Mga chart template at profile
Sa aralin ngayon, tatalakayin natin kung paano mag-set ng mga chart template at profile sa platform ng Deriv MT5. Gagawin nitong mas maayos ang inyong karanasan sa trading at mapapanatili ang pagkakapare-pareho ng inyong mga technical analysis.
Ano ang mga Chart Template?
Ang mga chart template ay nagsisilbing blueprint para sa inyong mga chart. Sine-save nito ang lahat ng inyong inilapat na setting at kagustuhan, kabilang ang:
- Uri ng chart (Line, Bar, o Candlestick)
- Scale ng chart
- Mga indicator at ang kanilang mga partikular na setting
- Tumatakbong Expert Advisor (kung naaangkop) at ang mga parameter nito
Kapag naglapat kayo ng template sa isang chart, awtomatikong mailalapat ang lahat ng configuration na ito sa napiling instrument at timeframe. Halimbawa, maaari kayong gumawa ng template na may mga indicator tulad ng Relative Strength Index (RSI) at Moving Average, at gamitin ito sa iba't ibang chart. Sa ganitong paraan, mananatiling pare-pareho ang hitsura at function ng inyong mga chart sa iba't ibang symbol at panahon.
Sine-save ang mga chart template bilang mga TPL file sa folder na \MQL5\Profiles\Templates, at may ilang paunang natukoy na template ang Deriv MT5:
- default.tpl: Ang pangunahing template na awtomatikong inilalapat sa mga bagong chart.
- tester.tpl: Ginagamit para ipakita ang mga resulta ng testing sa isang chart.
- debug.tpl: Inilalapat sa mga chart na ginawa habang nagde-debug ng isang MQL5 application.
Paano Gumawa at Mag-save ng Chart Template
Alamin natin ang proseso ng paggawa at pag-save ng template. Gagamitin nating halimbawa ang EUR/USD:
- Buksan ang chart ng EUR/USD sa Deriv MT5.
- Pumunta sa itaas na menu at i-click ang Insert, pagkatapos ay piliin ang Indicators > Trend at piliin ang Moving Average.
- Punan ang mga parameter ng Moving Average. Para sa halimbawang ito, itakda ang period sa 20, piliin ang kulay na pula, at dagdagan ang kapal ng linya. I-click ang OK.
- Ipapakita na ng inyong chart ang Moving Average.
- Para i-save ang template na ito, i-right-click ang chart, i-hover ang Templates, at piliin ang Save Template.
- Bigyan ng pangalan ang inyong template, tulad ng “20 Period Simple Moving Average,” at i-click ang Save.
Maaari rin ninyong baguhin, i-load, at i-delete ang anumang template na ginawa ninyo ayon sa nagbabago ninyong pangangailangan.
Paggamit ng mga Profile sa Deriv MT5
Bukod sa mga template, binibigyang-daan din kayo ng Deriv MT5 na gumawa ng mga profile, na isang maginhawang paraan para pamahalaan ang mga grupo ng chart. Maaaring i-store ng isang profile ang:
- Ang mga chart na bukas sa oras ng pag-save
- Ang lokasyon at laki ng mga chart na ito
- Ang mga template na inilapat sa bawat chart
Kapag nagbukas kayo ng profile, ang bawat chart at ang mga setting nito ay mailalagay nang eksakto kung paano ito na-save. Awtomatikong sine-save sa kasalukuyang profile ang mga pagbabago sa mga bukas na chart window. Makikita ninyo ang listahan ng lahat ng chart sa kasalukuyang profile sa ilalim ng menu na Window, at ipinapakita sa status bar ang pangalan ng kasalukuyang profile.
Paano Gumawa at Mag-save ng Profile
Para gumawa at mag-save ng profile, sundin ang mga hakbang na ito:
- Buksan ang chart ng Volatility 10 Index sa Deriv MT5.
- Magdagdag ng tatlo pang chart: Volatility 25 Index, Volatility 50 Index, at Volatility 75 Index, at maglapat ng 20-day Moving Average sa bawat isa.
- Pumunta sa kaliwang itaas, i-click ang File, i-hover ang Profile, at piliin ang Save As. Sine-save ng aksyon na ito ang kasalukuyang profile sa ilalim ng bagong pangalan.
Pagkatapos mag-save, magiging aktibo ang bagong profile, kaya maaari kayong mag-ayos at magsubaybay ng maraming chart nang mahusay.
Konklusyon
Sa araling ito, tinalakay natin kung paano mag-set up ng mga chart template at profile sa platform ng Deriv MT5. Sa paggamit ng mga feature na ito, mapapahusay ninyo ang inyong kahusayan sa trading at mapapanatili ang pagkakapare-pareho ng inyong pagsusuri sa merkado.
Hinihikayat namin kayong magsanay sa paggawa ng mga template at profile sa inyong Deriv MT5 demo account, na makatutulong sa inyong maging pamilyar sa mahahalagang tool na ito.
Sa susunod nating aralin, susuriin natin ang mga indicator sa Deriv MT5 at kung paano ninyo magagamit ang mga ito para mapabuti ang inyong mga estratehiya sa trading. Happy trading!
Quiz
Ano ang pangunahing layunin ng mga chart template sa Deriv MT5?
Paano mag-save ng bagong chart template?
Ano ang maaaring i-store ng mga profile sa Deriv MT5?


