Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
6
Forex | Baguhan

Pag-unawa sa mga Forex Pair - Major, Minor at Exotic

Tagal
7
minuto
Type image c

‍

Welcome sa isa pang aralin sa inyong edukasyon sa forex trading. Ngayon, tatalakayin natin ang iba't ibang uri ng currency pair at ang kani-kanilang katangian. Mahalagang maunawaan ang mga pagkakaibang ito upang epektibo kayong makapag-navigate sa forex market at makagawa ng matalinong desisyon sa trading.
‍

Mga Major Currency Pair

Ang mga major currency pair ang pinakamadalas i-trade at pinakamalikido sa forex market. Karaniwan itong may kasamang US Dollar (USD) at ang mga currency ng nangungunang ekonomiya sa mundo. Ilan sa mga halimbawa ng major pair ay ang:

  • EUR/USD (Euro/US Dollar)
    ‍
  • USD/JPY (US Dollar/Japanese Yen)
    ‍
  • GBP/USD (British Pound/US Dollar)
    ‍
  • USD/CHF (US Dollar/Swiss Franc)
    ‍
  • AUD/USD (Australian Dollar/US Dollar)
    ‍

Mga Katangian ng Major Currency Pair

  1. Mataas na Liquidity: Malaki ang trading volume ng mga major currency pair, kaya madali kayong makapagbukas at makapagsara ng mga posisyon nang hindi nagdudulot ng malaking pagbabago sa presyo.
    ‍
  2. Mas Mababang Spread: Karaniwang mas makitid ang pagitan ng presyo ng pagbili at pagbebenta, kaya mas mababa ang gastos sa trading.
    ‍
  3. Katatagan ng Ekonomiya: Mas matatag ang mga currency mula sa malalakas na ekonomiya, kaya nababawasan ang pangkalahatang panganib sa trading. Isang mahalagang salik na nakaaapekto sa galaw ng mga pair na ito ang pagkakaiba ng interest rate ng mga kaukulang ekonomiya. Ang mas mataas na interest rate sa isang currency ay maaaring makaakit ng mga puhunan, at posibleng magpataas ng halaga nito laban sa kabilang currency sa pair.
    ‍

Mga Minor Currency Pair

Hindi kasama ang US Dollar sa mga minor currency pair, ngunit may kasama itong iba pang major currency. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • EUR/GBP (Euro/British Pound)
    ‍
  • EUR/CHF (Euro/Swiss Franc)
    ‍
  • AUD/JPY (Australian Dollar/Japanese Yen)
    ‍

Mga Katangian ng Minor Currency Pair

  • Mas Mababang Liquidity: Dahil mas kaunti ang trading activity kumpara sa mga major pair, mas limitado ang opsyon sa pagbubukas at pagsasara ng posisyon sa mga minor pair, na maaaring magdulot ng hirap sa pagsasagawa ng mga trade.
    ‍
  • Mas Malawak na Spread: Maaaring mas malaki ang agwat ng presyo ng pagbili at pagbebenta, kaya tumataas ang gastos sa pag-trade ng mga pair na ito.
    ‍
  • Mas Mataas na Volatility: Maaaring mas matindi ang pabago-bago ng presyo ng mga minor pair, kaya posibleng mas mahirap itong hulaan at may pagkakataon para sa mabilis na kita o pagkalugi.
    ‍

Dahil mas mababa ang impluwensya ng US Dollar, mas direktang tumutugon ang mga minor currency pair sa mga pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon, kaya nagbibigay ito ng mas nakatutok na paraan ng pag-trade.
‍

Mga Exotic Currency Pair

Ang mga exotic currency pair ay binubuo ng isang major currency na ipinares sa currency mula sa umuusbong o papaunlad na ekonomiya. Kabilang sa mga halimbawa ng exotic pair ang:

  • USD/TRY (US Dollar/Turkish Lira)
    ‍
  • EUR/ZAR (Euro/South African Rand)
    ‍
  • GBP/MXN (British Pound/Mexican Peso)
    ‍

Mga Katangian ng Exotic Currency Pair

  • Mga Umuusbong na Merkado: Nagbibigay ang mga exotic pair ng exposure sa mabilis na lumalagong ekonomiya, na maaaring magbigay ng natatanging pagkakataon para sa mas mataas na kita.
    ‍
  • Mas Mababang Correlation: Madalas na gumagalaw nang hiwalay sa mga major pair ang mga pair na ito, kaya posible ang diversification sa loob ng trading portfolio.

Maaaring kaakit-akit sa mga bihasang trader ang pag-trade ng mga exotic pair, ngunit kailangan ditong magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga pundasyon ng ekonomiya. Mag-ingat sa mga panganib sa pulitika at mga kontrol sa currency, dahil malaki ang epekto ng mga ito sa galaw ng mga exotic pair.
‍

Konklusyon

Para sa mga baguhan, mainam na magsimula sa mga major currency pair dahil sa katatagan at mas mababang panganib ng mga ito. Habang nagkakaroon kayo ng karanasan at kumpiyansa sa inyong kakayahan sa trading, maaari ninyong unti-unting tuklasin ang mga minor at exotic pair, na may mas mataas na potensyal para sa parehong kita at pagkalugi. Palaging magsagawa ng masusing pananaliksik at unawain ang mga katangian ng bawat currency pair bago kayo magpasyang mag-trade.

Salamat sa inyong pansin, at happy trading!

‍

Quiz

Ano ang tumutukoy sa isang major currency pair?

Ano ang katangian ng mga minor currency pair?

Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa mga exotic currency pair?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp