Magsimulang mag-trade gamit ang Deriv MT5: Market Watch
Maligayang pagbabalik sa aming kurso tungkol sa Deriv MT5! Sa araling ito, tatalakayin natin ang Market Watch, isang mahalagang feature na tutulong sa inyo na epektibong mag-navigate sa mga merkado ng forex at trading. Kapag naunawaan ninyo kung paano gamitin ang Market Watch, mas magiging mahusay kayo sa pagsubaybay sa mga paggalaw ng presyo at sa paggawa ng matalinong desisyon sa trading.
Ano ang Market Watch?
Ang Market Watch ay ang lugar kung saan makikita ninyo ang mga live quote ng lahat ng instrumentong available para i-trade sa Deriv MT5 Deriv MT5 platform, kabilang ang mga currency, mga stock, mga commodity trading instrument, at iba pa. Isipin ito bilang inyong personalized na watchlist, na nagbibigay-daan sa inyong madaling masubaybayan ang lahat ng interesado kayong i-trade mula sa iisang maginhawang lugar.
Mga Pangunahing Feature ng Market Watch
- Symbols Tab: Ito ang unang makikita ninyo kapag binuksan ninyo ang Market Watch. Ipinapakita nito ang listahan ng lahat ng available na trading instrument. Para i-customize ang listahang ito, mag-right-click sa loob ng Symbols tab at piliin ang “Symbols” upang buksan ang symbols window. Mula roon, pumunta sa “Specifications” para mag-browse, magdagdag, o mag-alis ng mga instrument sa inyong watchlist. Mapapanatili ninyong angkop ang inyong watchlist sa pamamagitan ng pagpili sa “Show Symbol” para sa mga instrument na gusto ninyong idagdag o sa “Hide Symbol” para sa mga gusto ninyong alisin.
- Bars at Ticks: Sa loob ng Market Watch, maaari kayong lumipat sa pagitan ng mga view na “Bars” at “Ticks”:
- Bars: Ipinapakita ng view na ito ang mga paggalaw ng presyo bilang mga bar sa napiling time frame (hal., 1 minuto, kada oras, araw-araw). Sa pagsusuri sa opening, pinakamataas, pinakamababa, at closing na presyo sa bawat bar, makakakuha kayo ng mga insight tungkol sa mga trend ng merkado, volatility, at mahahalagang antas ng support at resistance.
- Ticks: Ipinapakita ng feature na ito ang bawat pagbabago ng presyo ayon sa napili ninyong time frame, kaya masusubaybayan ninyo ang pagbabago-bago ng presyo kada minuto.
- Bars: Ipinapakita ng view na ito ang mga paggalaw ng presyo bilang mga bar sa napiling time frame (hal., 1 minuto, kada oras, araw-araw). Sa pagsusuri sa opening, pinakamataas, pinakamababa, at closing na presyo sa bawat bar, makakakuha kayo ng mga insight tungkol sa mga trend ng merkado, volatility, at mahahalagang antas ng support at resistance.
- Pagdaragdag ng mga Instrument: Para mabilis na maidagdag sa inyong watchlist ang lahat ng available na instrument, mag-right-click sa loob ng Symbols tab at piliin ang opsyong “Show All”. Sa ganitong paraan, madali ninyong masusubaybayan ang lahat ng instrument.
- Pag-customize ng mga Column: Maaari ninyong ayusin ang inyong watchlist para magpakita ng karagdagang detalye kasabay ng mga presyo. Halimbawa, kung gusto ninyong makita ang mga spread kasama ng mga presyo, mag-right-click saanman sa Symbols tab, i-hover ang cursor sa “Columns,” at piliin ang “Spread.” Sa customization na ito, makikita ninyo ang impormasyong pinakaangkop sa inyong trading strategy.
- Details Tab: Nagbibigay ang Details tab ng komprehensibong impormasyon tungkol sa napiling instrument, kabilang ang mahahalagang datos tulad ng opening at closing na presyo, pinakamataas at pinakamababang presyo sa isang araw, at iba pang kaugnay na detalye sa trading, na nakatutulong sa inyong pagsusuri at proseso ng pagdedesisyon.
- Trading Tab: Pinapadali ng tab na ito ang pagbubukas ng mga posisyon. Maaari ninyong ilagay ang nais na laki ng trade at piliin ang direksyong gusto ninyong i-trade. Ibinibigay nito ang lahat ng kinakailangang impormasyon para maisagawa nang mahusay ang inyong mga trade.
- Ticks Tab: Ipinapakita ng seksyong ito ang real-time na tick data ng napiling instrument, kasama ang mga presyo ng Bid at Ask sa bawat tick. Partikular itong kapaki-pakinabang para sa mga trader na gumagamit ng scalping o iba pang panandaliang estratehiyang umaasa sa mabilis na paggalaw ng presyo.
- Symbol Specification: Para ma-access ang detalyadong specification ng bawat trading instrument, mag-right-click sa loob ng Symbols, Details, o Trading tab at piliin ang “Specification” mula sa context menu. Dito ninyo makikita ang impormasyon tungkol sa laki ng contract, halaga ng tick, mga swap rate, oras ng trading, at iba pang kaugnay na kondisyon.
Konklusyon
Ngayong pamilyar na kayo sa iba't ibang feature ng Market Watch at kung paano epektibong gamitin ang mga ito, subukang mag-log in sa inyong Deriv MT5 demo account para magsanay. I-customize ang inyong watchlist gamit ang mga instrument na pinakainteresado kayo, at maging pamilyar sa mga real-time na quote at mahahalagang impormasyon tungkol sa merkado.
Malaki ang maitutulong ng paggamit ng Market Watch sa inyong mga aktibidad sa trading, dahil makakagawa kayo ng matalinong desisyon batay sa komprehensibong datos ng merkado. Abangan ang iba pang aralin, at maligayang trading!
Quiz
Ano ang pangunahing tungkulin ng Market Watch feature sa Deriv MT5?
Paano ninyo maaaring i-customize ang mga instrumentong ipinapakita sa Symbols Tab?
Anong uri ng impormasyon ang makikita ninyo sa Details Tab?


