Lumaktaw papunta sa pangunahing content

Pag-unawa sa mga forex swap: Kumikita habang natutulog?

5
min na pagbabasa
Pabilog na 24-oras na gauge na hinati sa pula at asul na zone, na kumakatawan sa konsepto ng mga forex swap na nakabatay sa oras sa trading.

Natutuhan na ninyo ang mga pangunahing kaalaman sa forex trading, pero narito ang tanong: ano ang mangyayari kapag iniwan ninyong bukas ang isang trade nang magdamag? Tuloy-tuloy ang trading sa forex market sa buong araw at gabi, kahit hindi kayo nagte-trade.

Dito pumapasok ang mga swap.

‍

Ano ang mga swap?

Isipin ang mga swap bilang bersyon ng forex world ng mga bayad sa interes. Kapag nagte-trade kayo ng mga currency pair, humihiram kayo ng isang currency para bumili ng isa pa. At tulad ng anumang pautang, may kaakibat itong interes. Depende sa inyong trade, maaaring madagdagan ng mga swap ang inyong kita o unti-unti itong bawasan sa magdamag.

‍

Kumikita vs nagbabayad ng swap

Nakadepende sa ilang pangunahing salik kung kumikita o nagbabayad kayo ng interes (swap):

  • Mga interest rate: May interest rate ang bawat currency na itinakda ng sentral na bangko ng bansa nito. Habang lumalaki ang pagkakaiba, mas malaki ang epekto nito sa mga swap.
    ‍
  • Ang inyong posisyon: Kung bibili kayo ng currency na may mas mataas na interest rate kaysa sa ibinebenta ninyo, maaari kayong kumita ng interes. Pero kung nasa maling panig kayo ng pagkakaiba ng rate, maaaring magbayad kayo ng interes.
    ‍

Halimbawa: Paano gumagana ang mga swap sa EUR/USD

Isipin na nagte-trade kayo ng Euro (EUR) laban sa US Dollar (USD):

  • Senaryo 1: Mas mataas ang interest rate ng Euro
    • Buy EUR/USD: Humihiram kayo ng USD (mababang interes) para bumili ng EUR (mataas na interes). Maaari kayong kumita ng interes sa magdamag.
    • Sell EUR/USD: Humihiram kayo ng EUR (mataas na interes) at hawak ninyo ang USD (mababang interes). Malamang na magbabayad kayo ng interes.

‍

  • Senaryo 2: Mas mataas ang interest rate ng US Dollar
    • Buy EUR/USD: Humihiram kayo ng USD na mataas ang interes para bumili ng EUR na mababa ang interes. Malamang na magbabayad kayo ng interes.
    • Sell EUR/USD: Humihiram kayo ng euro (mababang interes) at hawak ninyo ang dolyar (mataas na interes). Maaari kayong kumita ng interes sa magdamag.

      ‍

Magkano ang singil sa swap?

Hindi malaki ang swap fee o kita sa bawat trade, pero maaari itong lumaki sa paglipas ng panahon. Nakadepende ang eksaktong halaga sa:

  • Pagkakaiba ng interest rate ng dalawang currency.
    ‍
  • Laki ng inyong trade (mas malaking swap ang dulot ng mas malalaking trade).

Gaano katagal ninyong hawak ang inyong posisyon (kapag mas matagal ang paghawak, mas malaki ang epekto ng mga swap).
‍

Mga matalinong estratehiya sa swap

Gusto ba ninyong gawing kapaki-pakinabang ang mga swap sa halip na maging pabigat? Narito kung paano:

  • Piliing mabuti ang inyong mga currency pair. Piliin ang mga pair na pabor sa inyo ang pagkakaiba ng interest rate.
    ‍
  • Manatiling updated sa mga patakaran ng sentral na bangko. Nagbabago ang mga interest rate, kaya subaybayan ang balitang maaaring makaapekto sa mga swap.
    ‍
  • Isaalang-alang ang carry trade strategy. May mga trader na sadyang pumipili ng mga trade para kumita mula sa mga swap sa paglipas ng panahon.

Karaniwang bahagi ng forex trading ang mga swap. Pero kung nauunawaan ninyo ang mga ito, magagamit ninyo ang mga ito para sa inyong kapakinabangan. Sa tamang estratehiya, makatutulong ang mga swap na magkaroon ng kita sa magdamag.

Gusto pang matuto? Bisitahin ang Deriv Academy para sa malalalim na forex course, o subukan ang inyong mga estratehiya sa demo account bago mag-trade nang live.

Quiz

Aling senaryo ang maaaring magbigay sa inyo ng interes magdamag?

Mga FAQ

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp