Nakamit ng Deriv ang prestihiyosong Platinum accreditation mula sa Investors In People

- Dahil sa parangal na ito, kabilang ang Deriv sa top 2% ng mga global organisation na na-accredit ng Investors In People
- Ika-5 ang Deriv sa finance at insurance sector para sa mga kompanyang may kaparehong laki
Cyberjaya, Malaysia, Enero 26, 2024: Ang Deriv, isa sa pinakamalaking online trading platform sa mundo, ay iginawad ng Investors In People ang kahanga-hangang Platinum accreditation bilang pagkilala sa huwarang commitment nito sa mga tauhan. Dahil sa parangal na ito, kabilang ang Deriv sa top 2% ng mga global organisation na na-accredit ng Investors in People (IIP), na matatag na nagtatatag dito bilang trailblazer sa mga people practice.
Isinaad ng IIP na ika-5 ang Deriv sa finance at insurance sector kabilang ang mga kompanyang may kaparehong laki, at ika-127 kabilang sa lahat ng na-accredit na organisasyon. Pinatutunayan ng Platinum accreditation ang patuloy na commitment ng Deriv sa pagbuo ng isang engaged at high-performing na workforce, gayundin ang nangungunang organizational culture at people practice nito.
Si Seema Hallon, Chief Human Resource Officer ng Deriv, ay ipinahayag ang kaniyang galak sa tagumpay na ito: “Ang Platinum IIP Accreditation ay hindi lamang isang parangal. Ito ay kumakatawan sa aming pangako na magpatuloy sa pag-innovate, pagbibigay-inspirasyon, at pamumuno sa larangan ng mga people practice, habang pinananatili ang pinakamataas na pamantayan ng excellence at employee empowerment. Pinapatibay rin nito ang aming lubos na commitment sa pagbuo ng isang suportadong lugar ng trabaho na nagbibigay-daan sa mga empleyado na ibuhos ang kanilang husay sa trabaho upang umunlad at lumago kasama ang kompanya.”
Sinimulan ng Deriv noong 2022 ang paggamit ng IIP framework para sa pag-benchmark ng mga people practice nito, kung saan nakamit nila ang Gold accreditation sa kanilang unang assessment. Noong 2023, batay sa performance laban sa Make Work Better framework, nakamit ng kompanya ang Platinum accreditation.
Si Paul Devoy, CEO ng Investors in People ay nagsabi tungkol sa tagumpay ng Deriv: “Ang Platinum accreditation na ito ay hindi lamang isang badge of honour kundi isang patunay ng matatag na dedikasyon ng Deriv sa kaniyang pangunahing mga value na integrity, competence, teamwork, at customer focus, at higit sa lahat, sa kaniyang mga tauhan.”
Nagpatuloy si Devoy: “Buong pagmamalaki na masasabi ng Deriv na kabilang ito sa top 2% ng mga high-performing organisation sa buong mundo na na-assess laban sa aming mahigpit na pamantayan para sa pagpapakita ng sustainable success sa pag-empower at pag-include sa mga tauhan.”
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa work culture at mga oportunidad sa karera sa Deriv, bisitahin ang aming careers page.
Isang pagpupugay sa commitment ng Deriv sa pagpapalaganap ng isang suportadong at masiglang lugar ng trabaho na nakasentro sa aming mga tauhan.
Tungkol sa Deriv
Sa loob ng 25 taon, nananatiling nakatuon ang Deriv sa paggawa ng online trading na accessible sa sinuman, saanman. Pinagkakatiwalaan ng mahigit 2.5 milyong trader sa buong mundo, nag-aalok ang kompanya ng malawak na hanay ng mga uri ng trade at may higit 200 asset sa mga popular na merkado sa kaniyang mga award-winning at madaling gamitin na trading platform. Sa workforce na may mahigit 1,300 katao sa buong mundo, nalinang ng Deriv ang isang kapaligiran na nagdiriwang ng mga tagumpay, naghihikayat ng propesyonal na paglago, at nagpapalaganap ng pag-unlad ng talento — na makikita sa Platinum accreditation nito mula sa Investors in People.
PRESS CONTACT Aleksandra Zuzic aleksandra@deriv.com