Mga estratehiya sa currency correlation
Sa araling ito, tatalakayin natin ang konsepto ng currency correlation at kung paano ito magagamit nang epektibo ng mga trader sa pagbuo ng matagumpay na estratehiya sa trading sa forex market. Kapag naunawaan ninyo ang correlation ng mga currency, makakagawa kayo ng mga desisyon sa trading na batay sa sapat na kaalaman, at mapapahusay nito ang inyong kabuuang estratehiya sa trading.
Pag-unawa sa Correlation
Sa trading, ang correlation ay tumutukoy sa ugnayan ng paggalaw ng dalawang asset.
Positive Correlation
- Depinisyon: Kapag magkapareho ang direksyon ng paggalaw ng dalawang asset, may positive correlation ang mga ito.
- Halimbawa: Madalas na sabay gumalaw ang currency pair na EUR/USD at GBP/USD. Kapag tumaas ang halaga ng EUR/USD, karaniwang sumusunod din ang GBP/USD.
Negative Correlation
- Depinisyon: Sa kabilang banda, nagkakaroon ng negative correlation kapag gumagalaw ang isang asset sa isang direksyon habang kabaligtaran naman ang direksyon ng paggalaw ng isa pang asset.
- Halimbawa: Karaniwang may negative correlation ang ginto at ang US dollar. Kapag lumakas ang USD, madalas na nagiging mas mahal ang ginto, na may presyong nakabatay sa dollar (XAU/USD), sa ibang mga currency, kaya bumababa ang demand para sa ginto. Sa kabilang banda, kapag humina ang US dollar, may tendensiyang bumaba ang presyo ng ginto para sa mga mamimili, kaya tumataas ang demand.
Karagdagang Halimbawa: Mga Stock Index
Maaari ring magpakita ng negative correlation ang mga stock index sa kanilang lokal na currency. Halimbawa, umabot sa pinakamataas na antas ang Nikkei 225 index ng Japan habang humina ang yen noong Hulyo 2024, na nagpapakita kung paano nakaaapekto sa performance ng mga stock ang paggalaw ng lokal na currency.
Mga Estratehiya sa Trading Batay sa Correlation
Magagamit ng mga trader ang currency correlation sa pagpapatupad ng dalawang pangunahing estratehiya:
1. Pagkumpirma ng mga Trade
Kapag malakas ang correlation ng dalawang asset, magagamit ang paggalaw ng isa upang kumpirmahin ang paggalaw ng isa pa. Makapagbibigay ito ng karagdagang katiyakan sa mga trader na nag-iisip magbukas ng position.
- Halimbawa: Kung parehong tumataas ang EUR/USD at GBP/USD, ipinapahiwatig nitong lumalakas ang euro at ang pound laban sa US dollar. Maaaring mas maging kumpiyansa ang isang trader na magbukas ng long position sa EUR/USD dahil sa kumpirmasyong ito.
2. Pag-diversify ng Panganib risk management
Makatutulong ang mga asset na may negative correlation upang mapaghati-hati ng mga trader ang kanilang exposure sa panganib sa iba't ibang position.
- Halimbawa: Sa pag-diversify ng mga trade sa iba't ibang currency, tulad ng Japanese yen, Australian dollar, at Chinese yuan, mapoprotektahan ng mga trader ang kanilang portfolio laban sa volatility ng merkado. Iba-iba ang mga salik pang-ekonomiya na nakaaapekto sa bawat currency, kaya mas malaki ang flexibility ng mga trader.
Mahalagang Paalala Tungkol sa Negative Correlation
Bagaman makatutulong ang negative correlation na mabawasan ang panganib, hindi nito ganap na naaalis ang panganib. Maging handang baguhin ang inyong estratehiya habang nagbabago ang kondisyon ng merkado, at manatiling flexible sa inyong paraan ng pagte-trade.
Konklusyon
Kapag naunawaan ninyo ang currency correlation at nailapat ang mga estratehiyang ito, mapapahusay ninyo ang inyong mga desisyon sa trading at makabubuo kayo ng mas matibay na estratehiya sa trading.
Habang inilalapat ninyo ang mga konseptong ito, mahalagang magsanay muna sa demo account. Makatutulong ito upang mabuo ang inyong kumpiyansa at karanasan, at makalipat kayo sa live trading kapag pakiramdam ninyo ay handa na kayo.
Quiz
Ano ang ipinapahiwatig ng positibong correlation sa pagitan ng dalawang asset?
Paano makatutulong sa trading ang mga asset na may negatibong ugnayan?
Ano ang mahalagang hakbang bago mag-trade gamit ang mga estratehiyang batay sa mga correlation?


