Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
11
Volatility Indices | Baguhan

Position sizing

Tagal
8
minuto

Habang sinisimulan ninyong mag-trade ng Volatility Indices, nagiging mahalagang bahagi ng inyong risk management strategy ang pag-unawa sa position sizing. Tinutukoy ng position sizing kung gaano karami sa inyong trading capital ang ilalaan ninyo sa bawat trade. Pinoprotektahan nito kayo laban sa labis na pagkalugi habang nagagamit ninyo ang mga oportunidad sa merkado. Sa maingat na pamamahala sa halagang inilalagay ninyo, magagawa ninyong harapin ang likas na volatility ng mga index na ito nang hindi isinasapanganib ang kabuuan ng inyong kapital.
‍

Ang Kahalagahan ng Position Sizing

Ang volatility ay maaaring magdulot ng posibleng kita at likas na panganib. Tinutulungan kayo ng position sizing na balansehin ang mga salik na ito sa pamamagitan ng pagkontrol sa inyong exposure sa merkado. Kapag ipinamahagi ninyo ang inyong kapital sa maraming trade, nababawasan ang panganib na magkaroon ng malaking epekto sa kabuuan ng inyong account ang isang trade na nalugi. Halimbawa, kung malugi kayo sa isang trade, makakasali pa rin kayo sa merkado gamit ang natitira ninyong kapital sa iba pang trade, kaya nababawasan ang posibilidad ng matinding pagkalugi.

Sa pagsasaalang-alang ng iba't ibang Volatility Indices, mahalagang tandaan na magkaibang-magkaiba ang risk profile kapag iisang position size ang ginamit sa Volatility 10 at Volatility 250. Ang mas mataas na volatility ay nangangahulugan hindi lamang ng mas malaking potensyal na kita, kundi pati ng mas mataas na posibilidad ng malaking pagkalugi. Kaya makatutulong ang pag-aayos ng inyong position size ayon sa volatility ng index na tine-trade ninyo upang makamit ang nais ninyong kita habang nananatili sa katanggap-tanggap na limitasyon ng panganib.
‍

Mga Estratehiya sa Position Sizing

Walang nag-iisang paraan sa position sizing; gayunpaman, may ilang paraan na maaaring gumabay sa inyo batay sa inyong istilo sa trading at tolerance sa panganib:

  1. Takdang Halaga sa Dollar: Maglaan ng tiyak na halaga sa dollar na ipapanganib sa bawat trade, tulad ng $10. Pinananatili ng paraang ito ang pare-parehong panganib sa maraming trade, na makatutulong upang mapangalagaan ang kabuuan ng inyong kapital.
    ‍
  2. Porsyento ng Account: Magtakda ng porsyento ng kabuuang balanse ng inyong account na ipapanganib sa bawat trade. Halimbawa, kung $2,000 ang balanse ng inyong account at 1% ang gagamitin ninyong risk tolerance, $20 ang ipapanganib sa bawat trade. Habang lumalaki ang inyong account, nagbabago rin nang naaayon ang halagang ito. Iniaayon ng paraang ito ang inyong exposure sa magagamit ninyong pondo, na lalong kapaki-pakinabang kapag nagte-trade ng mga volatile na asset tulad ng Volatility 250 Index.
    ‍
  3. Volatility-Based Sizing gamit ang ATR: Sinusukat ng Average True Range (ATR) indicator ang karaniwang galaw ng presyo ng isang asset sa napiling yugto ng panahon. May mga trader na nililimitahan ang kanilang panganib sa isang ATR unit kada trade. Halimbawa, kung $8.5 ang 14-day ATR ng Volatility 25, ito ang itatakda ninyong limitasyon sa panganib. Pinananatiling proporsyonal ng paraang ito ang inyong exposure sa karaniwang araw-araw na galaw ng presyo, kaya mas may batayan ang pagtatakda ninyo ng mga antas ng Take Profit (TP) at Stop Loss (SL) ayon sa kondisyon ng merkado.

    ‍

Sa paggamit ng mga estratehiyang ito, makabubuo kayo ng matibay na balangkas para sa position sizing na umaangkop sa volatility ng merkado at sa inyong sariling pangangailangan sa trading.

‍

Konklusyon

Bilang konklusyon, mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa position sizing para sa napapanatiling trading ng Volatility Indices. Sa pag-unawa sa likas na panganib ng mga asset na ito at pagpapatupad ng mabisang estratehiya sa position sizing, mapoprotektahan ninyo ang inyong kapital habang pinakikinabangan ang mga pagkakataong kumita. Habang sinusuri ninyo ang mga estratehiyang tinalakay sa araling ito, tandaan na walang iisang paraan na angkop sa lahat. Ang pag-aangkop ng inyong paraan ng position sizing sa inyong risk tolerance, istilo sa trading, at kondisyon ng merkado ay makatutulong sa inyong mag-trade nang mas may kumpiyansa.

Ngayon, mas handa na kayong harapin nang responsable at estratehiko ang mundo ng Volatility Indices.

‍

Quiz

Ano ang pangunahing layunin ng position sizing sa trading?

Aling paraan ng position sizing ang nag-aangkop batay sa mga pagbabago sa balanse ng account?

Ano ang sinusukat ng indicator na Average True Range (ATR)?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp