Ano ang Volatility indices
Ang Volatility Indices ay natatanging alok ng Deriv na nagbibigay-daan sa mga trader na makilahok sa mga synthetic na paggalaw ng merkado nang walang karaniwang impluwensiya ng merkado na makikita sa mga tradisyonal na financial instrument. Dahil nag-aalok ito ng malikhaing paraan upang gayahin ang volatility ng merkado, mahalagang karagdagan ang Volatility Indices sa portfolio ng sinumang trader.
Ano ang Volatility Indices?
Ang Volatility Indices ay mga synthetic na financial instrument para sa mga trading strategy na idinisenyong gayahin ang iba't ibang antas ng volatility ng merkado at risk management. Hindi tulad ng mga asset na nakatali sa mga pisikal na merkado, umaasa ang mga index na ito sa mga secure na algorithm na lumilikha ng random na paggalaw ng presyo. Ibig sabihin, hindi naaapektuhan ng mga salik sa ekonomiya, mga balita, o ng karaniwang dinamika ng mga bumibili at nagbebenta sa ibang merkado ang presyo ng mga ito.
Mga Pangunahing Tampok:
- Synthetic na Katangian: Walang kaugnayan ang mga index na ito sa mga merkado o asset sa totoong mundo, kaya natatangi ang karanasan sa trading.
- Engineered na Volatility: Naka-program ang bawat index na panatilihin ang partikular na antas ng volatility, para sa mga trader na nais tumutok lamang sa simulation ng paggalaw ng presyo.
Mga Uri ng Volatility Indices na Iniaalok
Nag-aalok ang Deriv ng iba't ibang Volatility Indices na may magkakaibang target na antas ng volatility, na kinakatawan ng mga numero. Nahahati ang mga index sa dalawang pangunahing grupo batay sa dalas ng kanilang tick:
1. Dalas ng Tick
- Mga 1-Second Tick (1s): Nagpapakita ang mga index na ito ng mas maliliit at mas madalas na pagbabago sa presyo, kaya posible ang mabilis na mga trade.
- Mga 2-Second Tick: Karaniwang nagpapakita ang mga index na ito ng mas malalaking pagbabago sa presyo sa bawat tick, kaya may pagkakataon sa mas malalaking paggalaw.
2. Saklaw ng Volatility
- Mga Two-Second Tick: Mula 10 hanggang 100 ang saklaw ng antas ng volatility.
- Mga One-Second Tick: Mas malawak ang saklaw ng volatility ng mga index na ito, mula 10 hanggang 250.
Sa pagpili sa pagitan ng mga one-second at two-second tick index, isaalang-alang ang inyong istilo sa trading. Kung mas gusto ninyo ang mas madalas na trading at mas maliliit na paggalaw ng presyo, maaaring mas angkop ang mga one-second tick. Sa kabilang banda, kung nais ninyong samantalahin ang mas malalaking pagbabago sa presyo, maaaring magbigay ng ganoong pagkakataon ang mga two-second tick.
Bakit Mag-trade ng Volatility Indices?
Dahil sa natatanging katangian nito, maaaring maging estratehikong pagpipilian ang pag-trade ng Volatility Indices para sa iba't ibang uri ng trading portfolio:
- Walang Pagdepende sa Merkado: Repleksyon lamang ng mga pagbabago sa algorithm ang mga paggalaw, hindi ng mga pangyayari sa totoong mundo, kaya mainam ito para sa mga trader na nais iwasan ang mga di-inaasahang impluwensiya ng merkado.
- Tinukoy na Antas ng Volatility: Sa built-in na balangkas ng volatility, maaaring iakma ng mga trader ang kanilang mga estratehiya ayon sa kanilang risk tolerance at mga layunin sa trading.
- Mas Malaking Flexibility: Dahil may mga opsyon na one-second at two-second tick, makakahanap ang mga trader ng index na akma sa kanilang trading strategy at ritmo.
Konklusyon
Sa kabuuan, ang Volatility Indices ay makabagong paraan upang makilahok sa mga synthetic na paggalaw ng merkado, na malaya sa mga limitasyon ng tradisyonal na merkado. Sa iba't ibang opsyon batay sa dalas ng tick at paunang tinukoy na antas ng volatility, nagbibigay ang mga index na ito ng maraming-gamit na pagpipilian para sa mga trader na nais pagbutihin ang kanilang mga estratehiya. Hinihikayat namin kayong tuklasin pa ang Volatility Indices upang malaman kung paano ito babagay sa inyong paraan ng pag-trade.
Quiz
Anong natatanging katangian ang nagpapaiba sa Volatility indices kumpara sa mga tradisyonal na instrumentong pampinansyal?
Ano ang saklaw ng mga antas ng volatility na available para sa mga Volatility Indices na may one-second tick?
Paano makakapili ang mga trader sa pagitan ng one-second at two-second tick indices?


