Ang dokumentong ito ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ninyo at ng Deriv at dapat basahin kasama ng aming General Terms of Use para sa mga kliyente (ang "General Terms"). Ang anumang mga tiyak na terminong ginamit sa mga karagdagang tuntuning ito ay magkakaroon ng kahulugang ibinigay sa kanila sa General Terms.
1. Panimula
1.1. Ang mga karagdagang tuntuning ito ay inaaplay sa lahat ng klyenteng may account sa Deriv Investment Bank (Labuan) Ltd. (dati ay kilala bilang Deriv (FX) Ltd., Company No. LL13394, Labuan Investment Bank Licence No. 260160BI).
1.2. Kung may anumang hindi pagkakatugma o paglihis sa pagitan ng mga karagdagang tuntuning ito at/o anumang iba pang dokumentong bahagi ng Agreement, mananaig ang mga karagdagang tuntuning ito kaugnay ng inyong account sa Deriv Investment Bank (Labuan) Ltd. (dati ay kilala bilang Deriv (FX) Ltd.)
1.3. Ang Deriv Investment Bank (Labuan) Ltd. (dati ay kilala bilang Deriv (FX) Ltd.) ay lisensyado sa ilalim ng Labuan Financial Services and Securities Act 2010 na magsagawa ng negosyong Labuan investment banking mula sa o sa pamamagitan ng Federal Territory of Labuan, Malaysia, at lisensyado at pinangangasiwaan ng Labuan Financial Services Authority.
2. Pagsasakatuparan ng order
2.1. Alinsunod sa aming kondisyon sa lisensya, kumikilos kami bilang agent sa ngalan ninyo kapag isinasakatuparan namin ang inyong mga order, at hindi kami ang counterparty sa inyong mga trade.
2.2. Kapag naglagay ng order para bumili o magbenta ng instrument sa inyong Deriv MT5 account, ipinapasa ang inyong order sa isang liquidity provider na nagbibigay ng serbisyo sa amin. Hindi kami nagsasagawa ng anumang position taking sa inyong mga trade.
2.3. Kinakailangan naming magsagawa ng due diligence sa lahat ng liquidity provider at matiyak na ang mga venue na ginagamit namin ay regulated ng isang kinikilalang supervisory o regulatory authority.
3. Karagdagang impormasyon
3.1. Para sa karagdagang impormasyon na partikular na naaangkop sa inyong account sa Deriv Investment Bank (Labuan) Ltd. (dati ay kilala bilang Deriv (FX) Ltd.), bisitahin ang landing page na ito (ang "Landing Page"). Maaaring gawing available sa inyo ang Landing Page sa panahon ng pagpaparehistro o sa pamamagitan ng Platform. Ang content sa Landing Page ay ibinigay para sa impormasyon lamang at hindi nag-aamyenda sa Agreement maliban kung tahasang sinabi na iba.