaakit-akit ang mga stock dahil mas mura ang paghiram Inililipat ng mga trader ang kanilang pera sa mas ligtas na asset gaya ng mga bond
Merkado ng Forex Humihina ang currency kapag mababa ang interest rate Naaakit ang mga trader sa mas mataas na rate, kaya lumalakas ang currency
Merkado ng Bond Bumababa ang halaga ng mga kasalukuyang bond na mas mababa ang rate Mas nagiging kaakit-akit ang mga bagong bond na mas mataas ang rate
Mga commodity Tumataas ang presyo ng ginto at langis habang naghahanap ang mga trader ng alternatibong asset Maaaring maging mas hindi kaakit-akit ang mga commodity dahil sa mas malalakas na currency


Tingnan natin ang ilang pangunahing larangan ng trading na naaapektuhan ng interest rate:


1. Mga galaw sa merkado ng mga stock

Mas nagiging mura ang paghiram kapag mababa ang interest rate, kaya nakapagpapalawak ng negosyo ang mga kumpanya at tumataas ang presyo ng mga stock. Sa kabilang banda, maaaring bumagal ang paglago at maging mas hindi kaakit-akit ang mga stock kumpara sa mga bond kapag mataas ang rate.


2. Forex trading at lakas ng currency

Madalas na naaakit ang mga dayuhang trader sa mas mataas na interest rate, kaya lumalakas ang currency. Binabantayan ng mga trader ang mga desisyon sa interest rate upang mahulaan ang mga paggalaw ng currency at makapag-trade ng forex nang may sapat na kaalaman.


3. Mga pagbabago sa merkado ng bond

Kapag tumaas ang interest rate, mas mataas ang kita ng mga bagong bond, kaya bumababa ang halaga ng mga mas lumang bond na mas mababa ang kita. Inaayos ng mga trader sa merkado ng bond ang kanilang mga estratehiya batay sa mga pagbabagong ito.


4. Ginto at mga commodity

Ang ginto, na madalas ituring na safe-haven asset, ay kadalasang nagniningning kapag mababa ang interest rate dahil hindi ito nagbibigay ng interes gaya ng bond. Pero kapag tumaas ang rate, maaaring mabawasan ang dating nito dahil lumilipat ang mga trader sa mga asset na mas mataas ang kita.


5. Mga option at derivative

Naaapektuhan ng interest rate ang presyo ng mga option at futures. Kapag tumaas ang rate, maaaring lumaki ang gastos sa pagpapanatili ng mga posisyon, na nakaaapekto sa kabuuang kita.

‍

Quiz

Ano ang nangyayari sa mga presyo ng stock kapag tumataas ang interest rate?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp