Lumaktaw papunta sa pangunahing content
Aralin
3
Forex | Advanced

Mga breakout trading strategy sa mga economic event

Tagal
7
minuto


Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga breakout trading strategy na maaaring gamitin sa mga event na mataas ang volatility, tulad ng mga ulat sa inflation o mga desisyon ng central bank sa interest rate. Ang mga mahahalagang anunsyong pang-ekonomiya na ito ay maaaring magdulot ng malalaking paggalaw sa merkado, at sa tamang pamamaraan, magagawa ninyong gawing mga oportunidad sa trading ang volatility na ito.
‍

Pag-unawa sa Volatility ng Merkado

Hindi lahat ng anunsyong pang-ekonomiya ay nagreresulta sa matinding paggalaw ng merkado. Madalas tumaas ang volatility kapag lumihis ang aktwal na datos sa inaasahan ng merkado, na kadalasang nagti-trigger ng malalakas na price breakout. Ilan sa mga pinakamakabuluhang anunsyo ay ang:

  • Mga Desisyon sa Interest Rate: Mga desisyon ng mga central bank kung itataas, ibababa, o pananatilihin ang interest rate.
    ‍
  • Mga Ulat sa Inflation: Sumusukat sa bilis ng pagtaas ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
    ‍
  • Datos sa Employment: Nagbibigay ng pananaw sa kalagayan ng ekonomiya batay sa antas ng empleyo.

Para manatiling updated, gumamit ng economic calendar na naglilista ng mga paparating na anunsyo at ng inaasahang epekto ng mga ito sa merkado.
‍

Pamamaraan sa Pag-trade ng mga Event na Mataas ang Volatility

Kapag handa na kayong mag-trade sa mga event na ito, sundin ang istrukturadong pamamaraang ito:
‍

1. Tukuyin ang Mahahalagang Antas ng Support at Resistance mga antas ng support at resistance

Bago ang anunsyong pang-ekonomiya, suriin ang inyong chart upang matukoy ang mahahalagang antas ng support at resistance. Mahalaga ang hakbang na ito dahil gagabay ang mga antas na ito sa inyong mga desisyon sa trading habang pabagu-bago ang merkado. Gumamit ng iba't ibang tool sa technical analysis, tulad ng:

  • Mga Fibonacci Retracement
    ‍
  • Bollinger Bands
    ‍
  • Mga Moving Average
    ‍

2. Planuhin ang Inyong Entry Strategy

May dalawang karaniwang paraan ng pag-entry na maaaring isaalang-alang:

  • Breakout Entry: Hintaying malinaw na lumampas ang presyo sa itaas ng resistance o bumaba sa ilalim ng support, na hudyat ng malakas na market sentiment. Makatutulong ang paraang ito upang mapakinabangan ang malalaking paggalaw ng presyo.
    ‍
  • Confirmation Entry: Gumamit ng volume o momentum indicator para kumpirmahin ang breakout bago pumasok sa isang trade. Binabawasan ng konserbatibong pamamaraang ito ang panganib ng mga maling breakout.
    ‍

3. Pamahalaan ang Inyong Panganib mga estratehiya sa risk management

Napakahalaga ng wastong risk management sa mga sitwasyong mataas ang volatility. Narito ang mahahalagang tool para epektibong mapamahalaan ang inyong panganib:

  • Position Sizing: Sa panahon ng pabagu-bagong kondisyon, isaalang-alang ang pag-trade ng mas maliliit na halaga upang limitahan ang kabuuan ninyong exposure sa panganib.
    ‍
  • Mga Stop Loss Order: Ilagay ang inyong Stop Loss sa labas lamang ng antas ng support o resistance, o lampas sa breakout point, upang maprotektahan kayo laban sa hindi kanais-nais na paggalaw ng presyo.
    ‍
  • Mga Target ng Take Profit: Gumamit ng trailing stop o magtakda ng partikular na target na kita batay sa average na daily range ng currency o sa nais ninyong risk-reward ratio.
    ‍

Halimbawa: Pag-trade ng EUR/USD Habang may Ulat sa Inflation

Isaalang-alang natin ang isang praktikal na halimbawa batay sa naunang paglabas ng datos sa inflation:

  1. Ipagpalagay na Hunyo 10, 2022 ang petsa, at malapit nang ilabas ang datos sa inflation ng U.S.
    ‍
  2. I-set up ang inyong EUR/USD chart, magdagdag ng Bollinger Bands, at markahan ang mahahalagang antas ng support at resistance.
    ‍
  3. Kung inaasahan ninyong lalampas ang inflation sa mga inaasahan, asahan ding lalakas ang U.S. dollar at hihina ang EUR/USD pair.
    ‍
  4. Maglagay ng sell-stop order sa 1.0565 sakaling bumaba ang presyo sa ilalim ng lower Bollinger Band.
    ‍
  5. Magtakda ng Stop Loss sa bahagyang mas mataas, sa 1.0580, at ng Take Profit sa 1.0520, na bumubuo ng risk-to-reward ratio na 1:3.

Nang ilabas ang datos sa inflation at lumabas na 6%, mas mataas kaysa sa inaasahang 5.9%, lumakas ang U.S. dollar at bumagsak nang matindi ang EUR/USD, na nag-activate sa inyong sell-stop order at kalaunan ay umabot sa inyong target na Take Profit sa 1.0520.
‍

Mga Huling Konsiderasyon

Bagama't maaaring kapaki-pakinabang ang pag-trade ng mga breakout batay sa balitang pang-ekonomiya, mahalagang tandaan na hindi lahat ng anunsyo ay lilikha ng breakout na maaaring i-trade.

  • Kung halos tugma sa inaasahan ang aktwal na datos, maaaring hindi gaanong kumilos ang merkado; kaya mahalaga ang masusing pagsusuri.
    ‍
  • Madalas gumamit ang mga advanced trader ng multiple timeframe analysis upang kumpirmahin ang mga breakout signal, at pinagsasama nila ang mga short-term signal at long-term trend para sa mas mataas na katumpakan.

Tandaan, nakasalalay ang matagumpay na breakout trading sa pamamahala ng mga probabilidad, pagiging may sapat na kaalaman, at pagpapanatili ng kontrol sa inyong mga panganib. Magpraktis sa demo account upang gayahin ang mga estratehiyang ito nang hindi nanganganib ang totoong pera, at gamitin ang inyong karanasan sa trading upang pinuhin ang inyong pamamaraan.

Quiz

Ano ang pangunahing layunin kapag gumagamit ng breakout trading strategy?

Sa anong mga pagkakataon karaniwang nagkakaroon ng biglaang pagtaas ng volatility sa forex market?

Paano mapapamahalaan ng mga trader ang kanilang panganib kapag nagte-trade sa mga event na mataas ang volatility?

Analyse markets with AI-powered insights

Explore TradersView
WhatsApp