Pagpili ng Tamang Volatility Index para sa Inyo
Mahalaga sa tagumpay ninyo sa trading ang pagpili ng angkop na Volatility Index. May kanya-kanyang katangian at risk profile ang bawat index, na tumutugon sa iba't ibang kagustuhan at estratehiya sa trading. Gagabayan kayo ng araling ito sa pagpili ng tamang Volatility Index batay sa inyong mga layunin sa trading, karanasan, at kakayahang tumanggap ng panganib.
Pag-unawa sa Iba't Ibang Volatility Index
Upang makagawa ng matalinong desisyon, mahalagang maging pamilyar kayo sa iba't ibang Volatility Index na available sa Deriv. Narito ang ilan sa mga popular:
- Volatility 75 Index: Kilala sa volatility nitong 75%, madalas na mabilis ang pagbabago ng presyo sa index na ito. Angkop ito sa mga bihasang trader na nais samantalahin ang malalaking galaw ng merkado.
- Volatility 100 Index: Taglay ng index na ito ang pinakamataas na volatility na 100%, na nagbibigay ng malalaking galaw ng presyo. Mainam itong opsyon para sa mga high-risk na trader na nais gumawa ng mabilis na trade para sa posibleng mas malaking kita.
- Volatility 50 Index: Balanseng opsyon ang Volatility 50 Index para sa mga trader na naghahanap ng katamtamang volatility. Magandang panimula ang index na ito para sa mga baguhan at sa mga nais ng kaunting galaw habang mas mababa ang panganib.
- Volatility 10 Index: Taglay ang pinakamababang volatility na 10%, idinisenyo ang Volatility 10 Index para sa mga maingat na trader. Mas hindi magulo ang karanasan sa trading dito, at magandang panimula ito para sa mga bagong trader na nais matutuhan ang mga pangunahing kaalaman nang hindi nakararanas ng matitinding pagbabago sa merkado.
Pagtatasa sa Inyong Mga Layunin at Antas ng Karanasan sa Trading
Dapat ibatay ang inyong desisyon kung aling Volatility Index ang tama para sa inyo sa sarili ninyong mga layunin sa trading at antas ng karanasan. Narito ang ilang tanong na dapat isaalang-alang:
- Ano ang inyong mga layunin sa trading? Naghahanap ba kayo ng mataas na kita sa maikling panahon, o mas gusto ninyo ang tuloy-tuloy na paglago sa mas mahabang panahon? Maaaring magbigay ng mabilis na kita ang mga index na may mataas na volatility tulad ng Volatility 100, ngunit mas mataas din ang panganib.
- Gaano na karami ang karanasan ninyo bilang trader? Kung baguhan kayo, makatutulong ang pagsisimula sa mga index na hindi gaanong pabago-bago, tulad ng Volatility 10 Index, upang mabuo ang inyong kumpiyansa at maunawaan ang takbo ng merkado. Maaaring maghanap ang mga bihasang trader ng mas mataas na panganib para sa mas malaking potensyal na kita sa mga index tulad ng Volatility 75 Index.
- Ano ang inyong kakayahang tumanggap ng panganib? Tantiyahin kung gaano karaming panganib ang handa ninyong akuin. Kung mas iniiwasan ninyo ang panganib, pumili ng mga index na may mas mababang volatility, na magbibigay ng mas matatag na kapaligiran sa trading.
Pagbuo ng Inyong Estratehiya sa Trading Ayon sa Napili Ninyong Index
Kapag nakapili na kayo ng angkop na Volatility Index, kailangan ninyong iangkop ang inyong estratehiya sa trading. Narito ang ilang estratehiyang akma sa iba't ibang antas ng volatility:
- Scalping para sa Mataas na Volatility: Kung pipiliin ninyong mag-trade ng Volatility 100 Index, pag-isipan ang mga scalping technique, kung saan gumagawa kayo ng maraming trade sa maikling panahon para makinabang sa maliliit na galaw ng presyo.
- Swing Trading para sa Katamtamang Volatility: Para sa Volatility 50 Index, maaaring maging epektibo ang swing trading. Sa paraang ito, maaari ninyong hawakan ang mga posisyon nang ilang araw, na tinatarget ang katamtamang-terminong pagbabago ng presyo.
- Pangmatagalang Posisyon para sa Mababang Volatility: Sa pag-trade ng Volatility 10 Index, pag-isipang magkaroon ng pangmatagalang pananaw. Nagbibigay-daan ang paraang ito upang mapakinabangan ninyo ang unti-unting galaw ng presyo habang nililimitahan ang exposure sa biglaang pagbabago sa merkado.
Patuloy na Pagsusuri at Pag-aangkop
Mabilis na nagbabago ang mga kondisyon sa trading at takbo ng merkado. Mahalagang patuloy na suriin ang napili ninyong Volatility Index at ayusin ang inyong mga estratehiya ayon dito. Makatutulong sa mabisang pag-aangkop ang regular na pagrepaso sa inyong performance sa trading, kondisyon ng merkado, at mga layuning pinansyal. Bukod dito, makatutulong ang paggamit ng demo account upang makapag-eksperimento kayo sa iba't ibang index nang hindi inilalagay sa panganib ang tunay na kapital.
Quiz
Alin sa mga Volatility indices na ito ang pinakaangkop para sa mga bagong trader?
Ano ang tumutukoy sa Volatility 100 Index?
Kailan pipiliing gumamit ang isang trader ng mga swing trading strategy?


