Pagpili ng tamang volatility
Sa trading, ang volatility ay tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng isang asset sa loob ng partikular na panahon. Ito ay mahalagang indikasyon ng mga pagbabago sa merkado at mahalagang salik sa pagtatasa ng panganib. Ang mataas na volatility ay nangangahulugang maaaring magbago nang malaki ang presyo ng isang asset sa maikling panahon, na maaaring humantong sa malaking potensyal na kita o pagkalugi. Sa kabilang banda, ang mababang volatility ay nagpapahiwatig ng mas matatag na presyo na may mas banayad na paggalaw. Mahalagang maunawaan ang volatility upang epektibo kayong makapag-trade sa mga merkado.
Kumakatawan ang Volatility Indices sa iba't ibang antas ng paggalaw ng presyo at ginawa ang mga ito upang umangkop sa iba't ibang istilo ng trading. Magbibigay ang araling ito ng mga kaalaman tungkol sa mga katangian ng Volatility Indices, mga dapat isaalang-alang ng mga trader, at mga praktikal na estratehiya para sa epektibong trading.
Mga Katangian ng Volatility Indices
Nag-aalok ang Deriv ng iba't ibang Volatility Indices, na bawat isa ay tinutukoy ng volatility percentage nito na nagtatakda ng inaasahang pagbabago sa presyo. Habang ang mga karaniwang volatility index ay may paggalaw ng presyo (tick) kada 2 segundo, nag-aalok din ang Deriv ng piling mga index na may parehong volatility ngunit may tick na nabubuo kada segundo. Makikilala ninyo ang mga index na ito sa (1s) na nakalista sa simbolo.
Narito ang ilang sikat na halimbawa, kasama ang mas detalyadong paliwanag sa kanilang antas ng volatility:
- Volatility 10 Index: Sa volatility na 10%, angkop ang index na ito para sa mga trader na naghahanap ng katatagan at mas maliliit na paggalaw ng presyo, kaya perpekto ito para sa mga baguhan o sa mga mas gusto ang mas predictable na kapaligiran sa trading.
- Volatility 25 Index: Bahagyang mas malaki ang paggalaw nito kumpara sa 10 Index, at nagbibigay ang Volatility 25 Index ng balanse sa pagitan ng panganib at potensyal na kita. Nagagawa ng mga trader na maranasan ang mas maraming aksyon habang nananatili ang antas ng katatagan.
- Volatility 100 Index: Ang index na ito ay may volatility na 100%, na kumakatawan sa mas hindi mahulaan na merkado. Nag-aalok ito ng mataas na potensyal na kita, ngunit dahil sa kaakibat na panganib, angkop ito para sa mga bihasang trader na kayang humawak ng mga agresibong estratehiya sa trading.
- Volatility 150 Index: Taglay ang matinding volatility na 150%, angkop ang index na ito para sa mga trader na bagay sa mabilis at mas mapanganib na kapaligiran. Bagama't nag-aalok ito ng pagkakataon para sa malaking kita, may potensyal din itong magdulot ng malaking pagkalugi, kaya kailangan ang matibay na estratehiya sa pamamahala ng panganib.




Pagtatasa sa Inyong Istilo sa Trading at Tolerance sa Panganib
Sa pagpili ng Volatility Index, mahalagang isaalang-alang ang inyong istilo sa trading at tolerance sa panganib:
- Kagustuhan sa Panganib: Kumportable ba kayo sa biglaan at malalaking pagbabago ng presyo, o mas gusto ninyo ang mas predictable na paggalaw? Malaki ang magiging impluwensya ng inyong kagustuhan sa panganib sa pagpili ninyo ng index.
- Karanasan sa Trading: Maaaring makabubuti para sa mga baguhan na magsimula sa mga index na may mas mababang volatility, tulad ng Volatility 10 Index, upang masanay sa takbo ng merkado. Sa kabilang banda, maaaring hanapin ng mga batikang trader ang mas agresibong Volatility 75 o 100 Index, na may layuning makakuha ng mas mataas na kita.
- Pananaw sa Estratehiya: Tayahin kung gaano karaming oras at pagsisikap ang handa ninyong ilaan sa pagsubaybay at pagsusuri ng mga trade. Maaaring mangailangan ng higit na atensyon at mabilis na pagdedesisyon ang mga index na may mataas na volatility, habang ang mga index na may mas mababang volatility ay nagbibigay-daan sa mas relaks na paraan ng trading.
Mga Praktikal na Estratehiya sa Trading para sa Volatility Indices
Bawat Volatility Index ay angkop sa iba't ibang estratehiya sa trading batay sa katangian nitong volatility, ngunit narito ang ilang magagandang gawi para sa mga nagnanais mag-trade ng Volatility Indices:
- Paggamit ng Stop Loss Order: Sa mga merkadong may mataas na volatility tulad ng Volatility 75 o 100, magandang gawi ang paggamit ng Stop Loss order. Nakatutulong ang tool na ito na mabawasan ang posibleng pagkalugi sa pamamagitan ng awtomatikong pagsasara ng mga posisyon kapag umabot ang presyo sa tiyak na antas.
- Trend Following: Para sa mga index tulad ng Volatility 50 at 100, isaalang-alang ang pagpapatupad ng estratehiyang trend-following. Kabilang dito ang pagsusuri sa galaw ng merkado upang matukoy ang mga trend at pagbubukas ng mga trade na kaayon ng direksyon ng mga trend na iyon.
- Diversification: Makatutulong sa pamamahala ng panganib ang pagkakalat ng inyong mga trade sa maraming Volatility Indices. Halimbawa, ang pagkakaroon ng mga posisyon sa parehong Volatility 10 Index at Volatility 150 Index ay nagbibigay-daan sa inyo na mapanatili ang balanse ng panganib habang sinasamantala ang iba't ibang antas ng paggalaw ng merkado.
Quiz
Paano binibigyang-kahulugan ang volatility sa konteksto ng trading?
Anong katangian ang nagpapaangkop sa Volatility 10 Index para sa mga maingat na trader?
Bakit dapat magpatupad ng mga stop-loss order ang mga trader sa mga pabago-bagong merkado?


