Bahagi ng kasunduan sa pagitan ninyo at Deriv ang dokumentong ito, at dapat itong basahin kasama ang aming General Terms of Use para sa mga kliyente (ang "General Terms"). Ang anumang tinukoy na termino na ginamit sa mga karagdagang tuntunin na ito ay may kahulugang ibinigay sa General Terms.
1. Panimula
1.1. Nalalapat ang mga karagdagang terminong ito sa lahat ng kliyenteng may account sa Deriv (V) Ltd.
1.2. Kung may hindi pagkakatugma o paglihis sa pagitan ng mga karagdagang terminong ito at/o ng iba pang dokumentong bumubuo sa Kasunduan, mananaig ang mga karagdagang terminong ito kaugnay sa inyong account sa Deriv (V) Ltd.
1.3. Ang Deriv (V) Ltd ay lisensyado sa ilalim ng Financial Dealers Licensing Act para isagawa ang negosyo ng dealing ng mga securities tulad ng mga derivative product, at ito ay pinahintulutan at pinamamahalaan ng Vanuatu Financial Services Commission (“VFSC”).
1.4. Para malaman pa ang tungkol sa mga produktong inaalok namin, sumangguni sa prospectus.
2. Mga Reklamo
2.1. Kung nais ninyong magsampa ng reklamo tungkol sa aming mga Serbisyo, maipapadala ninyo sa amin ang mga detalyeng may kaugnayan sa inyong reklamo sa complaints@deriv.com. Kikilalanin namin ang pagtanggap ng inyong reklamo sa pamamagitan ng email, siyasatin ang inyong reklamo, at layunin naming magpadala sa inyo ng pangwakas na sagot sa loob ng labinlimang (15) business day mula sa petsa ng pagtanggap ng reklamo. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang aming pahina ng Complaints Policy.
Financial commission
2.2. Kung hindi naresolba ang inyong reklamo sa paraang nasisiyahan kayo, maaari ninyong i-escalate ang inyong reklamo sa Financial Commission. Sa ganitong kaso, dadaan ang inyong reklamo sa mga sumusunod na proseso:
2.2.1. Paunang yugto
2.2.1.1. Makakapagsampa lamang kayo ng reklamo sa Financial Commission kung hindi kayo nasisiyahan sa aming desisyon o kung hindi nagawa ang desisyon sa loob ng 15 business day.
2.2.1.2. Maaari kayong magsampa ng reklamo sa Financial Commission hanggang 45 araw matapos ang insidente.
2.2.1.3. May 5 araw ang Financial Commission para kilalanin na natanggap ang inyong reklamo at 14 na araw para sagutin ang reklamo sa pamamagitan ng kanilang Internal Dispute Resolution (IDR) na proseso.
2.2.2. Ang yugto ng imbestigasyon
2.2.2.1. Iimbestigahan ng Financial Commission ang bisa ng reklamo sa loob ng 5 business day.
2.2.2.2. Ang Head of the Dispute Resolution Committee (“DRC”) ay makikipag-ugnayan sa inyo at sa amin sa loob ng 5 business day para makuha ang lahat ng kinakailangang impormasyon at tingnan kung may pagkakataon na maresolba ang reklamo sa yugto ng imbestigasyon.
2.2.3. Yugto ng determinasyon
2.2.3.1. Gagawa ang DRC ng desisyon sa reklamo (pakitandaan na walang binabanggit na takdang panahon ang DRC para sa pag-anunsyo ng kanilang desisyon).
2.2.3.2. Maaaring humingi ang DRC ng karagdagang impormasyon mula sa inyo o sa amin, at dapat ibigay ang hininging impormasyon sa loob ng 7 araw.
2.2.4. Mga award at order
2.2.4.1. Ang mga desisyong ginawa ng DRC ay nagbubuklod sa amin. Ang mga desisyon ng DRC ay nagbubuklod lamang sa inyo kung tatanggapin ninyo ang mga ito.
2.2.4.2. Kung sumasang-ayon kayo sa desisyon ng DRC, kailangan ninyo itong tanggapin sa loob ng 14 araw. Kung hindi kayo tumugon sa desisyon ng DRC sa loob ng 14 araw, ituturing na sarado ang reklamo.
2.2.4.3. Dapat naming ipagkaloob ang settlement sa loob ng 28 araw mula nang maabot ang desisyon.
2.2.4.4. Kung ang desisyon ay pabor sa amin, dapat kayong magbigay ng release para sa amin sa loob ng 7 araw mula nang gawin ang desisyon, at ituturing na sarado ang reklamo.
Vanuatu Financial Services Commission (VFSC)
2.3. Kung, pagkatapos ng 3 pagtatangka, hindi namin nalutas ang inyong reklamo sa inyong kasiyahan, maaari ninyo itong itaas sa VFSC. Dapat kasama sa reklamo ang mga sumusunod:
2.3.1. Buong pangalan at photo identification ng nagrereklamo;
2.3.2. Kumpirmasyon ng pamumuhunan, tulad ng resibo ng deposito ng pondo para sa pamumuhunan;
2.3.3. Kopya ng prospectus ng produkto o pamumuhunang inaalok;
2.3.4. Buong pahayag ng reklamo na naglalahad ng batayan ng reklamo;
2.3.5. Kumpirmasyon ng kahilingan para sa withdrawal; at
2.3.6. Iba pang kaugnay na impormasyon o dokumento, tulad ng mga email o chat sa pagitan namin at ng nagrereklamo.
2.4. Ang lahat ng kaugnay na dokumento sa VFSC ay dapat isalin sa Ingles kung kinakailangan at patunayan na tama ang pagsasalin ng mga dokumento.