Eco pledge ng Deriv, isang award-winning online broker: Pagtatanim ng 2,000 punla para sa mas malinis na Cyprus

Pagpapalakas ng corporate social responsibility sa pamamagitan ng 'You Reforest Cyprus'
LIMASSOL, Cyprus, Dis. 18, 2023 (GLOBE NEWSWIRE) — Noong Nobyembre 19, pinamunuan ng Deriv ang pagdo-donate at pag-ambag para sa pagtatanim ng mahigit 2,000 na punla sa rehiyon ng Palodia, Limassol, sa pamamagitan ng inisyatibang 'You Reforest Cyprus', na pinapatakbo ng Green Shield. Ang pakikilahok sa inisyatibang ito ay kumakatawan sa isang mahalagang sandali sa mga pagsisikap ng Deriv para sa CSR.
Deriv, isang nangungunang online trading company na may pandaigdigang presensya sa 20 opisina, ay ipinapahayag ang mas pinatinding pangako nito sa Corporate Social Responsibility (CSR) mula sa opisina nito sa Cyprus. Ang pangakong ito ay patunay ng dedikasyon ng kompanya sa paglikha ng tunay na epekto sa lipunan at kapaligiran.
Sinabi ni Geo Nicolaidis, Director sa Deriv Cyprus, “Higit pa sa simpleng konserbasyon ang pagtatanim ng puno; ito ay isang mahalagang pamumuhunan para sa kinabukasan ng ating planeta at repleksyon ng aming dedikasyon sa napapanatiling paglago para sa mundong pinagsasaluhan nating lahat. Lubos akong naiinspire ng pagmamahal ng aking team at komunidad, na kusang-loob na nag-ambag ng kanilang oras at pagsisikap. Sa pagtatanim ng mga ugat na ito, muli naming binubuhay ang aming mga kagubatan at naghahasik ng pag-asa para sa mga susunod na henerasyon.”

Tumatanggap si Geo Nicolaidis ng plaka bilang pagkilala sa eco pledge ng Deriv.
Ang mga pagsisikap ng Deriv para sa CSR ay isang patuloy na pangako. Kasunod ng matagumpay na pagtatanim ng 2,000 punla, layunin ng kompanya na magtanim ng karagdagang 3,000, na muling nagpapatibay sa kanilang pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi ni Talent Acquisition Executive Anna Themistokleous, “Ang bawat punlang itinatanim namin ay isang hakbang tungo sa mas malinis na kinabukasan, na sumasalamin sa aming pangako sa pangangalaga ng kapaligiran at kapakanan ng komunidad.”
Pinapadaan din ng kompanya ang kanilang mga pagsisikap para sa kapaligiran sa paraang personal sa pamamagitan ng pag-aampon ng puno upang ipagdiwang ang mga espesyal na pangyayari sa buhay ng kanilang mga empleyado, tulad ng kaarawan o anibersaryo. Sinabi ni Jean-Yves Sireau, CEO ng Deriv, “Ang aming mga pagsisikap para sa kapaligiran ay magkaugnay sa mga milestone ng aming team. Sa pamamagitan ng pagsasama ng ecological responsibility at pagkilala sa mga empleyado, aming pinapalago ang isang kultura ng sustainability na lumalampas pa sa aming kompanya.”
Sa nakaraang taon, ang CSR program ng Deriv na 'Deriv Life' ay responsable sa ilang mahahalagang inisyatiba, kabilang ang pag-sponsor ng prosthetic limb para sa pinakabatang elepanteng amputee sa Malaysia. Pinapatunayan ng mga hakbang na ito ang dedikasyon ng Deriv sa CSR bilang pangunahing aspeto ng kanilang pagkakakilanlan at misyon.
Upang malaman ang higit pa, bisitahin ang Deriv Life at ang website ng kompanya.
Tungkol sa Deriv
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nangako ang Deriv na gawing accessible ang online trading para sa kahit sino, kahit saan. Pinagkakatiwalaan ng mahigit 2.5 milyong trader sa buong mundo, nag-aalok ang kompanya ng malawak na hanay ng mga uri ng trade at may mahigit 200 asset sa mga sikat na merkado sa kanilang award-winning at madaling gamitin na mga trading platform. Sa workforce na mahigit 1,300 katao sa buong mundo, nakapagbuo ang Deriv ng isang kapaligiran na nagdiriwang ng mga tagumpay, humihikayat ng propesyonal na paglago, at nagpapatibay ng pagpapaunlad ng talento.
PANG-MEDYA NA CONTACT Aleksandra Zuzic aleksandra@deriv.com