Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
9
Forex | Intermediate

Mga estratehiya sa risk management

Tagal
10
minuto


Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga advanced na teknik sa risk management na partikular sa forex trading. Mahalagang matutuhan ang mga estratehiyang ito upang mapagtagumpayan nang may kawastuhan at kumpiyansa ang pagiging masalimuot ng forex market mga batayan ng forex market. Alamin natin kung paano epektibong pamahalaan ang mga natatanging panganib sa pag-trade ng iba't ibang currency pair.
‍

Pag-unawa sa mga Panganib na Partikular sa Currency

Nagsisimula ang epektibong risk management sa forex trading sa pagkilala sa mga partikular na panganib na may kaugnayan sa mga currency na tine-trade ninyo. Mahalagang manatiling updated sa mga macroeconomic indicator at geopolitical na kaganapang nakaaapekto sa mga currency pair. Halimbawa, sensitibo ang Mexican Peso (MXN) sa pagbabago ng presyo ng mga commodity sa buong mundo, lalo na ng langis. Ang biglaang pagbaba ng presyo ng langis ay maaaring magdulot ng malalaking paggalaw sa currency pair na USD/MXN dahil sa pag-asa ng Mexico sa pag-export ng langis.

Upang mabawasan ang mga panganib na partikular sa currency, isaalang-alang ang mga sumusunod na estratehiya:

  1. Manatiling Updated sa mga Trend ng Commodity: Ang pagmamasid sa paggalaw ng presyo ng mga commodity, tulad ng langis o ginto, ay may malaking maaaring maging epekto sa mga currency ng mga bansang mayaman sa likas na yaman. Gumamit ng mga economic calendar upang subaybayan ang trade balance at data ng inflation na maaaring makaapekto sa paggalaw ng currency.
    ‍
  2. Suriin ang Historical Data: Sa pagsusuri ng historical data, matutukoy ninyo kung paano tumugon ang mga currency pair sa mga nakaraang pang-ekonomiyang kaganapan o geopolitical na pag-unlad. Pinahuhusay ng pag-unawa sa mga pattern na ito ang inyong kakayahang hulaan ang mga susunod na paggalaw ng presyo, kaya mas estratehiko ang inyong trading.
    ‍

Mga Dynamic na Estratehiya sa Stop Loss

Mahalaga sa forex trading ang matibay na estratehiya sa Stop Loss. Kailangang iakma ang inyong mga antas ng Stop Loss at Take Profit batay sa partikular na katangian ng currency pair na tine-trade ninyo.

  • Paggamit ng Average True Range (ATR): Sinusukat ng ATR indicator ang volatility ng merkado at makatutulong ito sa pagtatakda ng mga dynamic na antas ng Stop Loss na tumatanggap sa karaniwang pagbabago ng presyo. Sa halip na gumamit ng nakapirming Stop Loss, ayusin ang layo ng inyong Stop Loss batay sa ATR reading upang maiwasang ma-stop out nang maaga.
    ‍
  • Stop Loss na Batay sa Oras: Maaari rin ninyong gamitin ang oras bilang salik sa inyong estratehiya sa Stop Loss. Halimbawa, kung hindi gumalaw ang isang trade pabor sa inyo sa loob ng takdang panahon, isaalang-alang ang paglabas sa posisyon upang hindi maipit ang inyong kapital sa mga trade na hindi kumikita.
    ‍
  • Trailing Stop Loss: Sinisigurado ng estratehiyang ito ang tubo habang hinahayaang tumakbo ang inyong trade. Gumagalaw ang trailing stop kasabay ng presyo ng merkado at pinapanatili ang takdang distansya. Habang tumataas ang presyo (para sa mga long position), tumataas din ang Stop Loss, kaya nakukuha ninyo ang kita habang naiiwasan ang maagang paglabas.
    ‍

Position Sizing at Alokasyon ng Kapital mga teknik sa position sizing

Kasama rin sa epektibong risk management kung gaano karaming kapital ang inilalaan ninyo sa bawat trade, na madalas tawaging position sizing. Makatutulong ang position sizing batay sa volatility upang maiakma ang laki ng inyong trade sa panganib ng bawat currency pair.

  • Pagkalkula ng Position Size: Isaalang-alang ang volatility ng pair gamit ang ATR. Halimbawa, kung karaniwan ninyong nire-risk ang 1% ng inyong account sa isang trade, ayusin ang inyong position size upang ang Stop Loss na inilagay sa tiyak na layo mula sa inyong entry point ay katumbas ng 1% na panganib na iyon. Pinapanatili ng pamamaraang ito ang pare-parehong panganib sa lahat ng trade, anuman ang volatility ng bawat pair.
    ‍

Pag-diversify sa Iba't Ibang Time Frame at Session

Ang diversification ay mahalagang estratehiya sa risk management. Sa pag-trade sa iba't ibang time frame at session ng forex market, epektibo ninyong mapamamahalaan ang panganib:

  • Diversification ng Time Frame: Gumamit ng iba't ibang estratehiya sa trading na angkop sa iba't ibang time frame. Halimbawa, ang scalping sa mga session na mataas ang volatility ay nagbibigay-daan sa mabilis na trade, habang ang paghawak ng mas pangmatagalang posisyon sa mas kalmadong panahon ay maaaring samantalahin ang tuloy-tuloy na trend.
    ‍
  • Diversification ng Session: Bukas ang forex market 24 oras sa isang araw, at may natatanging katangian ang bawat session. Sa pag-diversify ng inyong mga trade sa iba't ibang session (hal., Asian, European, at U.S.), makikinabang ang mga trader sa mga natatanging oportunidad ng bawat session habang ipinamamahagi ang kanilang panganib.
    ‍

Konklusyon

Ang pagkabisado sa mga advanced na teknik sa risk management na partikular sa forex ay nangangailangan ng disiplina, kaalaman, at kakayahang umangkop. Sa pamamagitan man ng pag-unawa sa mga panganib na partikular sa currency, pag-optimize ng mga Stop Loss order, epektibong paggamit ng position sizing, o pag-diversify sa iba't ibang kondisyon ng trade, bibigyan kayo ng mga estratehiyang ito ng mga kagamitang kailangan upang magtagumpay sa dynamic na forex market.

Patuloy na pag-aralan at manatiling updated sa kalagayan ng merkado upang mapahusay ang inyong performance sa trading. Salamat sa pakikibahagi sa araling ito, at happy trading!

Quiz

Ano ang pangunahing layunin ng pag-unawa sa mga panganib na partikular sa bawat currency sa forex trading?

Anong bentaha ang naibibigay ng paggamit ng Average True Range (ATR) sa pagtatakda ng mga antas ng Stop Loss?

Paano mapapabuti ng position sizing batay sa volatility ang risk management?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp