
Ang mga vanilla option, na tinatawag ding “vanillas”, ay mahusay na paraan para mag-trade sa mga merkado nang may flexibility options trading. Binibigyan nila kayo ng karapatan (ngunit hindi obligasyon) na bumili o magbenta ng asset sa takdang presyo bago ang isang partikular na petsa. Mukhang kumplikado? Himayin natin ito nang paunti-unti.
Paano gumagana ang mga vanilla option?
Ang pagbili ng vanilla option ay parang pagkuha ng backstage pass. Nagbabayad kayo para sa pagkakataon, ngunit kayo ang magpapasya kung gagamitin ito. Kung sulit ang karanasan (gumalaw ang merkado pabor sa inyo), magagamit ninyo ang inyong pass at makukuha ang mga benepisyo. Kung hindi, ang pinakamasamang mangyayari ay mawawala sa inyo ang halaga ng pass, ngunit wala nang iba pa.
Mahahalagang terminong dapat malaman
Bago sumabak, narito ang ilang mahahalagang terminong dapat ninyong tandaan:
- Petsa ng expiration: Ang deadline ng inyong option. Pagkatapos ng petsang ito, mag-e-expire ang inyong pass (option) at hindi na ito magagamit.
- Halaga ng trade: Kapag bumili kayo ng vanilla option, magbabayad kayo sa nagbebenta ng option ng bayad na tinatawag na premium o halaga ng trade. Ang premium na ito ang gastos sa pagkuha ng mga karapatang ibinibigay ng option contract.
- Call option: Pinapayagan kayo nitong bumili ng asset sa strike price bago ito mag-expire. Angkop ito kung inaasahan ninyong tataas ang mga presyo.
- Put option: Pinapayagan kayo nitong magbenta ng asset sa strike price bago ito mag-expire. Kapaki-pakinabang ito kung inaasahan ninyong bababa ang mga presyo.
Sa Deriv, ang settlement ng mga kontratang ito ay sa anyo ng payout sa halip na ng aktwal na asset.
- Intrinsic value: Ang pagkakaiba ng kasalukuyang presyo ng asset at ng strike price.
- Time value: Ipinapakita nito kung gaano pa katagal bago ang expiry. Kadalasan, mas mahabang oras ay nangangahulugan ng mas mataas na value.
- Strike price: Ang strike price, na tinatawag ding exercise price, ay isang pangunahing konsepto sa options trading. Ito ang paunang itinakdang presyo kung saan maaaring bumili (sa kaso ng call option) o magbenta (sa kaso ng put option) ang may hawak ng option ng underlying asset. Itinatakda ang strike price kapag nabuo ang option contract, at mahalaga ang papel nito sa pagtukoy ng posibleng payout ng option.
Bakit mag-trade ng mga vanilla option?
Gusto ng mga trader ang mga vanilla option dahil nag-aalok ang mga ito ng flexibility at posibleng kita. Narito kung paano ninyo magagamit ang mga ito:
- Inaasahan bang tataas ang presyo ng isang asset? Bumili ng call option para makakuha ng mas mababang presyo ng pagbili. Ibig sabihin, kahit tumaas ang presyo sa merkado nang lampas sa inyong strike price, nananatili ang karapatan ninyong bumili sa napagkasunduang strike price.

- Sa tingin ba ninyo ay bababa ang mga presyo? Bumili ng put option para makapagbenta kayo sa mas mataas na presyo. Ibig sabihin, kahit bumaba ang presyo sa merkado sa ibaba ng inyong strike price, nananatili ang karapatan ninyong magbenta sa napagkasunduang strike price.

Siyempre, walang trade na walang panganib. Bagama't nakaka-excite ang mga vanilla option, laging matalinong pamahalaan ang inyong panganib at mag-trade nang responsable.
Magsimula nang may kumpiyansa pagsisimula sa trading
Maraming paraan ng pag-trade ang ibinibigay ng mga vanilla option, ngunit tulad ng anumang financial tool, may kaakibat itong mga panganib. Kung baguhan kayo sa options trading, bakit hindi magsimula sa isang demo account sa Deriv? Maaari rin ninyong paunlarin ang inyong mga kasanayan gamit ang mga libreng kurso sa Deriv Academy.
Handa na bang sumabak?
Mag-log in sa Deriv Academy gamit ang email at password ng inyong kasalukuyang Deriv account.
Magsanay gamit ang demo account at mag-trade nang responsable.
Quiz
Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga vanilla option ang totoo?


